You are on page 1of 3

MARL JHEMRIEL KYLE S.

ESTAŇERO
SOMINOT CENTRAL ELEMENTARY SCHOOL
MRS. CINDY CORDOVA
FILIPINO
KWENTONG PABULA

Si Kuneho at si Pagong

Isang araw ay nagkasalubong sa daan ang Kuneho at ang Pagong.


Ngingisi-ngising inaglahi ng Kuneho ang Pagong.
“Hoy, Pagong,” sigaw ng Kuneho, “pagkaikli-ikli ng mga paa mo at
pagkabagal-bagal mong lumakad.”
Hindi ipinahalata ng Pagong na siya ay nagdamdam. Upang patunayang may
maipagmamalaki din naman ay sinagot niya ang mayabang na kalaban.

“Aba, Kuneho, maaaring mabagal nga akong maglakad pero


nakasisiguro akong matatalo kita sa palakasan. Baka gusto mong pabilisan
tayong makaakyat sa tuktok ng bundok pagsikat ng araw bukas. Tinatanggap
mo ba ang hamon ko?”

Tuwang-tuwa ang Kuneho sa hamon ng Pagong. Nakasisiguro siyang sa


bagal ng Pagong ay tiyak na mananalo siya. Upang mapahiya ang Pagong ay
pinagtatawag ng Kuneho ang lahat ng kamag-anak niya.

Pinulong niya ang mga ito at inutusang palakpakan siya kapag


matagumpay na naakyat na niya ang tuktok ng bundok. Iniutos din niyang
kantiyawan sa mabagal na pag-usad ang kalaban.
Maagang-maaga dumating sa paanan ng bundok ang maglalaban.
Maaga ring dumating ang iba’t ibang hayop na tuwang-tuwang makasasaksi
ng isang tunggalian.

Kapansin-pansing kung maraming kamag-anak si Pagong ay higit


na maraming kamag-anak ni Kuneho ang nagsulputan.
Nang sumisikat na ang araw ay pinaghanda na ng Alamid ang maglalaban.
Ang mabilis na pagbababa ng kaniyang kanang kamay ang hudyat na simula
na ang laban.
Sabay na gumalaw paakyat ng bundok ang magkalaban. Mabilis na
tumalun-
talon ang mayabang na Kuneho paitaas na parang hangin sa bilis. Nang
marating na niya ang kalahatian ng bundok at lumingon paibaba ay
natanawan niya ang umiisud-isod na kalaban.
Maraming naawa sa mabagal na Pagong.

“Kaya mo yan! Kaya mo yan!” pagpapalakas ng loob na sigaw ng


kaniyang tatay, nanay, kuya, ate, at mga pinsan.
“Talo na yan! Talo na yan! Pagkabagal-bagal!” sigaw na panunudyo ng mga
kamag-anak ni Kuneho.
Kahit kinukutya ay sumige pa rin si Pagong. Buong loob siyang nagpatuloy sa
pag-isod.

Malayung-malayo na ang naakyat ni Kuneho. Nagpahinga ito ilang


sandali upang tanawin ang anino ng kalaban. Nang walang makitang
anumang umuusad ay ngingisi-ngising sumandal ito sa isang puno at umidlip.
Kahit na sabihing napakabagal umusad ay pinagsikapan ng Pagong na ibigay
ang lahat ng lakas upang unti-unting makapanhik sa bundok.

Nang matanawang himbing na himbing sa pagtulog ang katunggali ay


lalong nagsikap umisud-isod pataas ang pawisang Pagong.
Palabas na ang araw nang magising si Kuneho. Nanlaki ang mga mata nito
nang matanawang isang dipa na lamang ang layo ng Pagong sa tuktok ng
bundok.Litong nagtatalon paitaas ang Kuneho upang unahan si Pagong. Huli
na ang lahat sapagkat narating na ng masikap na Pagong ang tuktok ng
tagumpay.

Aral:
 Walang imposible sa taong nagsusumikap.
 Huwag maging mayabang. Tandaan, ang taong nagmamataas ay lalong
bumababa at ang taong nagpapakababa ay siyang tinataas.
 Huwag magpaka-kampante sa isang labanan o tunggalian. Huwag
mong hamakin ang kakayahan ng iyong kalaban.

You might also like