You are on page 1of 5

B

ul ka
ng

Taal
Hindi aakalain ng tao na isa sa mga natatangi at iilan lamang na
anyong lupa sa buong mundo ang matatagpuan sa Batangas. Ito ay isang
isla na pinaliligiran ng tubig na pinaliligiran ng lupa na pinaliligiran ng
tubig na pinaliligiran ng lupa na siyang pinaliligiran muli ng katubigan.
Nakakalito hindi ba? Sa madaling salita, ang Vulcan Point o ang isla na
nasa Crater Lake ay nasa Bulkang Taal na pinaligiran ng Taal Lake na
siya namang matatagpuan sa Batangas sa Luzon ay pinalilibutan ng
karagatang Pasipiko at ng West Philippine Sea. Naliwanagan ka na ba?
Tara’t kilalanin ang Bulkang Taal na bagama’t maliit ay talaga namang
kaakit-akit!

Ang kay ganda at nakabibighani na hugis ng bulkan at tanawin nito


ay tila ba inaakit kang kunin ang iyong cellphone o kamera upang kunan
siya ng litratong parang ipinagyayabang ang kamangha-mangha nitong
anyo. Sa lawa pa lamang na pinalilibutan ang bulkan ay masisilayan ang
halo ng kulay berde, asul at gray na nagpapabuti pa lalo sa kanyang
kaanyuhan. Alam mo ba? Ang akala nating lahat na bulkang Taal ay isa
lang pala sa mga bunganga ng nasabing bulkan at ang talagang bunganga
nito ay ang kinatatayuan ng Vulcan Point sa Crater Lake! Upang
makarating sa Bulkang Taal ay kakailanganin ang pamamangka upang
tawirin ang maluwang na lawa, isa itong mahusay na paraan upang lalong
gawing nakakaginhawa ang iyong pagbisita sa bulkan. Ang tamang bilis ng
bangka kasama ang magandang tanawin ay tiyak na bubusog sa iyong
mata at isipan. Isang kapani-panabik na pag-akyat ng bulkan ang
magaganap upang marating ang napakagandang Crater Lake kung nasaan
ang Vulcan Point na siyang isang maliit na isla sa lawa. Sa daan ay
masisilayan ang mga volcanic steam vent na nagbubuga ng usok na
nagsisilbing patunay na humihinga at buhay ito, bago maabot ang tuktok.
Mayroon ding mga kabayong pwedeng magamit upang abutin ang taluktok
kung pagod man o gusto ng ibang karanasan sa pag-akyat ng bulkan.
Pagdating sa itaas ay tiyak na mapapawi ang pagod dahil sa nakakaagaw-
hiningang tanawin na mapagmamasdan lalo na ang maliit na isla sa lawa.

Ang lakas na nagamit sa pag-akyat ng bulkang Taal ay mapapawi sa


pagkain ng mga isdang tanging makikita sa lawa ng bulkan. Ang tawilis ay
isang uri ng sardinas na namumuhay sa tubig-tabang at matatagpuan
lamang ito sa Taal Lake kasama na rin ang maliputo na isa ring uri ng
isdang tanging sa lawa ng Taal makikita at matitikman! Isantabi man ang
pagkatangi nito ay tiyak na nakakatakam ang mga putaheng magagawa ng
isdang magpapanumbalik sa nawalang lakas. Ang malahalayang lambot at
kinis ng laman ng isda na sinamahan ng nakakapangtulo ng laway na
sabaw ay bubusog sa katawang pagal.

Halina at tuklasin ang ganda ng Taal


Cambugahay falls
Isa, dalawa, tatlo, tara na’t magtampisaw sa talon, tatlo, dalawa,
isa, humanda ka’t tayo’y tatalon, AH! Ang talon ay masasabing marilag at
nakakabighani ang taglay nitong natural na kagandahang bibihag sa
sinumang makasilay ng kaniyang tanawin.

Ang tubig ng talon na parang salamin sa linaw na sinasalamin ang


maaliwalas na panahon at ang liwanag mula sa araw ang nagpipinta dito
ng napakagandang mapusyaw na kulay asul. Kung tititigan ang tubig sa
baba ng talon ay mapagkakamalan itong himpapawid at magigising ka
lamang sa katotohanang talon ito sa pagkakataong mabasa ka ng malinis
at malamig na tubig nito. Habang nagtatampisaw sa talon ay mabababad
ka rin sa kalmadong kagubatang nakapaligid sa nakatagong hiyas na ito
sa Siquijor na magpapagaan ng loob at isipan ng tao. Ahh-whao-whaoo-
waaaaoooo! Mapapalingon ka na lamang sa taong nag-ala Tarzan sa
baging na kung tawagin ng mga lokal na Tarzan Swing at matitilamsikan
ka na lang ng malamig na tubig ng talon dahil sa pagbagsak ni “Tarzan.”
Sa Cambugahay Falls hindi lang isa o dalawa ang maaaring languyan
dahil tatlo ito, ang ibaba ay ang pinakamalalim at pinakamaluwang sa
tatlo kaya dito rin ang dinarayo ng mga turista. Kung gusto ng tahimik
na lugar sa tatlo ay ang tuktok ang tama para sa iyo, ang mabagal at
kalmadong agos ng tubig, ang mga nakahahalinang huni ng mga ibon at
ang magandang kapaligirang puno ng berde ay perpektong-perpekto para
sa pagmumuni-muni.

Three tiers falls kung tawagin, kagandahan nito’y agaw pansin. Tara na
sa Cambugahay Falls.
Cloud 9
“Cloud 9” o sa madaling salita ay labis na saya. Ang malinaw at magandang dagat, ang
malaperlas sa puti na dalampasigan at ang malalaking alon ay tiyak na hihigitan ang
iyong inaasahan.. tinagurian itong surfing capital of the Philippines at kung suwerte
nga naman ay napasali din ito sa Top Surfing Spots in the world at pang siyam siya
na pwesto! Masasabing lumulutang ka nga sa alapaap kung masubukan ang mga alon
dito kahit na nagsisimula lamang sa surfing o kaya naman ay isang pro na naghahanap
ng mga alon na kanilang inaasam. ang mga alon na ito ay mayroon buong taon kaya
kahit anong araw ka magpunta rito ay makikita mo ang iyong nais, ang mga alon.

Isang magandang paraiso ng mga surfers, ang malasutlang dalampasigan, ang


makapigil hiningang mga alon, ang pagkain sa mga bahay kubo na naghihintay sa mga
taong pagal at walang laman ang sikmura at ang pakiramdam na tila ba nakalutang na
sa langit; ang lahat ng ito ay nasa iisang lugar sa mundo, Cloud 9, Siargao!

You might also like