You are on page 1of 2

“BAGUIO (CITY OF PINES)”

Isa sa pinakapaborito kong puntahan ay ang lugar na Baguio.


Ang Baguio ay isa sa mga pinaka sikat na lugar dito sa Pilipinas
lalong lalo na sa North Luzon, kilala ito bilang Summer Capital of
the Philippines hindi dahil mainit dito ngunit dahil napakalamig
dito lalong lalo na kapag bumagsak ang temperatura dito kapag
sumasapit na ang kapaskuhan. Gustong-gusto ko ang lugar na
ito dahil sa ganda ng mga pasyalan at sarap ng simoy ng hangin.

Unang pinuntahan namin ay ang Our Lady


of Atonement Cathedral ito ay isang
Romano Katolikong katedral na
matatagpuan sa Cathedral Loop, malapit sa
Daang Session sa Lungsod ng Baguio.
Natatangi ito dahil sa kaniyang kulay
rosas na panlabas na kayarian at isa sa
mga pinaka-nakukuhanan-ng-litratong
gusali sa Lungsod ng Baguio.

Pangalawa ay ang The Mansion na kilala


rin sa tawag na “Summer Home of the
President of the Philippines” ito ay
matatagpuan sa Leonard Wood Road. Isa
rin ito sa pinaka tanyag na pasyalan dito sa
Baguio.
Panghuli ay ang Burnham Park ito ay
isang urban parke na matatagpuan sa
gitna ng Lungsod ng Baguio. Dito sa
lugar na ito matatagpuan ang isang
Dancing Fountain pwede ritong
mamangka,magpicnic, at
magbisikleta.

Dahil sa Baguio nalilimutan ko lahat ng problema ko sa buhay at


sana maulit muli ang mga masasayang ala-ala ko kasama ang
aking pamilya dito sa lugar na ito.

You might also like