You are on page 1of 2

Baguio

Ang Baguio ay isang siyudad ng Pilipinas na bahagi ng


Benguet. Tinawag itong “Summer Capital of the
Phillipines” dahil maraming dumarayo dito para
magbakasyon at mamasyal. Ang altitude nito ay mataas
kaysa mga ibang siyudad sa rehiyon. Ang populasyon ay
366,358.

Ang Burnham Park ay isang parke na dedikado kay


Daniel Burnham dahil siya ang nagdisensyo nito.
Maraming mga tanawin na makiki ta dito kagaya ng
Burnham Lake, ang Baguio Athletic Bowl, ang Rose
Garden at ang Orchardanium.

Ang Imelda Mansion ay isang palasyo ng Presidente ng


Pilipinas sa Baguio. Ang mga tanawin na makikita rito ay
ang mga ponies at isang museo na may maraming
memorabilia ng mga dating presidente.

Ang Wright Park ay isang tanyag na parke dahil


maraming tao dahil sa maraming kabayo na
pinarerentahan. Ito ay malapit sa The Mansion.
Ang Baguio Catherdal ay isang katedral na dedikado kay
Mama Mary. Ito ay isang sikat na simbahan dahil sa kulay
rosas sa loob nito, may kambal na taluktok at ang
minantsahang salamin ay kakaiba.

Ang Mines View Park ay isang parke na may maraming


tindahan na may mga souvenirs na mabibili rito. Marami
ang namamasyal doon dahil sa observation deck para
kumuha sila ng mga larawan. Marami ring mga
pasalubong na paninda na maari nating iuwi.

Ang lugar ng Baguio ay maraming atraksyon, magandang


tanawin at malamig ang klima kaya maraming mga turista
at bakasyonista ang pumupunta rito.

You might also like