You are on page 1of 4

Ang Fogline ay isa sa pinaka pinupuntahang lugar dito sa Pagadian City.

Dahil
makakasaksi ka ng magandang tanawin at malalanghap mo ang masarap na
hangin sa lugar na ito, at kung gusto mo rin mag pahinga o tumambay ito ang
pinakamagandang lugar at marerekomenda ng lahat na puntahan dito sa Pagadian
City.
Limbayan Beach Resort ay nasa lugar ng Pitogo, Isa rin ito sa pinakamagandang
beach dito sa Zamboang Del Sur. Mahirap itong hanapin sa lugar ng Pitogo pero
sulit naman kapag kayo ay nakarating na sa resort dahil nakakabighani sa mga
mata na pagmasdan ang mga magagandang bato at mapuputing buhangin sa
buong dalampasigan. At kapag gabi mapapatulala ka nalang sa kagandahan ng
dagat at nakapapawi rin ng pagod sa pagtitig sa asul na karagatan na nagdudulot
ng nakakabighaning pakiramdam ng kalmado at kapayapaan.
to ang Springland Resort na madaling mapuntahan sa City ng Pagadian. Kung saan
pwede kayong tumambay kasama ang inyong kaibigan o kapamilya at syempre
maligo sa pool. Maeenjoy nyo talaga ang bawat oras na magkasama at makaka
bonding talaga kayo ng maayos dito sa resort. Kung gusto nyo rin matulog
magkakaibigan o magkapamilya may mga kwarto na bakante din na pwede
matuluyan magdamag.

You might also like