You are on page 1of 3

Bundok Apo

Pinakamataas na bundok sa
Filipinas ang Bundók Apò na nása mga lalawigan
ng Davao del Sur at North Cotabato, at may
layòng 32 kilometro mula sa bahaging kanluran
ng Lungsod Davao. May taas itong 2,954 metro
(9,690 talampakan). Bagaman isa ring bulkan,
wala pang naitatalâng pagputok níto. Ang
Bundok Apo ay patag sa ibabaw, na may tatlong
taluktok. Sa bahaging timog, sa ibabâ ng
bunganga ay may uka o vent na nilalabasan ng singaw na asupre. Tinatawag din itong Sandawa
(Bundok ng Asupre) ng mga táong naninirahan sa paanan nitó. May anim na katutubong
pangkating nagtuturing sa Bundok Apo bilang sagradong lupain: ang mga Manobo, Bagobo,
Ubos, Atas, Kalagan, at Tagakaola. Sa lugar na ito nilá sinasamba si Apo Sandawa na kinikilála
niláng dakilang ninunong ama o apò at pinagmulan ng pangalan ng bundok. Ang bunganga ng
bundok na may 500 metrong lawak ay nagsisilbing isang malaking lawa, ang Lawang Venado,
na pinagkukunan ng enerhiyang heotermal. Ang Mindanao Geothermal Production Field, na
nása barangay Ilomavis sa Lungsod Kidapawan, North Cotabato, ang pinagmumulan ng
koryenteng ginagamit sa Kidapawan at mga karatig lalawigan.

Noong 1936, idineklara ang Mt.


Apo National Park na may 80,864 ektarya
sa paligid ng bundok, upang
mapangalagaan ang maraming
dipangkaraniwang hayop at halamang
matatagpuan dito. Makikita rin dito ang
pinakamalaking agila sa mundo—bánoy o
Philippine Eagle, ang pambansang ibon ng
Filipinas. Mayroong 270 uri ng mga ibon na naninirahan sa kagubatan ng bundok at
100 sa mga ito ay tanging sa bansa lamang matatagpuan. Dahil dito, isa ang Bundok
Apò sa UNESCO World Heritage Site. (AMP) (ed VSA).
Samal ISLAND
Ang Samal Island ay isang isla
na matatagpuan sa Davao City,
ang kapital ng Mindanao at kung
saan din ang galing ang bagong
presidente na si Pres. Rodrigo
Duterte.

Kilala rin ito sa tawag na


“Garden City of Samal” na
dalawang metro ang layo sa
Davao at 1400 kilometro naman
sa Maynila.

Kakaiba ang ganda ng


isla na ito dahil kahit na na-
develop na, ay makikita mo pa rin ang natural na ganda ng isla. Maraming
puti at pinking na buhangin sa mga dagat nito at puro world-class ang mga
resort.

Sa 70 resort na matatagpuan
sa isla, siguradong makakahanap
ka ng budget na swak sa inyong
bulsa. Crystal blue ang tubig dito
at napakalinaw. Perfect
destination ito ng mga nagha-
honeymoon, magbabarkada, at
maging pang pamilya.

Beach hoping at diving ang


ilan sa mga aktibidad na pwede
gawin sa isla na ito at higit sa
lahat, ang pagtikim ng mga pagkaing ipinagmamalaki sa nasabing isla.
Talon ng
PAGSANJAN
Ang Talon ng Pagsanjan,
kilala rin bilang Cavinti
Falls (katutubong pangalan: Talon ng
Magdapio) ay isa sa pinakabantog na
mga talon sa Pilipinas.

Matatagpuan ito
sa lalawigan ng Laguna. Isa ito sa
pinakapangunahing pang-akit na
pangturismo sa rehiyon. Mararating
ang talon sa pamamagitan ng
paglalakbay sa ilog sa pamamagitan
ng bangka magmula sa munisipalidad
ng Pagsanjan.

Ang paglalakbay na nakasakay sa bangka ay isa nang pang-akit na


pangturista magmula pa noong Panahong Kolonyal ng Kastila na ang
pinakamatandang pagsasalaysay ay noong 1894. Ang bayan ng Pagsanjan ay
nasa daluyan ng dalawang mga ilog, ang Ilog ng Balanac at ang Ilog ng
Bumbungan (na nakikilala rin bilang Ilog ng Pagsanjan)

You might also like