You are on page 1of 8

Sa mayamang lupa mayroong sumilip

Na halamang lunti’t anong pagkaliit


Pilit tumataas at nais mabatid
Ang ano at dahil ng munting daigdig

Hindi nga naglaon at naging malusog


Lumaki at saka nagkabukog lubos
Bukong di maabot ng araw at unos
At himbing na himbing sa pagkakatulog.

Ngunit napasok din ng sinang ng araw


Ang tulog na buko at saka pinukaw,
Binating masigla at pinagsabihang
Gumising at masdan ang lupang ibabaw.

Kaya’t munting buko dito’y napahantad


Sa init ng araw ay kukurap-kurap
Nakita ang langit na napakalawak
At mga naglipad na mga kulisap

Hinagkan ng hangin ang mga talulot


At sa pagbukadkad ay agad nagsabog
Ng bangong matamis sa buong palibot
Bangong sinisinta ng mga bubuyog.
May is ang tahanang malaki’t marikit
Langit ang bubungan at lupa ang sahig.

Bawat silid nito’y may bundok na dinding,


Dagat at batisan ang siyang salamin.

Palamuti naman ang tahanang bulaklak,


Tala at bituin ang hiyas na sangkap.

Maraming laruang nakapagkatataka:


Isdang lumalangoy, ibong kumakanta…

May tanging laruang isang bolang apoy,


Aywan ba kung sino ang dito’y nagpukol.

At sino rin kaya ang tagapagsindi


Ng parol na buwang pananglaw kung gabi?

A, Siya ang ating mabait na Ama –


Kay bango ng hangin na Kanyang hininga!

At tayo? O, tayo ay magkakapatid


Sa buhay na itong ang ngala’y Daigdig!
Ang Kuneho at ang Pagong
Isang araw habang naglalakad si Kuneho ay
nakasalubong niya si Pagong. Palibhasa makupad maglakad
ang pagong kaya pinagtawanan ito ng kuneho at nilibak.
"Napakaiksi ng mga paa mo Pagong, kaya ubod ka
ng bagal maglakad, wala kang mararating niyan." At
sinundan iyon ng malulutong na tawa. Labis na nainsulto
ang Pagong sa mga sinabi ng Kuneho. Parapatunayan na
nagkakamali ito ng akala ay hinamon nya ang Kuneho.
"Maaaring mabagal nga akong maglakad, subalit
matibay ang katawan ko, hindi mo ako matatalo." Lalo
lamang siyang pinagtawanan. "nabibigla ka yata Pagong,
baka mapahiya ka lamang," wika ni Kuneho.
"Para magkasubukan tayo, magkarera tayo patungo sa
ituktok ng bulubunduling iyon." Itinuro ni Pagong ang
abot-tanaw na bundok.
Ganoon na lamang ang katuwaan ng mayabang na Kuneho sa hamon na iyon ni Pagong. Nagtawag
pa ito ng mga kaibigan para manood sa gagawin nilang karera. Gusto niyang lalong libakin si Pagong sa
harap ng kanyang mga kaibigan oras na matalo niya ito. Nakapaligid sa kanila ang mga kaibigang hayop.
Si matsing ang nagbilang para sa pag-uumpisa ng paligsahan."Handa na ba kayo". Magkasabay na
tumugon sina pagong at kuneho. "Handa na kami!". "Isa..Dalawa..Tatlo.!.takbo", sigaw ni matsing.
Magkasabay ngang humakbang ang dalawa mula sa lugar ng pag-uumoisahan. Mabilis na
nagpalundag-lundag si Kuneho. Halos sandaling minuto lamang ay naroroon na siya sa paanan ng
bundok. Ng lumingon siya ay nakita niyang malayung- malayo ang agwat niya kay pagong.
Patuloy sa kanyang mabagal na paglakad si pagong, habang pinagtatawanan siya ng mga
nakapaligid na hayop. Hindi pansin ni Pagong ang panunuya ng mga ito. Patuloy siya sa paglakad, walang
lingun-lingon.
Samantala, si Kuneho ay halos mainip na sa paghihintay na makita si pagong sa kanyang
likuran. Ilang ulit na ba siyang nagpahinto-hinto, pero wala ni anino ni pagong. Palibhasa malaki ang
tiwala niya sa sarili, alam niya ang kakayahan tumakbo ng mabilis, ipinasya niyang maidlip muna ng
makarating an siya sa kalagitnaan ng bundok. Tutal nakatitiyak naman siya ng panalo.
Patuloy nman sa kanyang mabagal na paglakad si pagong paakyat, hanggang sa marating niya
ang kalagitnaan ng bundok, naraanan pa niya si kuneho na mahimbing na natutulog at malakas na
naghihilik. Nilampasan niya ito at nagpatuloy siya sa paglakad hanggang sa marating niya ang
hangganan ng kanilang karera.
Ng magising naman si kuneho ay muli itong tumingin sa ibaba ng bundok, subalit hindi pa din
makita si pagong. Humanda na siyang maglakad muli paakyat ng bundok, subalit ganoon na lamang ang
gulat niya ng matanaw si pagong na naroroon na sa ituktok ng bundok.
Naunahan na pala siya.

Aral: Maging mapagpakumbaba at huwag maging mayabang.


Buhok ni Adan, Hindi mabilang-bilang
Sagot: Ulan

Kung Kailan mo pinatay saka humaba ang buhay


Sagot: Kandila

Limang punong niyog, isa ay matayog


Sagot: Daliri
Isang balong malalim, naliligiran ng patalim
Sagot:Bibig

Nagtago si Pedro, labas ang ulo


Sagot: Pako

Baston ni Adan, di mahawak hawakan


Sagot: Ahas
Baboy ko sa pulo, Ang balahibo'y pako
Sagot: Langka

Mataas kung nakaupo, mababa kapag nakatayo


Sagot: Aso

Isang pinggan, laganap Sa buong bayan.


Sagot: Buwan
Aling bagay sa mundo, ang inilalakad ay ulo?
Sagot: Suso

Isang panyong parisukat, kung buksa'y nakakausap.


Sagot: Sulat

Buklod na tinampukan, saksi ng pag-iibigan.


Sagot: Singsing
Huminto nang pawalan, lumakad nang talian.
Sagot: Sapatos

You might also like