You are on page 1of 2

Ang Catanduanes ay isang isla na matatagpuan sa Bikol.

Isla na may tinatagong kayamanan ng


kalikasan. Yumayabong na ang turismo sa Catanduanes dahil sa unti-unting nadidiskubre ang
magagandang tanawin at mga magagandang karagatan. Isa sa mga kilalang beaches dito ay ang Twin
Rock Beach Resort. Kumpleto ang mga ‘amenities’ dito. Isa pa ay ang Mamangal Beach Resort dahil sa
maputing buhangin at malinaw na tubig nito. Sikat ding puntahan ang Binurong Point na matatagpuan
sa Baras, Catanduanes. Ito ay matatagpuan sa tuktok ng bundok, mapapa-ibig ka sa kagandahan ng
kapaligiran. Sa Pandan, Catanduanes naman makikita ang Tuwad-Tuwadan Falls na may malinaw at
malinis na tubig. Sikat din ang Catanduanes sa mga native delicacies at masaganang yaman ng tubig
kagaya ng sugpo,lobster, at iba’t ibang uri ng isda.Ito ay makikita sa Catanduanes.

May isang paruparo na lilipad-lipad

Na bago pa lamagng nagkapakpak

Sa malaking tuwa dili hamak-hamak

Biglang paibaba at paitaas

Sa malaking galak ng kanyang loob

Sa isang hardin siya napapasok;

Ang dinatnan niya’y isang abang uod

Sa usbong ng rosal siyang umuubos

Pagdakaý binati nitong paru-paro

“Hoy! hamak na uod, ano ang gawa mo?”

Ang sagot ng uod naman ay ganito:

“Nakikita mo na ay itatanong mo pa ?”

“ Ikaw paruparo tantong walang-hiya

Walang lingon-likod kung ika’y magwika;

Di muna inisip kung saan mula

Bago’y ka rin na aking kamuka.”

“Wala ka na bang maipagmataas


Kundi ang pakpak mon a kikintab-kintab;

Ang lahat ng tao sa iyo nangingilagn

Dahil sa bulo mo na nakabubulag.”

You might also like