You are on page 1of 11

MOUNT CARMEL COLLEGE OF CASIGURAN IN,

HIGHER EDUCATION DEPARTMENT


CASIGURAN, AURORA 3204
MASUSING BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 3

Name of Teacher: JERIC DC. HERMOGENES Section: Narra


Asignatura: Araling Panlipunan Oras: 10:30-11:10
Grade Level: 3 Date: April 1, 2024

I. LAYUNIN: Sa araling ito, inaasahang ikaw ay:


1. Nakapag-uugnay ng kapaligiran sa uri ng pamumuhay ng kinabibilangang
lalawigan o lungsod; at
2. Nakakapaglarawan ng uri ng ikinabubuhay ng kinabibilangang lalawigan
o lungsod ayon sa kapaligiran.

II. PAKSANG ARALIN

Paksa: kapaligiran at ikinabubuhay sa mga lalawigan ng Ating Rehiyon


Sanggunian: Araling Panlipunan 3, pahina 424-433.
Kagamitan: Mga larawan, laptop, powerpoint.

III. PAMAMARAAN

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL


A. PANIMULANG
GAWAIN
I. PANALANGIN
Bago tayo mag simula mga bata tumayo Ama naming sumasalangit ka,
mnuna tayong lahat at tayo ay sambahin ang ngalan mo,
manalangin. mapasaamin ang kaharian mo,
sundin ang loob mo,
dito sa lupa pra ng sa langit,
bigyan mo po kami ngayon ng
aming kakainin sa araw araw at
patawarin mo po kami sa aming
mga sala, para nga pagpapatawad
naming, para nga pagpapatwad
namiin sa mga nagkakasala sa
amin at huwag mo po kaming
ipahintulot sa tukso at iadya mo
kami sa lahat ng masama. Amen.

II. PAGBATI
Magandang umaga sa inyong lahat mga Magandang umaga din po
bata.

Maari na kayong umupo

III. PAGTALA SA MGA LUMIBAN

Sino ang wala sa ating klase?


Wala po sir.
Mahusay!

Bago tayo dumako sa panibagong


aralin, tayo muna at mag balik aral sa
ating pinag aralan nung isang araw?

Okay mga bata ano ang natatandaan nyo


B. BALIK ARAL sa pinag aralan natin nung nakaraang
linggo? Tungkol po sa pagpapahalaga sa
pagkakatulad at pagkakaiba-iba
ng mga kultura gamit ang sining
Magaling!! na nagapakilala sa lalawigan at
rehiyon.
Maari ba kayong magbigay ng isang
lalawigan sa ating rehiyon?

Magbigay ng pangunahing ikinabubuhay Sir, Aurora


ng mga naninirahan sa Aurora?
Pagtatanim ng mga sabutan,
Ano ang tawag sa ipinagdiriwang ng palay at niyog.
mga taga Aurora tuwing Agosto 22-25?
Mahusay!!
Sabutan Festival
C. PAGGANYAK
(Ang guro ay magpapakita ng mga
larawan)

Ano ang mga nakikita ninyo sa larawan? Mga, gulay, prutas, isda at ginto.
Mahusay!

Ang mga produktong nakikita ninyo sa


larawan ay mga pangunahing produkto
ng ating mga lalawigan sa ating rehiyon.

Ano ang kahalagahan sa atin ng mga


produktong na nasa larawan?
Ito po ay nagbibigay sa atin ng
Mahusay! pagkain.

Sino pa ang makapagbibigay?

Magaling! Ito po ay nagbibigay ng trabaho


at mga hanapbuhay sa atin.
Ngayon ay maari na tayong dumako sa
ating bagong pag aaralan.

D. PAGTATALAKAY SA
ARALIN
Ang pag aaralan ngayon ay tungkol sa
Kapaligiran at Ikinabubuhay ng mga
Lalawigan sa Gitnang Luzon.

Ang gitnang luzon ay mayaman sa


produktong agrikultura. Ito ay
tinaguriang kamalig ng bigas ng
Pilipinas dahil sa malaking produksyon
ng bigas na naggagaling sa malawak na
kapatagang angkop sa pagtatanim.
Ang gitnang luzon ay nagtataglay ng
mga pangunahing anyong tubig.

Sa pangkalahatan,mainit o tuyong
panahon ang nararanasan mula sa buwan
ng disyembre hanggang Mayo. Ang tag
ulan ay mula Hunyo hanggang
Nobyembre.

Ang katangiang pisikal at klima ng


rehiyon ay nagkaroon ng malaking papel
sa pag-unlad ng agrikultura na
pamumuhay sa rehiyon.

AURORA

Ang Aurora ay isang mabundok na


lalawigan na bahagi ng Kabundukan ng
Sierra Madre. Ito ay dating kabilang sa
Rehiyon IV-A ngunit nalipat sa Rehiyon
III sa bisa ng Executive Order Bilang
103 s. 2002.

Ang lalawigan ay mayaman sa


magagandang baybayin, mga diving, at
surfing spot na dinarayo ng mga turista.
Niyog at palay ang pangunahing
produkto nito.

Ano ang pangunhing produkto ng


Aurora?
Ang pangunahing produkto ng
Bukod sa niyog at palay, saan pa? Aurora ay niyog at palay.

Mayaman din ito sa


magagandang baybayin, mga
diving at surfing spot na
BATAAN dinarayo ng mga turista.
Ang lalawigan ng Bataan ay
matatagpuan sa kanlurang baybayin ng
Gitnang Luzon. Halos walumpung
porsiyento ng Bataan ay mabundok at
maburol.
Pangingisda ang pangunahing industriya
sa lalawigan. Kilala ang lalawigan sa
paggawa ng iba't ibang uri ng lambat-
pangisda.

Nagtatanim din ang mga tao ng palay,


mais, at mga halamang-ugat. Dahil ang
Bataan ay isang Peninsula patuloy ang
pag-unlad ng turismo rito patunay ay ang
mga resort sa kahabahan ng baybayin
nito.

Anong uri ng pamumuhay meron ang


bataan? Sa, pangingisda po.
Anong uri ng kapaligiran meron ang
Bataan? Ang bataan ay mabundok at
Mahusay! maburol.
Bulacan

Bulacan ay humigit kumulang labing-


apat na porsiyento ng buong sukat ng
Luzon. Napaliligiran ito ng mga
bulubundukin ng Sierra Madre sa
hilagang-silangan, mga baybayin, at
kapatagan. Dahil sa malawak na
kapatagan at mga baybayin nito ang
pangunahing pinagkakakitaan ng mga
tao ay pagsasaka, paghahayupan, at
pangingisda.
Kilala rin ang lalawigan na isa sa mga
pangunahing destinasyon ng mga turista
dahil sa mayamang kultura at
kasaysayan nito. Ang lalawigang ito ay
unti-unti na ring nakikilala sa mga
industriya tulad ng paggawa ng alahas,
paputok, sitsaron, handicrafts, at mga
kakanin o native sweets.

Ano ang pangunahing pinagkakakitaan


ng bulacan? Ang pangunahing
pinagkakakitaan ng mga tao ay
Saan pa mas nakilala ang Bataan? pagsasaka, paghahayupan, at
pangingisda.

NUEVA ECIJA Sa paggawa ng alahas, paputok,


sitsaron, handicrafts, at mga
kakanin o native sweets.

Ang Nueva Ecija ang pinakamalawak na


lalawigan sa Gitnang Luzon. Ang lupain.
nito ay nagsisimula sa mga latian sa
timog-kanluran sa hangganan ng
lalawigan ng Pampanga, bulubundukin
ng Sierra Madre sa silangan, at ang
Caraballo at Cordillera naman sa hilaga.

Ang lalawigan ay tinaguriang Kamalig


ng Bigas ng Gitnang Luzon. Agrikultura
ang pangunahing hanapbuhay ng mga
tao rito. Dito nagmumula ang malaking
produksiyon ng bigas, mais, sibuyas,
bawang, at tubo. Mayroon ding mga
lugar sa Nueva Ecija na may deposito ng
mga mineral tulad ng Manganese at
Copper.

Anong mga produkto meron ang Nueva


Ecija?

Magaling! Ngayon ay dumako naman


tayo sa lalawigan ng Pampanga. Dahil samalaking produksiyon
ng bigas, mais, sibuyas, bawang,
PAMPANGA at tubo.

Ang Pampanga ay may malawak na


kapatagan. Dito rin matatagpuan ang
Bundok Arayat.

Ilog Pampanga ang pinakamalaking ilog


sa lalawigan. Sakahan at pangingisda
ang dalawang pangunahing industriya
rito. Kilala rin sa tawag na Culinary
Capital of the Philippines dahil sa husay
ng mga Kapampangan sa larangan ng
pagluluto.

Kilala rin ang lugar sa industriya ng


iskulturang kahoy, paggawa ng muebles
o kasangkapang gawa sa kahoy at iba
pang produktong gawang kamay tulad
ng mga higante at makukulay na mga
parol.

Anong uri ng kapaligiran meron ang


Pampanga?

Anong uri ng kabuhayan mayroon ang


Pampanga?

Mayroon po itong malawak na


kapatagan.
Sa industriya ng iskulturang
kahoy, paggawa ng muebles o
kasangkapang gawa sa kahoy at
iba pang produktong gawang
kamay tulad ng mga higante at
makukulay na mga parol.
TARLAC
Ang lalawigan ng Tarlac ay matatagpuan
sa hilagang bahagi ng Gitnang Luzon.
Napaliligiran ito ng apat na lalawigan.
Ito ay ang Pampanga sa timog, Nueva
Ecija sa silangan, Pangasinan sa hilaga
at Zambales sa kanluran. Ang silangang
bahagi ng lalawigan ay kapatagan at ang
kanlurang bahagi naman ay maburol at
bulubundukin.

Pagsasaka ang pangunahing


ikinabubuhay ng mga tao rito, tubo at
palay ang mga pangunahing pananim.
Ang iba pang mga pananim ay ang
tabako, mais, at niyog. Ito ay may
malawak na sistema ng patubig mula sa
mga ilog nito. Mayroon ding industriya
ng pagtotroso mula sa mga kabundukan
hanggang sa hangganan ng lalawigan ng
Zambales.

Ano ang pangunahing produkto ng


Tarlac?

Pagsasaka ang pangunahing


ikinabubuhay ng mga tao rito,
Mahusay! tubo at palay ang mga
pangunahing pananim. Ang iba
ZAMBALES pang mga pananim ay ang
tabako, mais, at niyog.

Ang lalawigan ng Zambales ay


matatagpuan sa kanlurang bahagi ng
Gitnang Luzon. Ang hilagang bahagi
nito ay latian at dalampasigan at ang
bahaging lupa ay mababa kung saan
matatagpuan ang mga pamayanan.
Kilala ang lalawigan sa dami ng deposito
ng lahar dahil sa pagdaloy nito sanhi ng
pagputok ng Bulkang Pinatubo noon.

Bulubundukin ang iba pang bahagi na


may malawak na depositong mineral
tulad ng Chromite. Ang agrikultura ay
isa rin sa pinagkukunang-yaman ng
lalawigan. Bukod sa pangingisda at
pagmimina ang kanilang pangunahing
mga produkto ay mangga, palay, mais at
mga halamang-ugat. Maunlad din ang
turismo sa Lungsod Olongapo na dating
base ng Hukbong-dagat ng Amerika sa
Pilipinas.

Ano ang pangunahing hanapbuhay sa


Zambales?

Magaling!

pangingisda at pagmimina ang


kanilang pangunahing mga
produkto ay mangga, palay, mais
at mga halamang-ugat.
E. PAGLALAHAT
Ano ano ang mga uri ng kabuhayan
meron ang ibat ibang lalawigan sa ating
rehiyon? Pagsasaka, pangingisda, at
pagtatanim ng mga gulay tulad
ng tubo, mais, palay, sibuyas at
iba pa.
Anong uri ng kapaligiran meron ang
ating rehiyon? Malalawak na baybayin,
kapatagan, kabundukan, mga
malalaking ilog at pangisdahan
Mahusay! na pinagkukunan ng kabuhayan.

F. PAGLALAPAT PANGKATANG GAWAIN

GROUP 1
Panuto: Pag-ugnayin ang mga lalawigan
sa hanay A sa mga kabuhayan nito sa
hanay B. Isulat ang titik sa sagutang
papel.
Hanay A Hanay B Sagot:
1. Aurora a. pagawaan 1. G
2. Bataan ng 2. C
3. Bulacan malalaking 3. F
4. Nueva parol. 4. E
Ecija b. Pagtatanim 5. A
5. Pampanga ng tubo 6. B
6. Tarlac c. Paggawa 7. D
7. zambales ng mga
lambat
pangisda
d. Pagtatanim
ng manga
e. Pagtatanim
ng sibuyas
at palay
f. Paggawa
ng alahas,
paputok at
sitsirya
g. Pagtatanim
ng niyog at
palay

GROUP 2
Panuto: Hanapin sa hanay B ang angkop
na hanapbuhay sa uri ng kapaligiran sa
hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot
sa sagutang papel.

HANAY A HANAY B Sagot:


1. A.
1. C
2. A
3. B
2. B.

3. C.
IV. PAGTATAYA

Pangkatang gawain: Ano ano ang mga hanapbuhay sa inyong lalawigan at karatig lalawigansa
rehiyon? Isulat ang kapaligiran ng bawat lalawigan at ang mga hanapbuhay ng mga tao dito.
Isulat sa sagutang papel ng bawat grupo.
Lalawigan Kapaligiran hanapbuhay

V. TAKDANG ARALIN

Panuto: sagutin ang mga sumusunod:


1. Anog uri ng kapaligiran mayroon ang mga lalawigan ng Gitnang Luzon?

2. Anong uri ng hanapbuhay mayroon ang mga mamamayan na napaliligiran ng mga


kabundukan, nasa kapatagan, at malapit sa baybayin?

VI. PANGWAKAS NA PANALANGIN


Maraming salamat po panginoon sa mga aral na inyong itinuro sa pamamagitan ng aming
guro. Aming hinihiling na sana magkaroon pa kami ng kalakasan at katatagan upang muli
naming mapagyamanan ang aming kaisipan. Pinupuri ka naming at pinapasalamatan sa
biyaya ng karunungan Amen.

Prepared by: Noted:


JERIC DC. HERMOGENES- KAREN C. FERNANDEZ
Practice Teacher T – II Cooperating Teacher

You might also like