You are on page 1of 4

Banghay-aralin sa MTB-MLE 3

Unang Markahan
Pangatlong Linggo
(Unang araw)
I. Layunin
- Pagpapakita ng pag-unawa sa mga tekstong pampanitikan at
pang-impormasyon sa antas ng baitang.
II. Paksang Aralin
A. Paksa: Mga Elemento ng kwento
1. Pabigkas na Wika: Pakikinig nang mabuti sa kwentong
babasahin.
2. Kaalaman sa Kwento: Naibibigay ang wastong
pagkakasunod-sunod ng 3 - 5 pangyayari sa isang
kwento.
3. Kaalaman sa mga Elemento ng Kwento: Pagtukoy sa
iba’t ibang elemento ng kwento.
B. Sanggunian: K to 12 Curriculum
Pahina: 15 - 17
C. Mga Kagamitan: Isang Maikling Kwento.
D. Pagpapahalaga: Nagpapahayag ng pagmamahal sa mga
kwento at iba pang mga teksto sa pamamagitan ng pag-browse
sa mga aklat na binasa sa kanila at paghiling na basahin pa ang
mga kwento at teksto.
III. Pamamaraan:
1. Balik-aral:
Pangngalang di-pamilang(Mass Nouns) mga
pangngalang di nabibilang ng isa-isa at Pangngalang
pamilang(Count Nouns) mga pangngalang nabibilang ng
isa-isa.
2. Paghahawan ng balakid:
Magbibigay ang guro ng mga halimbawa ng mga
kwentong pambata. Magtatanong ang Guro ng mga tanong
tungkol sa mga kwento at ibibigay ng mga mag-aaral ang mga
sagot.
Halimbawa: Si Pagong at si Kuneho, Si Langgam at si
Tipaklong, Ang Alamat ng Pinya, Juan Tamad, Ang Tatlong
Baboy
3. Pagganyak:
Pagsasalaysay: Si Pagong at si Kuneho
4. Pagganyak na tanong: Itanong sa mga bata:
"Sino ang mananalo sa paligsahan ng bilis? Si Kuneho
ba o si Pagong?"
Tanong Hulang Tanong Tamang Sagot:
Itala ang mga hulang sagot ng mga bata batay sa sariling
karanasan.
5. Paglalahad:
Pagbasa ng Kwento
Babasahin ng guro ang kwento. Tingnan ang kwento sa
tsart. "Ang Bata at ang Aso"
Makikinig nang mabuti ang mga bata.
6. Pagtalakay:
7. Paglalahat:
Ano ang pamagat ng kwento?
Sino sino ang mga tauhan sa kwento?
Saan naganap o nangyari ang kwento?
Ano ang madalas ginagawa ni Boyet at ni Tagpi?
Ano ang ginawa ni boyet sa asong kanyang nakita?
Ano ang iyong natutunan mula sa kwento?
(Itala ang mga sagot ng mga bata batay sa sariling
karanasan.)
8. Pangkatang Gawain:
Lahat ng Pangkat - "Artista ka ba?"
Isalaysay ang Kwentong “Ang Bata at ang Aso” batay sa
kanilang naalala.
IV. Pagtataya:
Panuto: Isulat ang Tama kung ang pangungusap ay nagsasabi
ng katotohanan at Mali kung hindi..
1. Ang Kwento ay may limang elemento.
2. Sumasagot sa tanong na “Sino” ang Tauhan.
3. Ang Pangyayari ay ang mga sunod-sunod na kaganapan sa
kwento.
4. Sumasagot sa tanong na “Saan” at “Kailan” ang Tagpuan.
5. Ang Tagpuan ay ang mga tao, bagay, o hayop na gumanap
sa kwento.
V. Takdang Aralin:
Sumipi ng kwentong nabasa at ibigay ang detalye nito sa
pamamagitan ng isang graphic organizer. Gawin ito sa kwaderno.
Created by : Efrain M. Escosura
BSED - E Student

You might also like