You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

LEYTE NORMAL UNIVERSITY

College of Education

Tacloban City, Leyte

DI-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 9

I. Layunin:

a. Maipapaliwanag ang kahulugan ng Maikling Kwento

b. Nasusuri ang mga bahagi o Elemento ng Maikling Kwento

c. Maipapahayag ang sariling karanasan sa pamamagitan ng paggawa ng


Maikling Kwento

II. Nilalaman

Paksang Aralin : Maikling Kwento

Kagamitang Panturo

A. Sanggunian

1. Mga Kagamitan mula sa Learning Resources: aklat, pentel pen, manila


paper, projector, PPTSlides, Rubrics, at iba pa.

2. Mga pahina na Gabay ng Guro: pahina 160 ng 190 mula sa F9PN-Ia-b-39


K to 12 Filipino Gabay Pangkurikulum Mayo 2016.

III. Pamamaraan

A. Balik-Aral
Mga Pang-araw-araw na Gawain
 Panalangin
 Pagbati

99
 Pagtala ng liban
 Pagpuna sa kalinisan ng silid aralan

Ang Guro ay magtatanong kung ano ang itinilakay noong nakaraan.

B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin


1. Pagganyak
Ang guro ay pagpapabuo ng mga salita, ang mga salitang ito ay mga Elemento ng Maikling
kwento.
1. HANTUAN - TAUHAN
2. ATAGUPN - TAGPUAN
3. HBAGANY - BANGHAY
4. PUAAHANN - PANAUHAN
5. GGALATIUAN - TUNGGALIAN

C. Pagtalakay
Ang guro ay itatalakay kung ano ang kahulugan ng Maikling kwento.

Ang Maikling kwento ay isang anyo ng panitikan na may layuning magsalaysay ng mga
pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan. Nag-iiwan ito ng isang diwa sa isip ng mga
mambabasa.
Ang guro ay tatawag ng isang mag-aaral na magbabasa ng kahulugan ng Maikling Kwento.

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglahad ng kasanayan #1


Gawain 2. Ibahagi mo!

Ang guro ay magbibigay ng halimbawa ng Maikling Kwento na pinamagatang “Si Langgam


at Si Tipaklong”

Sa isang buong papel ang mag-aaral ay susuriin ang kwentong ibinigay ng guro gamit ang
mga elemento ng Maikling Kwento.

Ang bawat mag-aaral ay ibibigyan ng pagkakataon na magbahagi ng kanilang nagawang


pagsusuri sa kwento ng “Si Langgam at Si Tipaklong”

100
E. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Formative Assessment)

Gawain 3. Talento, Ipakita Mo!


Ang guro ay papangkatin ang buong klase sa tatlong pangkat upang isadula ang mga bahagi
ng Maikling Kwento na “Si Langgam at Si Tipaklong”.

Mayroong ibibigay ang guro ng kapiraso ng papel, kung saan sa loob nito ay mayroong
nakasulat na mga bahagi ng Maikling Kwento.

Ang bawat pangkat ay bibigyan lamang ng labing limang minuto upang maghanda at limang
minuto para sa presentasyon.

RUBRIK PARA SA PRESENTASYON

Pagiging malinaw at 10
Organisado

Pagiging malikhain 10

Nauugnay sa paksa 10

Kabuoang Puntos 30

F. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay

Sa pamamagitan ng Venn diagram tutukuyin ng mga mag-aaral ang mga katangian ng pangunahing
tauhan na sina “Si Langgam at Si Tipaklong” at sa gitna naman ay ilalagay ang pagkakatulad nila sa
kwento.

G. Paglalapat ng Aralin

101
Bilang isang mag-aaral, bakit mahalaga ang pagiging masipag at matiyaga katulad ni
Langgam at paglalaan ng oras sa sarili katulad ni Tipaklong?

H. Pagtataya ng Aralin

PANUTO: Basahing mabuti ang bawat tanong at isulat ang tamang sagot sa patlang.

1. Ano ang isang maikling kwento?


a. Isang mahabang kuwento
b. Isang kuwentong may maraming mga bahagi
c. Isang kuwentong may maikling haba at may isang pangunahing pangyayari
d. Isang kuwentong walang wakas

2. Ano ang mga pangunahing bahagi ng maikling kwento?


a. Tagpuan, mga tauhan, banghay, wakas
b. Pambungad, gitna, wakas
c. Simula, kalagitnaan, wakas
d. Pagsisimula, suliranin, resolusyon

3. Ano ang tagpuan sa isang maikling kwento?


a. Ang pinagmumulan ng kuwento
b. Ang pinag-uusapan ng mga tauhan
c. Ang pangyayari sa gitna ng kuwento
d. Ang wakas ng kuwento

4. Ano ang mga tauhan sa isang maikling kwento?


a. Mga lugar na pinuntahan ng mga tauhan
b. Mga pangyayari sa kuwento
c. Mga karakter na naglalarawan sa kuwento
d. Mga pag-uusapan ng mga tauhan

5. Ano ang banghay sa isang maikling kwento?


a. Ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
b. Ang tema o mensahe ng kuwento

102
c. Ang mga lugar na pinuntahan ng mga tauhan
d. Ang mga pag-uusapan ng mga tauhan

6. Ano ang wakas sa isang maikling kwento?


a. Ang pinakapangyayari sa kuwento
b. Ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
c. Ang pinakamahalagang bahagi ng kuwento
d. Ang katapusan o resolusyon ng kuwento

7. Ano ang tema sa isang maikling kwento?


a. Ang lugar kung saan nagaganap ang kuwento
b. Ang pangyayari sa gitna ng kuwento
c. Ang pangunahing ideya o mensahe ng kuwento
d. Ang mga karakter na naglalarawan sa kuwento

8. Ano ang ibig sabihin ng "Langgam at Tipaklong"?


a. Isang kwento tungkol sa mga langgam at tipaklong
b. Isang pangyayari sa gitna ng kuwento
c. Isang lugar kung saan nagaganap ang kuwento
d. Isang tema o mensahe ng kuwento

9. Ano ang kahulugan ng kuwento ni "Langgam at Tipaklong"?


a. Ang pagkakaibigan ng langgam at tipaklong
b. Ang paglalakbay ng langgam at tipaklong
c. Ang pakikipagkumpetensya ng langgam at tipaklong
d. Ang pagtutulungan ng langgam at tipaklong

10. Ano ang natutunan mo sa kuwento ni "Langgam at Tipaklong"?


a. Mahalaga ang pagtutulungan at pagkakaisa
b. Mahalaga ang pagiging malakas at matapang
c. Mahalaga ang pagkakaroon ng maraming kaibigan
d. Mahalaga ang pagiging mapagmahal sa kapwa
Susing sagot:

103
1. C
2. A
3. A
4. C
5. A
6. D
7. C
8. D
9. C
10. A

I. Takdang Aralin

Pag-unawa sa mga aral na nakapaloob sa pabula. Isa sa mga mahalagang aspeto ng pag-aaral
ng pabula ay ang pag-unawa sa mga aral na ibinahagi nito.

A. Mag-analisa at pagpapaliwanag ng mga aral na matutuhan mula sa mga Maikling


Kwento na napag-aralan.

J. Pagtatapos
1. Ang bawat tinalakay ay babalikan ng guro upang malaman kung mayroong natutuhan ang
mga mag-aaral.
2. Magbibigay-pugay sa mga mag-aaral sa lahat ng nagbahagi na may kinalaman sa
Maikling Kwento.
3. Ang guro ay magpapaalam sa mag-aral, bilang pagtatapos ng klase.

104

You might also like