You are on page 1of 2

Sa-ong, Jelou Mae Y.

April 14,2023
STEM 11-B

Ang Baguio City ay matatagpuan sa Hilagang Isla ng Luzon. Napapalibutan ito ng


probinsya ng Benguet. Ayon sa aking nasaliksik, Itinatag ito ng mga Amerikao noong 1900
bilang isang bakasyunan sa panahon ng tag-araw sa isang nayon ng mga Ibaloi na dating
tinatawag na Kafagway. Ginawang “Summer Capital” ang lungsod noong ika-1 ng Hunyo, 1903
ng “Philippine Commission” at idineklarang lungsod ng “Philippine Assembly” noong ika-1 ng
Setyembre, 1909. Ang pangalang Baguio ay hango sa salitang Ibaloi na bagiw na ang ibig sabihin
ay ‘lumot’. Tinatayang nasa mahigit-kumulang sa 1500 metro(5100 talampakan) ang taas ng
lungsod na naaayon para sa paglaki at pagdami ng mga punong pino at mga halamang
namumulaklak. Isa sa naiisip kong dahilan kung bakit hindi nawawala sa listahan ng mga pinoy
at turista ang Baguio sa listahan ng kanilang pagbabakasyunan ay dahil na din sa kakaibang
klima nito, tag-araw o tag-ulan man, malamig pa din ang hangin dito kaya gustong-gusto itong
pasyalan ng karamihan sa atin.

Narito ang mga lugar na maituturing na “Tourist Spots” na aming pinuntahan sa Baguio
City. Burnham Park, sa Burnham Park, may mga bangka at bisekleta na maaari mong sakyan
kasama ang iyong mga kaibigan o kapamilya, tiyak na kayo’y makakarelax sa napakagandang
tanawin dito. Ang Mines View Park ay isa rin sa kilalang pasyalan na matatagpuan sa lungsod ng
Baguio. Dito maaring matanaw ang Benguet’s gold and copper mine at ang mga nakapalibot na
kabundukan. Mayroon ding mauupahang largabista kung nais makita ang mga tanawin dito.
Ang mahabang lanaw ng Wright Park na may pino at mga bulaklak sa loob nito ang
pangunahing atraksiyon. May lugar sa pagsakay sa kabayo at puwede ring magpakuha ng
laawan kasama ang mga Igorot. Botanical Garden, sa mga lugar na ito, makikita mo ang mga
nakakamanghang bundok at mga minahan, mga nag gagandahang bulaklak at ang mga taong
masayang nakikipagkwentuhan, karamihan ay mga magkakapamilya at magkakaibiganng
namamasyal. Pwede ka din magpapicture sa mga aso at kabayo doon. Madami ding mabibiling
souvenir dito na karamihan ay gawa sa kahoy at tsaka mga palamuti sa katawan. Kung ikaw
naman ay biglang nagutom, wag kang mag-alala dahil marami ding tindahan dito na
mapagbibilhan ng mga masasarap na pagkain. Ang Baguio Catholic Cathedral ay matatagpuan
din sa puso ng Baguio City at isa sa pinaka saikat na istraktura sa lungsod. Marami ding
kwentong kababalaghan dito, may mga madre daw na nagpapakita tuwing madaling araw tsaka
mga boses daw na hindi mo alam kung saan nanggagaling. Ayon na din sa aking pananaliksik,
marami na daw namatay dun tsaka ginawang evacuation center ang Baguio City Cathedral 945.
Maaari ring mag renta ng mga magandang kasuotan ng mga Igorot na eksklusibo lamang para
sa mga turistang nagpupunta dito. (Hannah Joy Fernandez Marso 2017)

You might also like