You are on page 1of 1

Halina't Tuklasin Ang tanawin ng Samal Island

Ang Samal Island ay isang isla na matatagpuan sa Davao City, ang


kapital ng Mindanao at kung saan din ang galing ang bagong presidente
na si Pres. Rodrigo Duterte.

Kilala rin ito sa tawag na “Garden City of Samal” na dalawang metro ang
layo sa Davao at 1400 kilometro naman sa Maynila.

Kakaiba ang ganda ng isla na ito dahil kahit na na-develop na, ay


makikita mo pa rin ang natural na ganda ng isla. Maraming puti at
pinking na buhangin sa mga dagat nito at puro world-class ang mga
resort.

Sa 70 resort na ma-tatagpuan sa isla, siguradong makakahanap ka ng


budget na swak sa inyong bulsa. Crystal blue ang tubig dito at
napakalinaw. Perfect destination ito ng mga nagha-honeymoon,
magbabarkada, at ma-ging pang pamilya.

Beach hoping at diving ang ilan sa mga aktibidad na pwede gawin sa


isla na ito at higit sa lahat, ang pagtikim ng mga pagkaing
ipinagmamalaki sa nasabing isla.

You might also like