You are on page 1of 3

Kurt Justin J.

Malubay Nobyembre 30, 2023


12 STEM B Marka:

Gawain Bilang 10
Lakbay Sanaysay

(Kayganda ng aking nakikita)

Marso 2016, San Juan Cabalian

Kasama ang kapatid at mga pinsan,


naglakbay kami sa mabatong baybayin
gamit ang inflatable. Malamig ang dagat,
masalimuot ang mabatong tanawin.
Simpleng ligaya at saya ang nadama sa
bawat pag-ikot ng oras.

Pebrero 2017, San Juan Cabalian Church

Sa Simbahan ng San Juan Cabalian,


unang pagtanggap namin ng Banal na
Komunyon ang nagdala ng kakaibang kaba
at saya. Kasama ang mga kaklase at
magulang, naging masalimuot at
makabuluhang karanasan para sa akin ang
okasyon.

Abril 2018, Tacloban, Mac Arthur Statue

Kasama ang mga pinsan, naglakbay


kami sa Mac Arthur Statue. Napansin
namin ang dami ng mga bumibisita, at
napakaganda ng tanawin mula roon.
Ang sariwang hangin at ang kahusayan
ng Mac Arthur Statue ay nagbigay ng
magandang karanasan sa amin.
Hulyo 2022, “Tagbak” Liloan

Nagtungo kami sa "Tagbak" sa Liloan


kasama ang aming pamilya, ang
Malubay family. Ang lugar ay kilala sa
mahabang tulay na nagbibigay-daang
patungo sa daplin ng dagat, nagbibigay
daan para masilayan ng masusi ang
kagandahan ng baybayin. Isang
simpleng paglalakbay na puno ng saya
at pagkakaisa para sa aming pamilya.

Hulyo 2022, Liloan

bumisita kami sa Mt. Caningag sa Liloan kasama


ang Malubay Family. Sa tuktok ng burol,
natuklasan namin ang isang kamangha-
manghang tourist attraction. Ang lugar ay puno ng
sariwang hangin at nagbibigay daan para
makakita ng magandang tanawin ng dagat. Isa sa
mga tampok ng aming pagbisita ay ang kamay na
statue, nagbibigay ng pambihirang pagkakaiba sa
aming karanasan sa bundok.
窗体底端

Hulyo 2022, Hinunangan

nag-joyride kami sa Hinunangan,


Southern Leyte kasama ang aking Lola
para makita ang mga magandang
tanawin. Sa simpleng paglalakbay,
napawi ang pagod ng Lola at masaya
siyang namasyal at naki-eyeball sa
kahanga-hangang tanawin ng lugar.
Isang masiglang pag-alaala ng mga
magagandang pangyayari sa aming
pagsasama.

Hulyo 2022, Liloan

Bumisita kami sa Liloan Baywalk kasama


ang pamilya at mga pinsan. Sa baybayin,
nasarapan kami sa mga masasarap na
street foods habang tinitingnan ang
magandang tanawin ng dagat. Isang
masayang paglalakbay na puno ng
kasiyahan at kakaibang lasa mula sa mga
lokal na kainan sa baybayin.
Agusto 2022, Bato

habang pauwi na kami, nagtambay muna kami sa


Felomina sa Bato dahil sa matinding gutom kasama
ang aking pinsan at tito. Napakasarap ng pagkain
dito at napahinga kami ng maayos, lalo na't malapit
ito sa dagat, kung saan mabango at sariwang ang
hangin. Isang simpleng pahinga na nagbigay kulay
sa aming pag-uwi at naghatid ng masarap na
karanasan sa panlasa

Nobyembre 2023, Bobon A

dinaluhan namin ang mandatory training


para sa Sangguniang Kabataan sa
Bobon A. Bilang baguhan sa SK, naging
kakaibang karanasan para sa akin ang
buong araw na puno ng mga kaalaman
at pakikisalamuha. Nakatutuwa na may
mga handang snacks at masarap na
lunch, nagdagdag ito sa mas positibong
karanasan at nagsilbing pagkakataon
para magkaruon ng mga kasiyahan at
kwentuhan sa aming mga kapwa SK
mula sa iba't ibang barangay.

Nobyembre 2023, Osao

kasama ang aming mga kasapi sa


Sangguniang Kabataan at iba pang
kabataan, sumali kami sa Coastal Cleanup
sa baybayon ng Osao. Nakakatuwang
makatulong sa pagsasaayos ng kapaligiran
at nakakapagtamasa ng fun experience
habang nagpupulot ng maraming plastic,
plastic bottles, at iba pa. Ang natipon namin
ay hindi lang napakinabangan sa paglilinis,
kundi ginamit din namin ang ilan sa mga
materyales para sa paggawa ng Christmas
tree sa aming barangay, nagbibigay ito ng
mas mataas na halaga sa aming
partisipasyon.

You might also like