You are on page 1of 2

Kilala ang Baguio sa maganda nilang lugar na may napakalamig na

klima. Napapanatili nila ang mga pinahahalagang yaman ng kanilang


lugar. Napapanatili rin nila ang dami ng kanilang sari-saring tanim na
gulay, prutas, bulaklak at mga halaman na nagbibigay ng
magandang kita sa Baguio. Namumuhay sila ng simple at masagana.
Isa sa mga tradisyo ng mga taga Baguio ay ginaganap taon taon na
Panagbenga festival kung saan ipinagmamalaki nila ang kasaganaan
ng mga bulaklak sa kanilang lugar.

Ang tinaguriang “Summer Capital” ng Filipinas na matatagpuan sa


lalawigan ng Benguet. Ang Lungsód Baguio (Bág·yo) ay nása ibabaw
ng isang talampas na may 1,520 metrong taas mula sa dagat at may
pangkaraniwang temperaturang 18 sentigrado. Ang malamig na
klima ng siyudad ang nagsisilbing pangunahing atraksiyon upang
puntahan ito ng mga bakasyonistang Filipino at mga dayuhan lalo na
sa panahon ng tag-init. Ang lalawigan ng Benguet ay bahagi ng
Cordillera Administrative Region (CAR). May 130 ang kabuuang
bilang ng barangay ng Baguio. Tinatawag ang Baguio na “Kafagway”
ng mga katutubo mula sa iba’t ibang pangkating etniko dito. Ang
kasalukuyang pangalan ay sinasabing hango sa halamang “bagiw.”

Nagpunta dito ang mga mananakop na Español upang maghanap ng


mga mina ng ginto, pilak, at tanso. Nang masakop ng mga
Americano ang Filipinas itinatag nilá ang unang pamahalaang sibil
dito noong ika-1 ng Hunyo 1903. Hanggang 1909, ang siyudad ay
isang lugar na ginawang minahan ng Benguet Consolidated Mining
Company.

Ang tatlong pangunahing daan patungo sa siyudad ay ang Naguilian


Highway, Marcos Highway, at ang Kennon Road. Ang Session Road
ang pangunahing daan sa loob ng lungsod. Makikita rin dito ang
Burnham Park, ang pangunahing parkeng pasyalan ng siyudad na
ipinangalan kay Daniel Burnham, ang nagdisenyo ng plano ng
siyudad. Ang pamilihan ng siyudad na nása bahaging dulo ng
Session Road ay tampok sa mga panindang gulay, prutas, mga
hinabing damit, at yaring-kamay na dekorasyon. Dinarayo rin dito
ang Wright Park, na may mga kabayong sinasakyan ng mga turista
at tinatahak ang daan patungong tarangkahan ng Mansion House,
ang opisyal na bakasyunan ng Pangulo ng Filipinas. Ang ibang lugar
pasyalan dito ay ang Mines View Park na nagpapakita ng kabuuang
lawak ng bulubundukin ng Benguet. Narito rin ang Camp John Hay
na dating kampo ng mga Americano at ngayon ay naglalaman ng
mga pasilidad na bukás sa publiko. Ang Philippine Military Academy
(PMA) ay matatagpuan din sa may labas ng siyudad. Bagong
atraksiyon ang taunang Panagbënga Festival na nagtatampok sa
magagandang bulaklak na tanim sa malamig na kabundukan.

You might also like