You are on page 1of 1

Kaibigan – Talumpati ko

Talumpati ni Ivy B. Cabarda

Sino nga ba sa ating ang walang tinuturing na kaibigan? Sinasabi nga na “No man is an island”. Hindi
madaling mamuhay sa mundo kung wala kang kaibigang magmamahal, magpapatawa, mag aalaga at
andyan para sayo.

Pera, yaman at popularidad ano nga ba ang halaga nito kung wala kang kaibigan? Oo, mayaman ka nga
sa material na bagay ngunit, aanhin mo ba ito kung wala kang kaibigan na makakasama, diba malungkot?
Kaya mahalaga ang pagkakaroon ng kaibigan, dahil mapupuno ka ng yaman sa pagmamahal. At kung
dumating sa ating buhay ang isang kaibigan bigyan naman natin sila ng halaga dahil baka mawala pa sila
sa atin.

Ang kaibigan ay bahagi na ng ating buhay. Minsan sila ang nagiging basehan kung sino at kung ano tayo.
Sabi nga nila “Tell me who your friends are, and I tell you who you are”. Kung titingnan natin ang ganitong
pananaw, masasabing dapat maging mapili tayo sa pagkakaroon ng kaibigan.

Ang pagkakaibigan ay isang samahan, na nagbibigay kulay sa ating buhay. Maraming pagkakaibigan ang
nabubuo sa pagdaan ng panahon. Mayroong panandalian at mayroon din pang habangbuhay. Ngunit kahit
gaano man ito kadali o katagal, ang mga magagandang alala at masalimuot na pinagdaan ng
pinagsamahan ay mananatiling nakaukit sa ating mga puso’t isipan. Ang pagkakaibigan ay hindi lamang
nandyan, upang magbigay ng kaligayahan, ngunit nandyan din upang ikaw ay sabayan, sa pagharap ng
hamon at pagsubok ng ating buhay. Ang pagkakaibigan ay parang hangin, pwede mong maramdaman
kahit kalian. Parang ibon na mahirap pakawalan. At parang isang agos na kay hirap pigilan. Ang
pagkakaibigan ay hindi inaasahan itoy kusang dumadating at minsan ay nawawala. Dapat pahalagahan
upang di mawala. Kailangan ng pasensya at tiwala sa isa’t isa. Minsan kailangan mong magparaya at
intindihin.

You might also like