You are on page 1of 2

CARAGA

Ang CARAGA ay isang rehiyon ng Pilipinas na matatagpuan sa hilagang silangang


bahagi ng pulo ng Mindanao. Nabuo ito sa bias ng Republic Act. No. 7901 noong 23
Pebrero 1995 na inaprubahan ni Pangulong Fidel V. Ramos. Ang rehiyon ay binubuo
ng lima (5) na lalawigan. Agusan Del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Norte,
Surigao del Sur at Dinagat Islands; tatlong (3) Lungsod Butuan, Surigao at Bislig;
pitumpong (70) bayan at 1,346 na barangay. Ang lunsod ng Butuan ang Sentrong
Pang Rehiyon.
Surigaonon ang pangunahing wika sa rehiyon, at sinasalita ng 33.21% ng mga
mamamayan sa sinundan ng Butuanon na sinasalita ng 15% ng mga mamamayan.
Katutubong wika sa rehiyon ang Surigaonon na sinasalita ng mga lalawigan ng
Surigao Del Norte at Surigao Del Sur at sa ilang bahagi ng Agusan Del Norte
particular sa mga bayan malapit sa Lawa ng Mainit.
ANG KASAYSAYAN NG CARAGA
Ang kasaysayan ng CARAGA ay nagsimula noong ika-15 ng siglo, nang ang mga
maglalayag ay matuklasan ang mga KALAGAN, na pinaniniwalaang Visaya ang
pinanggalingan, na mula sa isa sa tatlong distrito ng Mindanao. Nabuo ang
pangalang CARAGA sa salitang BISAYA ng kalagan na mula sa kalag na
nangangahulugang KALULUWA (soul) o TAO (people)
at AN na
nangangahulugang LUPAIN (land). Ang mga kalagan ay may mahabang
kasaysayan ng katapangan at walang kinatatakutan. Kaya anG Rehiyon ay tinawag
ng mga unang mga tagapag-tala na LUPA NG MATATAPANG AT WALANG TAKOT.
Ang mga Kalagan ay tinawag na CARAGAN ng mga kastila ay namuhay sa bahagi
na binubuo ng dalawang lalawigan ng Surigao, hinalang dako ng Davao Oriental at
Silangan Ozamis Oriental. Ang dalawang lalawigan ng Agusan noong 1914. Noong
1960, ang Surigao ay nahati sa Norte at Sur, at noong 1967, ang Agusan ay
sumunod na rin. Samantalang ang Butuan noon ay isa pa lamang bayan ng Agusan,
ang paglago ng industriya ng pagtrotroso ay humikayat ng pangangalakal at mga
mangangalakal sa lugar na ito. Noong 2 Agosto 1950, sa bias ng Republic Act 523,
ang saligan ng paka-lugsod ng Butuan ay pinagtibay.

TUNA FESTIVAL
Ang Tuna festival ay isang pagdidiwang na ngagagnap sa loob ng isang lingo, simula
huling linggo ng Agosto hanggang unang linggo ng Setyembre. Ito ay nagaganap
sa General Santos City, ns siyang tinuturing na TUNA CAPITAL ng Pilipinas. Ang
okasyong ito ay ngsisilbing pagpapahalaga sa tuna bilang pangunahing
pinagkukunan ng kita ng lugar. Ito rin ay dinandayo ng libo-libong mga turista, kung

kayat ang Tuna Festival ay pinapahalagahan din bilang isa sa mga pinakasikat na
Tourist Attraction sa bansa.
Ang General Santos City sa Mindanao ay tinataguriang isa sa mga pinakamabilis a
pag-unlad na mga siyudad sa Pilipinas. Sa katunayan, ito a nakatanggap ng
gantimpala nang tatlong beses bilang Most Competitive City sa Pilipinas mula
1999 hanggang 2000. Isang malaking dahilan para dito ay ang malawakang
pangingisda ng mga tuna at iba pang uri ng isda sa Fish Port Complex ng General
Santos. Noon pa mang dekada 70 ay kilala na ang siyudad bilang Tuna Capital ng
Pilipinas, at nasasabing ang kabuuan ng mga tuna na nahuhuli sa Gen San ay higit
sa pinagsamang huli ng mga isda sa lahat ng fish port sa bansa. Karamihan sa mga
nahuhuling tuna sa Gen San ay Yellowfin Tuna at sashimi adult tuna . Ang mga
huli ay galling sa Sulu Sea, Moro Gulf, Mindanao Sea at Celebes Sea, na siyang
kilala bilang sagana sa yamang-dagat. Ang mga nahuling tuna ay iniluluwas sa mga
karapit-siyudad tulad ng Davao, Bukidnon, South Cotobato at pati na rin ng mga
dayuhang bansa tulad ng Hapon at Estados Unidos.
SIMULA NG TUNA FESTIVAL
Nagsimula nag Tuna Festival bilang isang bahagi lamang ng pagdiriwang ng ika-30
Anibersaryo ng kalungsuran ng General Santos City noong 1998. Bilang bahagi ng
pagdiriwang na ito, ngkaroon ng mga patimpalak at kainan na ganamit ang tuna
bilang sentral ng tema. Mula rito, naisipan ng dating alkalde na si Mayor Adelbert W.
Antonio na maaring mgkaroon ng isang buong pagdiriwang upang gunitain ang
tuna bilang sagisag ng siyudad. Iminungkahi niya na maaring magkaroon ng
ganitong klaseng pagdiriwang taun-taon. Mula rito sa mungkahing ito ang unang
Tuna Festival ay nagsimula noong 1999.
Karaniwang nagsisimula ang Tuna Festival sa isang parade ng mga Float na may
kinalaman sa tuna at mga yamang-dagat. Ang parading ito ay tinatawag na Parada
sa Dagat at kasabay nito ang idinadaos ang Street Dancing. Sa loob ng isang
linggo, ang ibat-iba pang mga kaganapan sa Tuna Festival ay mga patimpalak sa
pagluto ng tuna, mga Exhibit ng mga lutong tuna, mga sayawan tulad ng Fish
Dance competition. Miss Gen San beauty pageant, Bodyfest modeling competition,
mga palaro, kantaha at mga konsyerto. Inaasahan din ang ilang mga libreng
pagkain ng tuna at sashimi sa pinagdarausan ng mga kaganapan. Maliban dito ,
ginaganap din ang Karagatang Awards na naglalayong bigyang parangal ang mga
tinaguriang bayani ng Industriya ng pangingisda. Ang karaniwang pinagdarausan ng
mga mahahalagang kaganapan sa Tuna Festival ay ang Oval Plaza at Oval Plaza
Court. Sa huling araw ng festival, ginaganap ang Pamahaw Ug Pasalamat. Sa
araw na ito, ang ilan pang mga inaasahang kaganapan ay ang mga sumusunod:
drum and lyre na kompetisyon, street party , konsyerto, barilis night at fireworks
display.

You might also like