You are on page 1of 1

FRANCES AICAH BISCARRA

PAGKAKAIBIGAN
Ang pagkakaibigan na marahil ang isa sa mga bagay na mahirap ipagpalit sa
materyal na bagay. Karaniwang pinaghihirapan ang makakuha at magkamit ng isang
mabuting kaibigan. Kung hindi naman maaalagaan ang isang kaibigan ay nawawala na
lamang na parang bula. Ang pag-iingat ng isa sa iyong mga pinakamahalagang
kayamanan sa buhay ay maihahalintulad sa pag-aalaga ng isang kaibigan.
Tunay na nakapagpapaligaya magkaroon ng isang kaibigan. Sa mga
pagkakataong ika’y malungkot at nag-iisa ang isang kaibigan ay maaasahan. Sa lahat
ng pagkakataon ay nariyan siya upang ika’y gabayan at damayan. Katulad na lang ng
ilang naglalaan ng panahon upang makasama lang ang kaibigan. Sa mga pangyayaring
hindi kanais-nais, kaibigan pa rin ang nagbibigay ng tamis at ligaya. Sa mga
pagkakataong ika’y nag-aakalang katapusan na ng mundo, ang isang kaibigan ay
siyang nagbibigay lakas. Walang pakundangan din silang nagpapatawad kung ika’y
nagkaroon ng kasalanan. Ang ilang mga ‘di pagkakaunawaan ay agad-agad natatapos
at naaayos.
Mga kaibigan nga nama’y daig ang pilak, ginto at salapi, ni minsa’y hindi mabibili
ang kanilang pagpapatawad at paniniwala. Sa bawat ligayang iyong nararamdaman,
kaibigan din ang gumagawa. Pinapagaan nila ang iyong pakiramdam kung ika’y
nakararamdam ng sakit at poot. Iyong ligayang nakakamtam ay hindi nauubos, kahit na
ikaw ay kapos sa pera. Sila’y laging andiyan upang ika’y paligayahin at magbigay ng
liwanag. Sa tuwing magkakamit ng tagumpay, ang kanilang suporta ang iyong taglay sa
lahat ng oras.
Kaya naman sa aking mga kaibigan, maraming salamat sa lahat ng inying
natulong. Nagpapasalamat ako nang walang humpay at kayo’y aking nakilala.
Maraming salamat sa inyo at ako’y inyong naunawaan kahit na ako’y karaniwang
nagbabago ng ugali. Kayo’y mga biyaya ng Diyos. Nawa’y hindi kayo magbago, ako’y
mabibigo kung kayo ay awawala sa aking buhya. Ni minsan ay hindi sana kayo
mawalay sa aking buhay. Kayo ay mananatili sa aking puso at isipan. Ang inyong mga
ginintuang pangalan ay aking iimprenta sa aking puso. Mga kaibigan, nawa’y ang ating
samahan ay hindi magbago.

You might also like