You are on page 1of 8

FILIPINO PAGBASA

BRIGADA
ANG PUERTO PRINCESA
UNDERGROUND RIVER
Ang Puerto Princesa Subterranean River National Park
(PPSRNP) ay makikita sa Palawan. Ito ay matatagpuan sa
hilagang kanlurang bahagi ng Puerto Princesa.
Ipinakikita sa tanyag na pook na ito ang mga higanteng
limestone na nasa kuwebang pinalolooban ng ilog. Iba’t ibang
kamangha-manghang hugis ang nabuo mula sa mga limestone
sa loob ng kuweba. Ang ilog ay tinatayang 8.2 kilometro ang
haba at ito ay tumutuloy sa dagat. Ang kagandahan nito ang
dahilan kung bakit nakilala ang Puerto Princesa Underground
River bilang isa sa Pitong New Wonders of Nature.
Makikita sa paligid ng ilog ang kabundukan at
kagubatan. Ang makapal na kagubatan ang
nagsisilbing tahanan ng ilang hayop na pambihira
at endangered. Sa baybayin naman nito makikita
ang halamang bakawan at mga coral reefs.
Mula nang maitalaga ang Puerto Princesa
Underground River bilang isa sa Pitong New
Wonders of Nature, dumami na ang mga taong
gustong makita ito, maging Pilipino man o
dayuhan.
Maliban sa pagsakay sa bangka upang
makita ang limestones sa loob ng kuweba,
marami pang maaaring gawin dito na
ikasasaya ng mga turista. Kinagigiliwan ng
mga bisita rito ang jungle trekking,
wildlife watching, mangrove forest tour at
ang paglangoy sa tabing-dagat na puti ang
buhangin.
MGA TANONG
1. Saang lalawigan matatagpuan ang Underground River?
a. sa Bicol b. sa Iloilo
c. sa Mindoro d. sa Palawan

2. Ano ang kamangha-manghang tingnan sa loob ng


kuweba ng Underground River?
a. ang napakalinaw na tubig-ilog
b. ang mga hayop sa loob ng kuweba
c. ang iba't-ibang hugis ng limestone
d. ang mga halaman sa loob ng kuweba
3. Bakit kaya dumami ang turistang bumibisita sa Underground River?
a. madali lang puntahan ito
b.nakamamangha ang tubig sa ilog
c. naging tanyag ito sa buong mundo
d. pambihira ang hugis ng kuweba sa ilog

4. Bakit dapat alagaan ang mga hayop na makikita sa kagubatan sa


paligid ng Underground River?
a.dahil ito ay endangered at pambihira
b. dahil may karapatan itong mabuhay
c. dahil makukulay ito at magaganda
d. dahil maaari itong pagkakitaan
5. Ano kaya ang kailangang gawin ng lokal na pamahalaan para sa
Underground River?
a. magtayo ng iba’t ibang water sports dito
b. lagyan ito ng mga bahay-bakasyunan
c. pangalagaan at proteksyonan ito
d. pagbawalan ang bumibisita rito

6. Ayon sa seleksyon, ano pa ang maaaring gawin ng mga pumupunta sa


Underground River maliban sa pagpasok sa kuweba?
a.mangisda sa ilog
b. maglaro sa kuweba
c. lumangoy sa tabindagat
d. kumain ng masasarap na pagkain
7. Ano kaya ang naramdaman ng mga Pilipino nang mahirang ang
Underground River bilang isa sa Pitong New Wonders of Nature?
a.Nagulat dahil hindi ito dapat nangyari.
b. Natuwa dahil maipagmamalaki nila ito.
c. Nalito at nakipagtalo kung kailangang puntahan ito.
d. Nag-alala dahil magiging mahal na ang pagpunta rito.

8. Alin sa sumusunod ang pinakamagandang sabihin sa mga turistang


bumibisita sa Underground River? (Pagsusuri)
a.Kaunting halaman lamang ang kunin mula dito.
b. Ingatan ang kapaligiran sa Underground River.
c. Iwasang mag-ingay habang nasa loob ng kuweba.
d. Ingatan ang pagkuha ng litrato sa Underground River

You might also like