Ang rehiyon ng Ilocos ang unang rehiyon ng Pilipinas.
Ang rehiyon ay may apat na lalawigan. Ito ay Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union at Pangasinan at ang populasyon nito ay 5,301,139.
Ang La Paz Sand Dunes ay isang disyerto na nasa Ilocos
Norte. Ito ay isang popular na lugar para magsandboarding at 4x4 vehicle riding.
Ang Vigan ay isang siyudad sa Ilocos Sur na kilala dahil
sa mga bahay na bato at ang Earthquake Baroque Church. Dahil dito, ito ay nadagdag sa mga Unesco World Heritage Sites. Ang Unesco World Heritage Site ay isang pook na may natatanging kultural o pisikal na kahalagahan.
Ang Hundred Islands National park ay isang parke sa
Alaminos, Pangasinan. Ito ay may maraming hayop kagaya ng grey backed tailorbird, Philippine Duck at ang white eared brown dove. Ang Lingayen Gulf ay isang golpo sa Pangasinan. May maraming dalampasigan na malapit dito kagaya ng sa San Fabian. Maraming ilog dito tulad ng Agno, Dagpuan, Angalacan-Bued, Aringay at Bauang.
Ang Baluarte Zoo ay isang zoo sa Ilocos Sur. Ito ay pag-
aari ni Chavit Singson. Ang mga hayop na makikita rito ay mga ostrich, parrots, kabayo at iba pa.
Ang rehiyon ng Ilocos ay isang tanyag na lokasyon sa