You are on page 1of 1

Ang Pagong at ang Kuneho

Isang araw, nagkita sina Pagong at Kuneho. Inaasar ni Kuneho ang Pagong
dahil siya ay mabagal lumakad. Sinabi naman ni Pagong na bukas ay
magpaligsahan sila upang malaman kung sino ang mas mabilis lumakad.

Nang araw ng paligsahan, maraming hayop ang dumalo. Nang nagsimula ang
paligsahan, ang Kuneho ay nanguna kaysa kay Pagong. Nang malayong-
malayo na ang Kuneho kay Pagong, si Kuneho ay nagpahinga at natulog ito
dahil alam niya mabagal lumakad ang Pagong at di siya kayang abutan nito.

Nang magising si Kuneho, nakita niyang malapit na si Pagong sa linya ng


pagtatapos. Sinubukan ni Kuneho na lumakad ng mabilis ngunit nakarating
na si Pagong sa linya at ang Pagong ang nagwagi.

Aral: Huwag husgahan ang isang nilalang at maari itong bumalik sa iyo.

Reference:https://www.pinoyedition.com/mga-pabula/ang-kuneho-at-ang-
pagong/

You might also like