You are on page 1of 2

Bantay ng katahimikan

PNP lingkod ng bayan

Kriminal aming kalaban

Mamamayan paglilingkuran.

Sa bayan at mamamayan

PNP ang inyong sandigan

Integridad, disiplina at kasanayan

Gabay sa tungkuling alay.

Makadiyos at makabayan

Makatao at makakalikasan

Sa tungkuli’y aming karangalan

Ihandog nag-iisang buhay.

Batas ay ipatutupad

Pantay-pantay para sa lahat

Walang mayaman o mahirap

Ang dulot sa bayan ay galak.

PNP mamamayan magtulungan

Kaayusa’t katatagan ating kamtan

Kalakalan uunlad na tunay

Kapayapaa’y ating tagumpay.

Makadiyos at makabayan

Makatao at makakalikasan

Sa tungkuli’y aming karangalan

Ihandog nag-iisang buhay


Ihandog nag-iisang buhay…

You might also like