You are on page 1of 3

URDANETA CITY UNIVERSITY

COLLEGE OF TEACHERS EDUCATION


San Vicente West, Urdaneta City

Santos, Nelle Francine D. Mayo 24, 2023


BSEFIL 2 Block 1 E204

ANG KUNEHO AT ANG PAGONG

 May Akda/Pagkilala sa may Akda: Si Boots S. Agbayani-Pastor ay nag-aral ng


Fine Arts ngunit naging manunulat bago siya nakapagtapos. Ang kanyang mga
artikulo at maikling kwento ay lumabas sa iba't ibang pambansang publikasyon.
Sumulat din siya ng mga script para sa mga audio-visual presentation, telebisyon,
at pelikula. Isinulat niya ang script ng Kàleldo (Summer Heat, 2006), bukod sa iba
pang mga pelikulang umani ng mga parangal sa mga dayuhang festival ng pelikula.
Gumagawa siya ng freelance na trabaho sa pagsasalin at pag-subtitle ng mga
pelikulang Filipino. Siya ay ipinanganak at nakatira sa Cubao, Quezon City.

 Uri ng Akda: Ang uri ng akdang pampanitikan na ito ay isang pabula na kung saan
ang mga nagsisilbing tauhan ay mga hayop.

 Teoryang makikita sa Akda: Teoryang Realismo, sapagkat maaring mangyari


ang mga ganitong eksena sa totoong buhay lalo na sa pangmamaliit ni Kuneho kay
Pagong nang dahil lamang sa mabagal itong maglakad at wala raw itong
mararating.

 Layunin ng may Akda: Layunin nitong ipakita sa mga mambabasa na sa totoong


buhay ay hindi talaga natin maiiwasan ang pagkakaroon ng isang katulad ni Pagong
at Kuneho ngunit kahit mabagal man ang lakad ni Pagong o mabilis man nakarating
sa kalagitnaan si Kuneho ay hindi iyon naging hadlang kay Pagong upang
ipagpatuloy nito ang pagpunta sa tuktok ng bundok.

 Tema o Paksa ng Akda: Ang tema sa kwentong ito ay patungkol sa pagiging


mapagmayabang ni Kuneho at Pagtitiyaga ni Pagong

 Mga Tauhan:

Tauhan 1 - Kuneho

Tauhan 2 - Pagong

Tauhan 3 - Matsing
 Tagpuan o Panahon:

Tagpuan 1 - Sa tuktok ng bundok

 Balangkas ng mga Pangyayari:

Simula - Isang araw habang naglalakad si Kuneho ay nakasalubong niya si Pagong.


Palibhasa makupad maglakad ang pagong kaya pinagtawanan ito ng kuneho.
"Napakaiksi ng mga paa mo Pagong, kaya ubod ka ng bagal maglakad, wala kang
mararating niyan." At sinundan iyon ng malulutong na tawa. Labis na nainsulto ang
Pagong sa mga sinabi ng Kuneho. Para patunayan na nagkakamali ito ng akala ay
hinamon nya ang Kuneho. "Maaaring mabagal nga akong maglakad, subalit matibay
ang katawan ko, hindi mo ako matatalo." Lalo lamang siyang pinagtawanan. "Nabibigla
ka yata Pagong, baka mapahiya ka lamang," wika ni Kuneho. "Para magkasubukan tayo,
magkarera tayo patungo sa ituktok ng bulubunduling iyon." Itinuro ni Pagong ang abot-
tanaw na bundok.

Gitna - Matapos hamunin ni Pagong si Kuneho ay naghanda na silang dalawa para sa


kompetisyong magaganap. Nakapaligid na rin ang iilang hayop maging ang Matsing na
magbibilang upang masimulan na nila ang paligsahan. Pagkatapos bumilang ng Matsing
ay agad na humakbang ang dalawa palayo sa lugar na pinagsimulan ng paligsahan.
Nauuna na ang Kuneho sa paglundag at paglingon niya sa kanyang likuran ay malayo
ang kanyang agwat kay Pagong habang ito ay pinagtatawanan ng iba pang mga hayop
hindi iyon pinansin ni Pagong at nagpatuloy lamang ito sa paglalakad.

Wakas - Habang naiinip na sa paghihintay ang kuneho ay nagpasya itong matulog


muna sa kalagitnaan ng bundok sapagkat malayo pa naman ang kalaban nitong si
Pagong at mataas ang tiwala niya sa sarili niyang mananalo siya sa paligsahan. Habang
patuloy na naglalakad si Pagong ay nadatnan niya ang Kuneho na mahimbing na
natutulog at kaniyang nilagpasan ito. Nang magising ang Kuneho ay napatingin siya sa
kanyang likuran upang tignan kung nasaan na ang kalaban nitong si Pagong ngunit
ganon na lamang ang gulat nito nang makita ang Pagong na nasa ibabaw na ng tuktok
ng bundok at naunahan na siya.

 Istilo ng pagkakasulat ng Akda: Malikhain sapagkat lumikha ang awtor ng isang


pangyayaring hindi inaasahan ng mga mambabasa dahil ano nga naman ang laban
ng pagong sa kuneho diba, kung sa pabilisan lamang ang labanan e talagang
hamak na talo na ang pagong kaysa sa kuneho.

 Aral ng Kwento: Ang aral sa kwento ay kahit gaano man kabagal ang lakad ni
pagong papunta sa tuktok ng bundok ay hindi naman siya nawalan ng pag-asa na
makakarating rin siya dito. Tulad na rin lamang iyan sa totoong buhay na kahit
gaano man kahirap ang mga nararanasan natin ngayon, mabagal man yan, alam
nating balang araw makakarating din tayo sa ninanais nating mga pangarap katulad
na lamang ni pagong.

 Simbolismo: Tuktok ng Bundok - sumisimbolo ito sa daang tinatahak ni pagong na


kung saan kahit mabagal lamang siyang maglakad ay nais niyang patunayan kay
Kuneho na hindi iyon hadlang upang maliitin ng kapwa niya hayop dahil kahit
mabagal siyang naglalakad ay nakarating pa rin siya sa kaniyang patutunguhan.

You might also like