Professional Documents
Culture Documents
Baguio City-WPS Office
Baguio City-WPS Office
Gusto nyo bang mag enjoy at makakita ng mga magagandang tanawin na pam-patanggal stress at
pagod? Pwes, Halina't magpunta at makisaya sa Baguio City na kilala rin sa tawag na "City of Pines".
Ang Baguio City ay matatagpuan sa Hilagang Isla ng Luzon. Napapalibutan ito ng probinsya ng Benguet.
Ayon sa aking nasaliksik, Itinatag ito ng mga Amerikao noong 1900 bilang isang bakasyunan sa panahon
ng tag-araw sa isang nayon ng mga Ibaloi na dating tinatawag na Kafagway. Ginawang "Summer Capital"
ang lungsod noong ika-1 ng Hunyo, 1903 ng "Philippine Commission" at idineklarang lungsod ng
"Philippine Assembly" noong ika-1 ng Setyembre, 1909. Ang pangalang Baguio ay hango sa salitang Ibaloi
na bagiw na ang ibig sabihin ay 'lumot'. Tinatayang nasa mahigit-kumulang sa 1500 metro(5100
talampakan) ang taas ng lungsod na naaayon para sa paglaki at pagdami ng mga punong pino at mga
halamang namumulaklak. Isa sa naiisip kong dahilan kung bakit hindi nawawala sa listahan ng mga pinoy
at turista ang Baguio sa listahan ng kanilang pagbabakasyunan ay dahil na din sa kakaibang klima nito,
tag-araw o tag-ulan man, malamig pa din ang hangin dito kaya gustong-gusto itong pasyalan ng
karamihan sa atin.
Burnham Park
Sa
Ang Mines
View Park
ay isa rin sa
kilalang pasyalan na matatagpuan sa lungsod ng
Baguio. Dito maaring matanaw ang Benguet's gold
and copper mine at ang mga nakapalibot na
kabundukan. Mayroon ding mauupahang
largabista kung nais makita ang mga tanawin dito .
Wright Park
Ang
Botanical Garden