You are on page 1of 1

Mahal kong nanay,

Hindi ko po alam kung saan ako magsisimula sa sasabihin ko. Ngayon po ang
araw ng mga nanay, at gusto ko lang po sabihin sa inyo kung gaano ko po kayo kamahal.
Salamat po sa lahat ng mga ginawa at ginagawa ninyo para sa akin at sa mga kapatid
ko. Kahit na pinagalitan at pinapagalitan pa rin n’yo po ako, alam ko po na ginagawa po
ninyo yun kasi mahal n’yo po ako at gusto n’yo lang po akong maging isang matinoong
tao.
Nang tumatanda po ako, naiintindihan ko po paunti-unti yung mga itinuturo n’yo
po sa akin noong bata pa ako tungkol sa buhay. Mga bagay na dati ay parang balewala
lang, ay merong malaking impluwensiya sa buhay ko po. Katulad na pagiging mabait sa
kapwang tao, pagiging magalang sa mga matatanda, at ang kahalagahan ng kababaang-
loob.
Hindi po kaya ng mga salita lamang kung gaano po ako kasuwerte na kayo po
ang aking nanay. Salamat po sa lahat ng mga sakripisyo, leksiyon, at pag-ibig na ibinigay
n’yo po sa akin. Sana po ako ay maging kasing galing n’yo sa pagiging isang magulang.

Lubos na gumagalang,

JOHN MICHAEL CELIS


anak

You might also like