Nasaan na ang kabataang naghahangad ng kanilang ginintuang panahon, ng
kanilang mga pangarap at kasigasigan sa ikabubuti ng bayan? Nasaan ang kabataang magbubuwis ng buhay upang mabayaran ang gayong karaming kahihiyan, ang gayong karaming krimen? Malinis at walang bahid dungis ang buhay na kailangang maging alay upang ang handog ay maging karapat-dapat? Nangasaan kayo, kabataan, na nagtataglay ng lakas ng buhay, na tumatakas na sa aming mga ugat? Hinihintay namin kayo o kabataan! Ang kabataan ang sinasabing pag-asa ng ating bayan. Tayo ras ang magliligtas at magpapaunlad ng ating bayang nahihirapan. Ang ating pagtutulung-tulungan at magdudulot ng napakalaking pagbabago sa ating bayan. Ang kabataang hinahanap ng madla na magliligtas sa sangkatauhan ay naririto lamang. Ngunit paano tayo matutulungan ng mga kabataang ito kung ang ilang nama’y napunta sa maling landas ng buhay? Ang ilan ay hindi na nakapagtapos ng pag-aaral at ang ilan nama’y hindi na nakapag-aral. Ang ilang kabataang inaasahan ng bayan ay nalululong sa droga, walang permanentengtahanan, walang makain at wala man lang nakukuhang ni isang pangangailangan. Bilang isang mamamayang inaasahan ng bayang ito, paano tayo uunlad kung ang pangunahing pangangailangan ng isang kabataan ay hindi natutustusan? Ang ilan namang kabataan ay tunay na nag-aaral at nagsisikap upang umangat ang kanilang pamumuhay at upang makatulong ng ibang nahihirapan. Sila ang ilan sa mga kumikilos at gumagawa ng aksyon ukol sa mga bagay-bagay na nagyayari sa atin bayan. Ang pagsisikap na ito ng ilang mga kabataay ay kulang pa sa inaasahan ng marami. Kulang pa ito upang makapagbigay ng napakalaking pagbabago sa ating bayan. Kung ang mga kabataang nalagay sa maling landas at maitatama at matutulungan rin sa mga pangunahing pangangailangan nila, ang magandang pagbabagong ninanais ng marami ay maisasakatuparan.
Ang Relasyon Ko Aking Pamilya Ay Masaya Kaming Nagsasama Kasi Lagi Kaming Nagbobonding at Kapag Meron Kaming Problema Ay Hindi Lang Naming Iniisip Na May Problema