You are on page 1of 3

Banghay Aralin sa Filipino

I. Layunin:

Pagkatapos ng aralin, inaasahan ang mga mag - aaral na:

a. Nalalaman ang kahulugan ng maikling kwento at


b. Natutukoy ang mga sangkap ng maikling kwento
c. Naipadama ang kahalagahan ng mga sangkap ng maikling kwento

II. Paksang Aralin


a. Pamagat -  " Maikling kwento at mga sangkap nito "
b. Sanggunian - Wika at Panitikan para sa Mataas na paaralan nina Ailene G. Baisa ,
julian Nestor S. Lantoc at Mary Grace G. Del. Rosario Ikalawang Edisyon (Pahina 43 -46)
c. Kagamitan - Cartolina , Color paper

III. Pamamaraan/Proseso ng Pagkatuto


A. Paghahanda ng Panalangin
B. Kaayusan ng Silid-aralan
C. Pagtala sa Lumiban
D. Pagganyak
Paglalaro ng "jumble words " na may kinalaman sa tatalakaying paksa.
Panuto: Buohin ang mga ginulong letra para maging isang salita
1. Utahan
2.puantag
3.angbhay
4.Panalitana
5.emat
Itanong:
1. Ano ang napapansin mo sa mga nabuong salita?
2. May ideya k aba tungkol sa mga ito?

E. Paglalahad
Ano ang maikling kwento?
Ano-ano ang mga sangkap nito?
Tama!, ang tatalakayin natin ngayon ay tungkol sa Maikling Kwento.

F. Pagatatalakay

Ang Maikling kwento ay isang masining  na anyo ng panitikang may isang kariktalan.
Ang paglalarawan at paglalahad dito ay madali , maikli at masining kayat sa isang upuan o sa
sandaling panahon lamang ay agad itong matutunghayan, mababasa at kapupulutan ng
pananabik , aliw , at maging - aral
Ayon kay Edgar Allan Poe , ang tinaguriang Ama ng Maikling kwento , ito ay isang
akdang pampanitikang likha ng guni - guni at bungang - isip na hango sa isang tunay na
pangyayari sa buhay.
Anu- ano ang mga sangkap ng Maikling kwento?
Ano ang kahulugan ng mga ito ?
Tauhan - Tumutokoy sa pangunahing tauhan at ang iba pang masasangkot sa mga pangyayari sa
kwento.
Tagpuan- ito ang pinangyayarihan ng kwento Kasama na ang panahon kung kailan ito naganap
Banghay - Tumutokoy sa pagkasunod - sunod ng mga pangyayari sa kwento  
Pananalita - ito ang buhay at diwa ng mha tauhan at ng mga pangyayari sa kwento
Tema - ito ang paksa o kaisipang hangad na  maibahagi ng manunulat sa mga mambabasa

G.Paglalahat
Ano ang kahulugan Ng Maikling kwento?
Anu - ano ang mga sangkap ng Maikling kwento?
Ano ang kahalagahan ng maikling kwento sa ating buhay?
IV Ebalwasyon/ Assessment

Panuto: Ipabasa ang Maikling kwento ng may Pamagat na Ang Punong Kawayan.

1-5   Ibigay ang mga sangkap ng maikling kwento.


6-10  Sinu - sino ang mga tauhang nabanggit sa kwento?
11-15.  Ano ang mga aral o mabuting asal na inyung nakuha sa kwento?

VI. Takdang Aralin

Magbasa ng isang uri ng maikling kwentong gusto - gusto mo Gumawa ng buod hingil
dito saka ipaliwanag sa papel kung bakit ito ang paborito mong uri ng kwento
 

Inihanda ni:

Bb. Geraldine S. Cernal

You might also like