You are on page 1of 2

Banghay Aralin Para sa ika-apat na baitang

I.Layunin

Sa loob ng 60 minuto ang mga mag aaral ay inaasahang:

a. Ang mga mag-aaral ay inaasahang matutukoy ang mga elemento ngpabula.

b.Ang mga mag-aaral ay inaasahang Nakasasagot sa mga tanong tungkolsa kwentong napakinggan

c.Naibibigay ang susunod na mangyayari sa kuwento batay sa tunay na pangyayari, pabula, tula, at
tugma*

F2PN-Ie-9 F2PN-IIi-9 F2PN-IIIg-9-

II.Paksang Aralin:

Mga Elemento ng Pabula

“Ang Kuneho at ang Pagong ” author at pahina

Kagamitan: Cartolina, clipboard, mga larawan ng hayop" malaking libro

Pagpapahalaga: Ang pagsisikap ayginagantimpalaan at ang pabaya aypinarurusahan

Estratehiya:Masining na pagkukwento

III.Pamamaraana.

Panimulang gawain- Pambungad na panalangin-Pagtukoy sa liban sa klase-pag sasaayos sa klaseb.

Pagganyak

i. May bagay na ipapasa-pasa kasabay sa saliw ng musika" at kapagito$y huminto" ang estudyanteng
may hawak ng bagay na iyon aytatanungin patungkol nakaraang leksyon.

ii.Itanong sa klase kung anong hayop ang nakikita at naririnig nila.

iii.Sino-sino ang mahilig sa hayop

iv.Sino- sino ang mahilig makinig ng kwento

v. Itanong kung alam nila ang pabula

vi.ipakita ang malaking libro habang nagkukwento kasabay ang mgaboses ng tauhan.

vii.Magtanong ng mga bagay tungkol sa kwentong narinig.

C. Paglalahad
Koneksyon ng pagganyak sa paksa

D. Pagtatalakay sa paksa

Pabula - Ang karaniwang pabula ay kuwento kung saan mga hayop ang gumaganapat ang mga hayop na
ito ay kumikilos at nagsasalita na tulad ng tao.Madalas na inilalarawan ng pabula ang dalawang hayop na
may magkaibang ugali atnagwawakas ang kuwento na nagwawagi ang may mabuting ugali. Nag-iiwan
ito ngaral sa mambabasa.Ang pabula ay tumutukoy sa pang-araw-araw na buhay sa daigdig (maliban
sapagsasalita ng mga hayop). Sa pabula, ang mga suliranin ay nilulutas hindi ng mgakababalaghan, na
tulad ng mga kuwentong engkantada, kundi sa pamamagitan ngmapanusong paraan, paghahanda, o sa
pamamagitan ng matalinong gawa nakatulad ng tao sa kanilang paglutas ng suliranin.Sa pabulang “Ang
Kuneho at Pagong”, naunahan ng pagong ang kuneho dahil sakanyang matiyaga at patuloy na
paglalakad.

Ipaliwanag ang mga iba't-ibang element ng Pabula.

i.Pamagat -tumutukoy sa pamagat ng kwentoii.

Tauhan - ay mga hayop o mga bagay na walang buhay nagumaganap sa kwento.iii.

Tagpuan - ito ay lugar kung saan nagtatagpo ang mga tauhan.i'.

Banghay -sunod-sunod na pangyayari ng kwento'.

Aral ng kwento - ito ay ang mga magandang aral na atingmapupulot sa pagbabasa ng mga pabula.

E. Paglalagom#Paglalahat-

Ano ang Pabula?1

Ano ang mga gumaganap sa isang pabula?

Anu-ano ang mga elemento ng pabula?

F. Pagtataya

Itapat o idikit ang mga mabubunot na salita batay sa kung anong uri ng elemetong pabula sila na
aangkop.

IV. Takdang Aralin- date o dealine' author' book and page.

Magbasa ng isang uri ng pabulang gusting gusto mo. Suriin ang mgaelemento ng pabula at ipaliwanag
ang aral ng kwntong nabasa

You might also like