Napakasarap talagang maglakbay sa kung saansaan lalo na pagkasama mo ang iyong mga pamilya,kamag-anak at mga barkada. Ang pag pag palalakbay ay isa sa paraan para makalimutan ang mga problema at ilibang ang sarili sa maga gandang tanawin. Naghahanap ka ba ng lugar na maaari niyong puntahan? Sa tingin ko magugustuhan mo ito dahil sobrang ganda ng mga tanawin dito at ang nakakamanghang kulay ng dagat. Hindi mn gaanong kalayoan ang lugar na aking gustong puntahan ay nagdulot parin ito sakin ng kasayahan at memorableng paglalakbay sa akin. Ang lugar na gusto kong puntahan ay ang Resort ng Bohol. Ang lugar na ito ay hindi masyadong sikat pero malinaw at sobrang berde ng dagat na gustohin mo lang magsaw-saw at ayaw umahon sa dagat. Mayroon ding mga cottage at duyan para pwede mong mapaghingahan kung ikaw ay pagod na. Mararamdaman mo din ang simoy ng hangin at madidinig mo ang tunog ng alon ng karagatan. Napag-alaman ko din na mayaman sa mga malalaking starfish ang kanilang karagatan. Makikita mo rin dito ang kahanga-hangang Chocolate Hills, ang pinakatanyag na destinasyon sa Bohol. Marami daw mga turista ang pumupunta sa Chocolate Hills para kunan ng mga litrato ang mabibighaning Chocolate Hills. Dahil sa kanilang mga burol at mga simoy ng hangin sa masalubungan, ay nagsasabi ko sa sarili na nasa kalikasan parin ang tunay na kagandahan. Kaya dapat nating alagaan ang ating kapaligiran at panatilihing malinis para magandang tingnan. Dahil ito ang ating responsibilidad bilang tao, ang protektahan ang kalikasan para lalong dumami ang bumibisitang mga turista. Kaya dapat huwag tayong magtapon ng basura kahit saan para walang isda ang mamamatay dahil sa dumi ng ating kapaligiran. Kaya dapat magpurgise tayo na maglinis ng ating kapaligiran para laging gumaganda ang ating mga tanawin at manatiling mabango ang simoy ng hangin.