You are on page 1of 2

ANGEL KYLA E.

DE LA BANDA BSED-ENGL 1 FIL 1 MWF 7:30-8:30 PEBRERO 16, 2024

ANG AKING LAKBAY SANAYSAY

Ang Mangrove Beach sa General Santos City ay isang natatanging yugto ng kagandahan at
buhay sa kapaligiran. Tinaguriang isang lihim na kagandahan, nagtatampok ito ng mga puno
ng mangrove na nagbibigay ng tirahan sa iba't ibang uri ng mga hayop at lumilikha ng isang
malawak na ekosistema sa paligid ng dagat at lupa. Sa bawat paglapat ng paa sa malambot na
buhangin, nararamdaman ang kakaibang kapayapaan at katahimikan na dulot ng lugar.

Kapag naglalubog na ang araw, ang Mangrove Beach ay nagiging lalong kahanga-hanga.
Ang mga puno ng mangrove ay mas lalong gumaganda sa aking paningin, habang ang mga
ibon na naninirahan sa lugar ay nagbibigay buhay sa himig ng kalikasan. Sa paglubog ng
araw, ang kakaibang kulay at ningning ng mga puno ay naglilikha ng romantikong eksena na
tila'y kumakalma sa kalooban.

Sa tuwing bumibisita ang isang tao sa Mangrove Beach, nararanasan niya ang di-
malilimutang pakiramdam ng pagiging isa sa kalikasan. Ang salamin ng dagat, amoy ng
mangrove, at katahimikan ng lugar ay nagbibigay-daan para sa masusing pagmumuni-muni at
pagpapahalaga sa mga yaman ng kalikasan. Marami rin ditto bumubisita para magbakasiyon
at nagkakaraoke. Habang ang iba naman, tulad ko, ay pumupunta doon para mag-unwind,
masarap kasi sa pakiramdam na lumutang sa tubig alat at nakatingala sa mga punong naroon,
nagdadasal lang n asana walang ahas na nakatira sa punong iyon.

Sa paglubog ng araw noong bumisita ako ay napamangha ako sa nakita, isang napakagandang
sunset view! Ang kagandahan nito ay hindi basta-basta’t madadala sa pagkuha ng litrato.
Kung ang paglubog ng araw ay maganda na, paano nalang ba kapag sumikat ito? Oo,
napakaganda rin ng lugar na iyon kapag sumikat and araw.

Ang Mangrove Beach ay hindi lamang isang pasyalan kundi isang lugar ng pagtangkilik at
pagpapahalaga sa likas na yaman. Ito ay naglalarawan ng kahalagahan ng pangangalaga sa
kalikasan at pagpapahalaga sa ekosistema na patuloy na nagbibigay-buhay sa atin. Kaya para
sa’kin, ang pagbisita ko sa Mangrove Beach sa General Santos City ay isa sa mga
napakagandang memorya na hindi ko makakalimutan.
ANGEL KYLA E. DE LA BANDA BSED-ENGL 1 FIL 1 MWF 7:30-8:30 PEBRERO 16, 2024

You might also like