You are on page 1of 1

Isang napakakulay na kasaysayan ang makikita dito sa Bataan.

Ilang dekada na ang lumipas ng


sakupin tayo ng mga dayuhan at isa ang Bataan na nakasaksi nito. Ating tuklasin ang mga lugar na
masarap balik balikan dito sa Bataan.

Isang bagay na hindi man kanais-nais ang nangyari sa nakaraan pero masarap balik-balikan ang
kasaysayan nito. Tayo magbalik tanaw sa nakaraan. Maligayang pagdating sa Dambana ng Kagitingan sa
tuktok ng Mt. Samat na makikita sa isang parte ng
Pilar. Sa bundok Samat ay dito naganap ang barilan sa
pagitan ng mga hapon at pinagsamang puwersa ng
Pilipino at Amerikano noong World War 2. Dito ang
huling labanan bago sumuko ang ating lupon.

Pagkatapos natin sariwain ang nakaraan ay pumunta naman tayo sa lugar na nakakarelax ng ating
mga isipan. Kilala rin ang Bataan para sa kanilang mga magagandang mga dagat. Ang Bataan ay
maituturing isang peninsula dahil napapalibutan ito ng
anyong tubig at anyong lupa. Isa sa mga magandang
puntahan ay ang Morong Beach na makikita sa parte ng
Morong. Ang tabing-dagat na ito ay dinarayo dahil sa
angkin kagandahan nito. Maraming mga tao ang
dumarayo mula sa iba't ibang lugar upang makita ang
magandang tanawin na matatagpuan rito. At tiyak na
hindi mo pagsisishan ang pagpunta mo rito.

Ang Bataan ay hindi lang mayaman sa kasaysayan o


may mga magagandang pasyalan. Maipagmalalaki rin nilang dito ang mga masasarap nilang mga pagkain
na swak na swak na ipasalubong niyo sa pag-uwi. May ipinagmamalaki tayo na mga tuyo at tapa na mula
dito. Buko pie na sulit sa sarap at sa tiyan at sulit rin sa bulsa. May mga kakanin rin tayo na tunay na
iyong babalik-balikan dahil hindi mo malilimutan kung
gaano ito kasarap. May araro ang Bataan na unang tikim
mo ay tiyak na nais mo pang ng isa pa at isa pa. Mayroon
rin dito na chips na gawa sa tahong(mussel chips),
cashew nuts at prunes, dayap cookies at marami pang
iba. Hindi ka mauubusan na matitikman ng iyong
panlasa.

Ang Bataan na hinubog na ng panahon. Totoong


mayaman sa kasaysayan, maraming magagandang
tanawin at maraming masarap ating panlasa. Ngunit hahayaan ko kayo na lubos pang tuklasin at kilalanin
ang probinsya ng BATAAN.

You might also like