You are on page 1of 9

[PANIMULA]

• Narrator: Kumusta kayo mga bata. Handa na ba kayong making ng


bagong kwento? Magaling! Umupo ng Mabuti at tayo’y making sa
storya na pinamagatang “SI KUNEHO AT SI PAGONG."
  SI KUNEHO AT SI
PAGONG
NARRATOR: Isang araw, habang naglalakd si Kuneho ay nakasalubong
niya si Pagong. Palibhasa makupad maglakad ang Pagong kaya
pinagtawanan ito ng Kuneho at nilibak.

KUNEHO: “Napakaiksi ng mga paa mo Pagong. Kaya ubod ka ng bagal


maglakad. Wala kang mararating niyan. Hahahaha.”

NARRATOR: At sinundan iyon ng malulutong na tawa. Labis na nainsulto


ang Pagong sa mga sinabi ng Kuneho. Para patunayan na nagkakamali ito
ng akala ay hinamon niya ang Kuneho.
• PAGONG: “Maaaring mabagal nga akong maglakad, subalit matibay ang
katawan ko, hindi mo ako matatalo.”

• NARRATOR: Lalo lamang siyang pinagtawanan.

• KUNEHO: “Hahahaha. Nabibigla ka yata Pagong, baka mapahiya ka


lamang.”

• NARRATOR: Wika ni Kuneho.

• PAGONG: “ Para magkasubukan tayo, magkarera tayo patungo sa


bulubunduking iyon.”
• NARRATOR: Itinuro ni Pagong ang abot-tanaw na bundok. Ganoon na
lamang ang katuwaan ng mayabang na Kuneho sa hamon na iyon ni
Pagong.

• NARRATOR: Nagtawag pa ito ng mg kaibigan para manood sa gagawin


nilang karera. Gusto niyang lalong libakin si Pagong sa harap ng kanyang
mga kaibigan oras ng matalo niya ito.

• NARRATOR: Nakapaligid sa kanila angmga kaibigang hayop. Si Beaver


ang nagbilang para sa pag-uumpisa ng paligasahan,

• BEAVER: “Handa na ba kayo?”


• NARRATOR: At ang karera ay nagsimula. Magkasabay ngang
humakbang ang dalawa mula sa lugar ng pag-uumpisahan. Mabilis na
nagpalundag-Lunda si Kuneho patungo sa bundok.

• NARRATOR: Nang lumingon siya ay nakita niyang malayung malayo


ang agwat niya kay Pagong. Patuloy sa kanyang mabagal na paglakad
si Pagong, habang pinagtatawanan siya ng mga nakapaligid na hayop.

• NARRATOR: Hindi pinansin ni Pagong ang panunuya ng mga ito.


Patuloy lang siya sa paglalakad na walang lingun-lingon.
• NARRATOR: Samantala, Si Kuneho ay nainip na sa paghihintay na makita
si Pagong sa kanyang likuran. Palibhasa malaki ang tiwala nya sa sarili at
alam niyang siya ay mabilis tumakbo, ipinasya niyang muna ng
makarating na siya sa kalagitnaan ng bundok.

• NARRATOR: Patuloy naman sa kanyang mabagal na paglalakad si pagong


hanggan marating niya ang kalagitnaan ng bundok kung saan naraanan
niya si kuneho na mahimbong na natutulog at malakas na naghihilik.

• KUNEHO: (INSERT SOUND OF HILIK)

• NARRATOR: Nilampasan niya ito at nagpatuloy siya sa paglalakad


hanggang sa marating niya ang hangganan ng kanilang karera.
• NARRATOR: Nang magising si Kuneho ay muli itong tumingin sa ibaba ng
bundok, subalit hindi pa din nya Nakita si Pagong. Humanda na siyang
maglakad muli paakyat ng bundok, subalit ganoon na lamang ang gulat niya
ng matanaw si pagong na naroroon na sa ituktok ng bundok. Tumakbo siya sa
ng napakabilis upang maunahan si pagong, ngunit huli na ang lahat. Natapos
na ni Pagong ang karera at siya ang nagwagi.
[Pagwawakas]

Narrator: Doon nagtatapos ang ating kwento. Nawa ay natutunan


nating maging determinado at huwag sumuko agad.

Narrator: Maraming salamat sa pakikinig, hanggang sa muli, paalam!

You might also like