You are on page 1of 2

Davao City

Ang siyudad ng Davao ay parte ng rehiyon 11. Ito ay


matatagpuan sa Mindanao at ang populasyon nito ay
1,776,949. Ang siyudad ay tinawag na “Durian Capital of
the Philippines” at “Chocolate Capital of the Philippines”
dahil marami itong mga durian at tsokolate.

Ang Mount Apo ay isang natutulog na bulkan. Ito ay ang


pinakamataas na bundok sa buong bansa at matatagpuan
din sa Davao.

Ang Eden Nature Park at Resort ay isang resort na may


maraming tanawin kagaya ng pangingisda, skycycling at
skywheel.

Ang People’s Park ay isang parke na tawag ay “Best Park


sa Pilipinas” dahil ito at malinis at maberde. Ang mga
highlight nito ay ang durian dome sa gitna ng parke at ang
estatwa ng Philippine Eagle, ang pambansang ibon ng
Pilipinas.

Ang Malagos Garden Resort ay isang resort na may


maraming halaman, puno at bulaklak. Meron ding
Chocolate Factory na pagawaan ng tsokolate,
birdwatching at Butterfly Garden.

Ang Crocodile Park ay isang zoo na ang pinakaatraksyon


nito ay ang mga buaya. Dito rin ay may mga unggoy,
ahas, ibon at iba pa. May show sila na may tulay sa gitna
ng maliit na lawa na puno ng buaya at may taong
tumatawid dito patungo sa kabilang dulo.

Ang Pearl Farm ay isang resort na may maraming mga


aktibidad kagaya ng kayaking, snorkeling, movie night at
ang Torogan house. Ito ay ang pinakasikat na resort dito
sa Davao.

Ang siyudad ng Davao ay may maraming tanawin kaya


maraming tao ang nagpupunta rito at nagtamo rin ito ng
karangalan pinakamaayos na siyudad at pinakamalaking
siyudad sa Mindanao.

You might also like