You are on page 1of 3

Pangalan : RC Yvann C. Dela Cruz Grade XI – STEM A Mrs.

Lucita Josue

Paglalakbay sa Mutya ng Surigao City: Lipata

Ang Lipata ay nasa Surigao City malapit sa bughaw karagatan ng Surigao del Norte. Isang
barangay lamang ngunit puno ng hiwaga sa ganda ang lugar na to. Kung mapatanong kayo ‘’Anong
maipagmalaking lugar sa Lipata?’’ ito ay ang bughaw na dagat na puno ng magagandang klase ng isda, ang
Lipata National Highway na dinadayo ng mga skaters at skateboarders, at hindi mawawala yung mga tao na
kumukuha ng litrato sa ganda ng Lipata. Anong pagkain ang nasa Lipata? Dahil malapit ang dagat merong
latu na pwede isawsaw sa suka, kinilaw, sinugba, at sa kainan malapit sa Lipata Ports na hindi rin
nagpapahuli. Kung lakbay lang sa Lipata ang saya noon diba? Pero mas masaya kung kasama ang mga
kaibigan at mahal mo sa buhay, sabay-sabay magtuklas sa hiwaga, adventures, grub finding, paglalakbay,
mag-glamping sa damohan malapit sa dagat, at ramdaman ang simoy na hangin. Kaya ang saya dito sa
Lipata diba? Marami pang magagandang tanawin sa tuktok ng Lipata Hills ngunit hindi pa natuklasan kaya
uunahin muna yung kabisadong lugar. Ang Kultura ng mga naninirahan sa Lipata ay ang pagiging magalang
sa mga dayuhan kaya dumadayo dito at ang iba ay tumitira dito. Naging tradisyon na dito na pinapalawig
ang kalinisan sa bawat barangay kada linggo at dahil sa Surigaonon ang mga naninirahan sa Lipata asahan
na ang pananalita ay padabog dahil nga sa ingay ng hagos ng dagat. Kaya dito sa Lipata maganda lakbayan.

You might also like