You are on page 1of 1

SAMAHANG WALANG KATULAD

Ang pagkakaibigan na marahil ang isa sa mga bagay na mahirap ipagpalit sa materyal
na bagay. Karaniwang pinaghihirapan ang makakuha at magkamit ng isang mabuting kaibigan.
Kung hindi naman maaalagaan ang isang kaibigan ay nawawala na lamang na parang bula. Ang
pag-iingat ng isa sa iyong mga pinakamahalagang kayamanan sa buhay ay maihahalintulad sa
pag-aalaga ng isang kaibigan.
Tunay na nakapagpapaligaya magkaroon ng isang kaibigan. Sa mga pagkakataong ika’y
malungkot at nag-iisa ang isang kaibigan ay maaasahan. Sa lahat ng pagkakataon ay nariyan siya
upang ika’y gabayan at damayan. Katulad na lang ng ilang naglalaan ng panahon upang
makasama lang ang kaibigan. Sa mga pangyayaring hindi kanais-nais, kaibigan pa rin ang
nagbibigay ng tamis at ligaya. Sa mga pagkakataong ika’y nag-aakalang katapusan na ng mundo,
ang isang kaibigan ay siyang nagbibigay lakas. Walang pakundangan din silang nagpapatawad
kung ika’y nagkaroon ng kasalanan. Ang ilang mga ‘di pagkakaunawaan ay agad-agad natatapos
at naaayos.Mga kaibigan nga nama’y daig ang pilak, ginto at salapi, ni minsa’y hindi mabibili ang
kanilang pagpapatawad at paniniwala. Sa bawat ligayang iyong nararamdaman, kaibigan din
ang gumagawa. Pinapagaan nila ang iyong pakiramdam kung ika’y nakararamdam ng sakit at
poot. Iyong ligayang nakakamtam ay hindi nauubos, kahit na ikaw ay kapos sa pera. Sila’y laging
andiyan upang ika’y paligayahin at magbigay ng liwanag. Sa tuwing magkakamit ng tagumpay,
ang kanilang suporta ang iyong taglay sa lahat ng oras.
Kaya naman sa aking mga kaibigan, maraming salamat sa lahat ng inying natulong.
Nagpapasalamat ako nang walang humpay at kayo’y aking nakilala. Maraming salamat sa inyo
at ako’y inyong naunawaan kahit na ako’y karaniwang nagbabago ng ugali. Kayo’y mga biyaya
ng Diyos. Nawa’y hindi kayo magbago, ako’y mabibigo kung kayo ay awawala sa aking buhya. Ni
minsan ay hindi sana kayo mawalay sa aking buhay. Kayo ay mananatili sa aking puso at isipan.
Ang inyong mga ginintuang pangalan ay aking iimprenta sa aking puso. Mga kaibigan, nawa’y
ang ating samahan ay hindi magbago.

You might also like