You are on page 1of 3

Pangalan: Maureen M.

Oclarit Subject: TEG 116


Taon & Kurso: BEED Gen. Ed III Guro: Bb. Maricar Arias

BANGHAY ARALIN

I. LAYUNIN
Sa katapusan ng aralin, ang mga mag aaral ay inaasahang:
A. Nasusuri at nauunawaan ang pabula;
B. Naipapaliwanag ang paksang tinalakay;
C. Nakabuo ng repleksyon tungkol sa pabulang nabasa;

II. NILALAMAN
Paksa: Pabula
Sanggunian: https://gabay.ph/ang-pabula-ng-ang-kuneho-at-ang-pagong/
https://brainly.ph/question/68348
Kagamitan: Papel, Lapis, Laptop

III. PAMAMARAAN
A. PANGUNAHING GAWAIN
 Panalangin
 Pagbati

B. PAGBABALIK ARAL
 Ano ang paksang tinalakay natin noong nakaraang araw?

C. PAGGANYAK
● Hahayaan muna ng guro na pagmasdan ng mga estudyante ang mga letrang
nasa screen bago sagutin ang tanong na sumusunod:

 Sinong may ideya kung ano ang salitang ipinahihiwatig nito?

D. PAGTATALAKAY
 Ano ang pabula?

Pabula

Ang pabula ay mga kwento na hayop ang gumaganap ngunit ito ay kumikilos at nagsasalita tulad
ng isang tao. Karaniwang inilalarawan sa pabula ang dalawang hayop na magkaiba ang ugali at
ang nagiging wakas nito ay nagtatagumpay ang nagtataglay ng kabutihan ng ugali.

Nagsimulang sumikat ang mga pabula noong middle ages kaya naman bago matapos ang
ikalabindalawang siglo, nailimbag na ang ilang mga koleksyon na naglalaman ng iba’t ibang estilo
at daloy ng kwento ng mga pabula.

Ang pabula ay tumutukoy sa pang-araw-araw na buhay sa daigdig (maliban sa pagsasalita ng


mga hayop), ang mga suliranin ay nilulutas hindi ng mga kababalaghan, na tulad ng mga
kwentong engkantada, kundi sa pamamagitan ng mapanusong paraan, paghahanda, o sa
pamamagitan ng matalinong gawa na katulad ng tao sa kanilang paglutas ng suliranin. Ang
pabula ay kinapupulutan rin ng iba't ibang magagandang aral na maaring maisabuhay ng
mambabasa. Ang mga aral na ito ay nagiging batayan sa kabutihan.
Halimbawa:

“Ang Kuneho at ang Pagong”


(hango sa The Tortoise and the Hare ni Aesop)

Isang hapon, nagkita si Pagong at si Kuneho sa daan. Biniro ni Kuneho si Pagong sa kanyang
maliliit na paa na naging dahilan kung bakit napakabagal niyang maglakad.

Nainsulto si Pagong sa mga biro ni Kuneho. Sa kagustuhan ni Pagong na patunayang mali si


Kuneho sa kanyang mga paratang, hinamon niya si Kuneho at nagsabing, “Kung gusto mong
subukin ang aking kakayahan, bakit hindi natin daanin sa isang paligsahan. Maaaring mabilis ka
subalit malakas naman ang aking resistensya,” ang hamon ni Pagong.

“Anong paligsahan ang nais mo?” tanong ni Kuneho.

“Kung gusto mo ay unahan na lang tayong makarating sa tuktok ng ikatlong bundok,” sagot ni


Pagong.

Nagalak si Kuneho sa hamon ni Pagong. Tiwala sa sariling magagapi niya si Pagong sa paligsahan.
Bawat isa sa kanila ay nangumbida ng kanilang mga kaibigan upang saksihan ang kagila-gilalas na
paligsahan.

Kinabukasan, umagang-umaga, marami ang nagsidalo. Dumating ang kalabaw na minsan na ring
nakalaban ni Pagong, ang kabayo, baboy, palaka, bibe, manok, aso, pusa, kambing, baka, pato,
lawin, usa, baboy ramo at marami pang iba. Hindi, magkamayaw ang mga hayop sa kasiyahan.
Noon lang sila makakapanood ng ganoong klaseng labanan.

Ang unggoy ang nagbigay-hudyat ng pasimula ng paligsahan.


Sa pasimula pa lang ay naiwan na nang malayo si Pagong. Halos hindi na makita ni Kuneho si
Pagong dahil sa kalayuan ng kanilang pagitan.
Narating ni Kuneho ang tuktok ng ikalawang bundok. Hindi na niya matanaw si Pagong.

“Ah, mabuti pa ay mamahinga muna ako. Malayo pa naman si pagong.“

Napakalayo ng agwat naming dalawa.” ang sabi ni Kuneho sa kanyang sarili.


Naupo si Kuneho sa ilalim ng isang puno. Nang dahil sa kapaguran, hindi niya namalayang siya ay
naidlip.

Samantala, si Pagong ay nakarating sa tuktok ng ikalawang bundok nang magtatanghali.


Inabutan pa niya si Kunehong naghihilik. Himbing na himbing si Kuneho. Dala marahil ng
kanyang kapaguran.

Magdadapit-hapon na nang matanaw ni Pagong ang rurok ng ikatlong bundok. Malapit na siya.

Noon palang nagising si Kuneho. Tinanaw niya ang ibaba ng bundok sa pag-aakalang nandoon pa
rin si Pagong subalit wala pa rin. Sinimulan na niya muling tumakbo. Takbong walang pahinga.
Laking gulat niya ng abutan niya si Pagong sa ituktok ng ikatlong bundok na namamahinga na.
Hiyawan ang lahat ng hayop. Lahat sila ay bumati kay Pagong.

Si Kuneho naman ay hiyang-hiya sa pangyayari. Humingi siya ng paumanhin kay Pagong sa


ginawa niyang pang-iinsulto. Simula noon ay nagging halimbawa na ng mga hayop na hindi
dapat maliitin ang kanilang kapwa.
E. PAGLALAPAT
Gabay na Tanong:
1. Anong katangian meron sina Pagong at Kuneho?
2. Ano ang dahilan bakit hinamon ni Pagong si kuneho magkarera?
3. Bakit natalo sa karera si Kuneho?
4. Anong meron kay Pagong na wala kay Kuneho?
5. Anong aral ang makukuha sa kuwento?

F. PAGLALAHAT

Aral ng Pabula

Huwag maliitin ang mga kalaban dahil sa tingin mo’y ikaw ang nakalalamang. Huwag susuko
kaagad, sapagkat sa huli’y makararating ka rin sa hulihan. “Slow and steady wins the race.”

IV. PAGTATAYA
 Kukuha ang mga estudyante ng papel upang doon isulat ang kanilang repleksyon.
Bibigyan lamang ng dalawampung (20) minuto para sumagot.

 Gumawa ng repleksyon tungkol sa nabasang pabula na pinamagatang, “Ang Kuneho at


ang Pagong”.

V. TAKDANG ARALIN
 Sa isang buong bondpaper, gumuhit ng isang scenario basi sa nabasang pabula.

You might also like