You are on page 1of 3

Script Si Pagong at Si Kuneho

Narrator: (Basahin yung title) Si Kuneho at Si Pagong.


Narrator: Isang hapon habang masayang namamasyal si pagong ay nakasalubong
niya si kuneho, palibahasa’y mabagal maglakad si pagong, pangisi ngising sinabi
ni kuneho.
Kuneho: Hoy Pagong! Pagka ikli ikli naman ng mga paa mo at pagka bagal bagal
mong lumakad, Wala kang mararating niyan! HAHAHA
Narrator: Labis na nainsulto ang Pagong sa mga sinabi ng kuneho, Pero hindi niya
pinahalata na siya ay nagdadamdam, Upang patunayan na may maipagmamalaki
rin naman ay sinagot niya ang mayabang na kuneho.
Pagong: Kung gusto mong subukin ang aking kakayahan, bakit hindi natin daanin
sa isang paligsahan? Maaaring mabagal nga ako maglakad pero nakasisiguro
akong matatalo kita sa palakasan
Narrator: Ngunit lalo lamang siyang pinagtawanan ni Kuneho.
Kuneho: HAHAHAHA! Nabibigla ka yata pagong, Baka mapahiya ka lamang?
Narrator: Wika ni Kuneho
Kuneho: Pero sige pagbibigyan kita, Anong paligsahan ang nais mo?
HAHAHAHA
Narrator: Tanong ni kuneho
Pagong: Para magkasubukan tayo, bukas pagsikat ng araw magkarera tayo patungo
sa bundok na iyon.
Narrator: At itinuro ni pagong ang abot tanaw na bundok
Kuneho: HAHAHAHAHA
Narrator: Tuwang tuwa si Kuneho sa hamon ni pagong, nakasisiguro siya sa bagal
ng pagong ay tiyak na mananalo siya. Kinabukasan, sa paanan ng bundok
maagang maaga na dumating si kuneho’t pagong.
Kuneho: Pagong,Hindi pa huli ang lahat bibigyan pa kita ng pagkakataon para
isalba ang sarili mo sa kahihiyan
Narrator: Ang pagmamalaki ni kuneho
Pagong: Ito lang ang masasabi ko, Maaaring mabilis ka subalit malakas naman ang
aking resistensiya
Kuneho: Oh siya sige umpisahan nalang natin ito, ikaw na ang magbilang bilang
hudyat ng ating pagsisimula baka sakaling kahit kaunti magkaroon ka ng tyansa na
Manalo HAHAHAHA
Pagong: ISA, DALAWA, TATLO, takbooooooo!
Narrator: Magkasabay nang humakbang ang dalawa, mabilis na nagpa lundag
lundag si kuneho, halos sandaling minuto lamang ay naroon na siya kaagad sa
bundok.Nang lumingon siya ay nakita niyang malayong malayo ang agwat niya
kay Pagong.Habang patuloy naman sa mabagal na paglakad si pagong.

Narrator:Samantala, si Kuneho ay halos mainip na sa paghihintay na makita si


Pagong sa kanyang likuran. Ilang ulit na ba siyang nagpahinto-hinto, pero wala ni
anino ni pagong. Palibhasa malaki ang tiwala niya sa sarili, alam niya ang
kakayahan tumakbo ng mabilis, kaya ipinasya niyang mamahinga muna ng
makarating na siya sa kalagitnaan ng bundok.

Kuneho: UGHHHH! mabuti na't mamahinga muna ako layo pa naman si pagong.
Isa pa, pagod narin naman na ako, wala naman ako dapat ikabahala dahil ang layo
ng agwat naming dalawa

Narrator:naupo si kuneho sa ilalim ng puno at nang dahil sa kapaguran di nya


namalayan na sya ay naka idlip .

snoring noises

Narrator: kahit na sabihing napaka-bagal umusad ay pinagsikaoan ni pagong ibigay


ang lahat ng lakas upang unti unting makadating sa bundok

Narrator:Nang matanaw ang himbing na himbing sa pagtulog ang katunggali ay


lalong nagsumikap umusad ang pawisang si pagong.

Hanggang, sa madaan at malampasan niya ito. Palubog na ang araw nang magising
si kuneho tinanaw niya ang ibaba ng bundok sa pagaakalang nanduon parin si
pagong. Subalit, wala parin sinimulan na nya muling tumakbo at laking gulat nya
nang abutan niya si pagong na malapit na sa tuktok ng bundok ditong nag tatatalon
paitaas ang kuneho upang unahan si pagong, tumakbo sya nang tumakbo ng
walang pahinga sa pagasang mauunahan niya pa si pagong.

Ngunit, huli na ang lahat sapagkat narating na ng masikap na pagong ang tuktok ng
tagumpay. Tuwang tuwa si pagong at di syang makapaniwala na sya ang nanalo.
Sa kabilang banda, si kuneho ay hiyang hiya sa pangyayari humingi sya ng
paumanhin kay pagong sa ginawa nyang pangiinsulto at pangmamaliit rito. Simula
noon ay naging aral na ito kay kuneho na kaylan man ay hindi nya dapat maliitin
ang kanyang kapwa

NARRATOR: NARITO ANG GINTONG ARAL MULA SA PABULANG


ATING NATUNGHAYAN

Ang kuneho ay labis ang tiwala na mananalo kaya tumigil ito sa gitna ng
paligsahan at nakatulog. Ang pagong kahit mabagal ay patuloy na naglakad at
hindi tumigil hanggang sa dulo ng karera. Gaya ng pagong, hindi basehan ang bilis
upang manalo. Kahit dahan-dahan basta't tuloy-tuloy ay kaya mong
mapagtagumpayan anuman ang karera ng buhay.
“Walang imposible sa taong marunong magsumikap”

You might also like