You are on page 1of 8

Ang Kuneho at Ang Pagong

Isang araw habang naglalakad si Kuneho ay


nakasalubong niya si Pagong.
Palibhasa makupad maglakad ang pagong kaya
pinagtawanan ito ng kuneho at nilibak.
"Napakaiksi ng mga paa mo Pagong, kaya ubod
ka ng bagal maglakad, wala kang mararating niyan."
At sinundan iyon ng malulutong na tawa.
Labis na nainsulto ang Pagong sa mga sinabi ng
Kuneho.
Para patunayan na nagkakamali ito ng akala ay
hinamon nya ang Kuneho.

"Maaaring mabagal nga akong maglakad,


subalit matibay ang katawan ko, hindi mo ako
matatalo."

Lalo lamang siyang pinagtawanan. "Nabibigla


ka yata Pagong, baka mapahiya ka lamang," wika ni
Kuneho.

"Para magkasubukan tayo, magkarera tayo


patungo sa tuktok ng bulubunduking iyon."
Itinuro ni Pagong ang abot-tanaw na bundok.
Ganoon na lamang ang katuwaan ng mayabang
na Kuneho sa hamon na iyon ni Pagong.
Nagtawag pa ito ng mga kaibigan para manood
sa gagawin nilang karera.
Gusto niyang lalong libakin si Pagong sa harap
ng kanyang mga kaibigan oras na matalo niya ito.
Nakapaligid sa kanila ang mga kaibigang hayop.
Si Matsing ang nagbilang para sa pag-uumpisa
ng paligsahan.

"Handa na ba kayo".

Magkasabay na tumugon sina pagong at kuneho.


"Handa na kami!".

"Isa..Dalawa..Tatlo.!.takbo", sigaw ni Matsing.

Magkasabay ngang humakbang ang dalawa


mula sa lugar ng pag-uumpisahan.
Mabilis si Kuneho. Halos sandaling minuto
lamang ay naroroon na siya sa paanan ng bundok.
Nang lumingon siya ay nakita niyang malayung-
malayo ang agwat niya kay pagong.
Patuloy sa kanyang mabagal na paglakad si
pagong, habang pinagtatawanan siya ng mga
nakapaligid na hayop.
Hindi pansin ni Pagong ang panunuya ng mga
ito. Patuloy siya sa paglakad, walang lingun-
lingon.

Samantala, si Kuneho ay halos mainip na sa


paghihintay na makita si Pagong sa kanyang likuran.
Ilang ulit na ba siyang nagpahinto-hinto, pero
wala ni anino ni pagong.
Palibhasa malaki ang tiwala niya sa sarili, alam
niya ang kakayahan tumakbo ng mabilis, ipinasya
niyang maidlip muna ng makarating na siya sa
kalagitnaan ng bundok. Tutal nakatitiyak naman siya
ng panalo.

Patuloy naman sa kanyang mabagal na


paglakad si pagong paakyat, hanggang sa marating
niya ang kalagitnaan ng bundok,
naraanan pa niya si kuneho na mahimbing na
natutulog at malakas na naghihilik.
Nilampasan niya ito at nagpatuloy siya sa
paglakad hanggang sa marating niya ang
hangganan ng kanilang karera.
Nang magising naman si kuneho ay muli itong
tumingin sa ibaba ng bundok, subalit hindi pa din
makita si pagong.
Humanda na siyang maglakad muli paakyat ng
bundok, subalit ganoon na lamang ang gulat niya ng
matanaw si pagong na naroroon na sa ituktok ng

MGA HAYOP
bundok. Naunahan na pala siya.

NA MABAGAL
KUMILOS
MGA HAYOP
NA MABILIS
KUMILOS
PANGKAT
I

PANGKAT
III
Sa mga litrato ng hayop sa loob ng
envelope, tukuyin ang mga hayop na may
mabagal na kilos at ilagay ito sa chart na
nasa unahan.

Sa mga litrato ng hayop sa loob ng


envelope, tukuyin ang mga hayop na may
mabilis na kilos at ilagay ito sa chart na
nasa unahan.
Awitin ng buong grupo ang
kantang “Mang Kiko” gamit ang
mabagal na tempo.

Awitin ng buong grupo ang


kantang “Mang Kiko” gamit ang
mabilis na tempo.
PANGKAT
II

PANGKAT
IV

You might also like