You are on page 1of 1

Sibulo, Angela M.

Filipino sa Piling Larang


Quarter 2
Week 4
Mrs. Jean Requiero
Grade 11/ABM MCS

Filipino Sa piling larang


Isagawa
Gawain C

Kung nais mong suyudin ang mga probinsya sa Quezon, bakit ‘di
natin simulan sa Tagkawayan? Sa Tagkawayan, Camarines Sur ay
matatagpuan ang isang beach resort na tinatawag na “Mataas na Bato”
itinuturing ito na pinaka kilalang beach sa Tagkawayan, pinaniniwalaan din
na dito nakuha ang pangalan ng ating bayan. Sa natatanging rikit at hinahon
na dala sa pakiramdam ng kapaligiran, hindi sasapat na ikumpara ito sa
ibang beach resort. Kapansin-pansin ang magandang buhangin sa
dalampasigan ng karagatan. Ang maalwan at banayad na simoy na hangin ay
tamang-tama sa busog kong mga mata mula sa magagandang pagkakaporma
ng mga bato na siyang tanyag nito, at simpleng buhay na mapapansin sa
mamamayan na malapit dito.

Tunay na isa rin sa nagbibigay kulay ng paglalakbay ay ang mga


taong nakasalamuha. Kasama ko ang aking mga kaibigan sa biyaheng ito, at
iba talaga ang pakiramdam ‘pag labis na ngiti ang nasisilayan mula sa mga
taong malalapit sa’kin, at sama-samang nagtatawanan sa mga simpleng banat
habang nagpapalipas-oras habang nasa biyahe. Sabayan na rin ng
mabubuting residente ng mga tao sa lugar na iyon, na walang humpay ang pagtanggap at pagturing sa’ming mag
kakaibigan bilang kapamilya rin nila. Walang kapantay ang pagsasalo-salo sapagkat masisilayan talaga rito ang
kultura ng bawat Pilipino, na nanunuot sa ating dugo, ang kultura ng pagbibigayan at pagdadamayan.

Kung may lugar man akong babalik-balikan, ito ay ang Mataas na Bato. Hinding-hindi ko malilimutan ang
pakiramdam na payapa at masaya; simple at makulay.

You might also like