You are on page 1of 4

ANG KUNEHO AT ANG PAGONG

SCRIPT (PABULA)
NARRATOR: Ang kuneho at ang pagong, Isang araw
habang naglalakad si Kuneho ay nakasalubong niya si
Pagong.Palibhasa makupad maglakad ang Pagong kaya
pinagtawanan ito ng Kuneho at nilibak.
KUNEHO: “Napakaiksi ng mga paa mo Pagong, kaya
ubod ka ng bagal maglakad, wala kang mararating niyan.”
KUNEHO: “Ahahaha.”
NARRATOR: At sinundan iyon ng malulutong na
tawa.Labis na nainsulto ang Pagong sa mga sinabi ng
Kuneho.Para patunayan na nagkakamali ito ng akala ay
hinamon niya ang Kuneho.
PAGONG: “Maaaring mabagal nga akong maglakad,
subalit matibay ang katawan ko, hindi mo ako matatalo.”
NARRATOR: Lalo lamang siyang pinagtawanan.
KUNEHO: “Ahahahaha.”
KUNEHO: “Nabibigla ka yata Pagong, baka mapahiya ka
lamang,”
NARRATOR: Wika ni Kuneho.
PAGONG: “Para magkasubukan tayo, magkarera tayo
patungo sa ituktok ng bulubunduling iyon.”
NARRATOR: Itinuro ni Pagong ang abot-tanaw na
bundok. Ganoon na lamang ang katuwaan ng mayabang
na Kuneho sa hamon na iyon ni Pagong.
NARRATOR: Nagtawag pa ito ng mga kaibigan para
manood sa gagawin nilang karera.Gusto niyang lalong
libakin si Pagong sa harap ng kanyang mga kaibigan oras
na matalo niya ito.
NARRATOR: Nakapaligid sa kanila ang mga kaibigang
hayop. Si Matsing ang nagbilang para sa pag-uumpisa ng
paligsahan.
MATSING: “Handa na ba kayo?.”
NARRATOR: Magkasabay na tumugon sina Pagong at
Kuneho.
KUNEHO AT PAGONG: “Handa na kami!”
MATSING: “Isa..Dalawa..Tatlo.!.Takbo,takbo!”
NARRATOR: Sigaw ni matsing.
NARRATOR: Magkasabay ngang humakbang ang
dalawa mula sa lugar ng pag-uumpisahan. Mabilis na
nagpalundag-lundag si Kuneho. Halos sandaling minuto
lamang ay naroroon na siya sa paanan ng bundok.
NARRATOR: Nang lumingon siya ay nakita niyang
malayung malayo ang agwat niya kay pagong.Patuloy sa
kanyang mabagal na paglakad si pagong, habang
pinagtatawanan siya ng mga nakapaligid na hayop.
NAKAPALIGID NA HAYOP: “Ahahahaha”
NARRATOR: Hindi pansin ni Pagong ang panunuya ng
mga ito.Patuloy siya sa paglakad, walang lingun-lingon.
NARRATOR:Samantala, si Kuneho ay halos mainip na sa
paghihintay na makita si Pagong sa kanyang likuran. Ilang
ulit na ba siyang nagpahinto-hinto, pero wala ni anino ni
pagong. Palibhasa malaki ang tiwala niya sa sarili, alam
niya ang kakayahan tumakbo ng mabilis, ipinasya niyang
maidlip muna ng makarating na siya sa kalagitnaan ng
bundok. Tutal nakatitiyak naman siya ng panalo.
NARRATOR: Patuloy naman sa kanyang mabagal na
paglakad si pagong paakyat, hanggang sa marating niya
ang kalagitnaan ng bundok, naraanan pa niya si kuneho
na mahimbing na natutulog at malakas na naghihilik.
KUNEHO: “kcccccccc,kccccccc”
NARRATOR: Nilampasan niya ito at nagpatuloy siya sa
paglakad hanggang sa marating niya ang hangganan ng
kanilang karera.
NARRATOR: Nang magising naman si kuneho ay muli
itong tumingin sa ibaba ng bundok, subalit hindi pa din
makita si pagong. Humanda na siyang maglakad muli
paakyat ng bundok, subalit ganoon na lamang ang gulat
niya ng matanaw si pagong na naroroon na sa ituktok ng
bundok. Naunahan na pala siya.
ARAL: Ang makukuha mong aral kay kuneho ay “Huwag
maliitin ang iyong kalaban at huwag magmagaling o
makampante” kay pagong naman “Maging determinado at
wag susuko agad.

You might also like