You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

LEYTE NORMAL UNIVERSITY

College of Education

Tacloban City, Leyte

DI-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 9

I. Layunin:

a. Maipapaliwanag ang kahulugan ng Pabula

b. Nasusuri ang mga tauhan at pangyayari sa pabula.

c. Makabubuo ng sariling pabula.

II. Nilalaman

Paksang Aralin : Pabula

Kagamitang Panturo

A. Sanggunian

1. Mga Kagamitan mula sa Learning Resources: aklat, pentel pen, projector,


PPTSlides, Rubrics, at iba pa.

III. Pamamaraan

A. Balik-Aral
Mga Pang-araw-araw na Gawain
 Panalangin
 Pagbati
 Pagtala ng liban
 Pagpuna sa kalinisan ng silid aralan

105
Ang Guro ay magtatanong kung ano ang itinilakay noong nakaraang linggo.

B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin


1. Pagganyak
Ang guro ay magpapakita ng larawan ng mga tauhan sa pabula at ipapakita ang mga ito sa
mga mag-aaral.
Ang guro ay magtatanong kung alam nila ang pabulang naipakita at kung ano ang kanilang
alam tungkol dito.

C. Pagtalakay
Ang guro ay itatalakay kung ano ang kahulugan ng Pabula. Na kung saan ito ay anyo ng
panitikan na kadalasang mayroong mga hayop bilang karakter na nagpapakita ng mga
katangian at pag-uugali ng mga tao.Ito ay karaniwang mayroong isang moral na aral na
ibinabahagi sa pamamagitan ng mga pangyayari sa kuwento.

Ang guro ay pipili ng isang mag aaral na magbabasa ng pabula at babasahin ito ng malakas
para marinig ng lahat.

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglahad ng kasanayan #1


Gawain 2. Ibahagi mo!

Pagkatapos basahin ng mag aaral ay magkakaroon ng Gawain kung saan Itatanong ng guro
ang mga sumusunod na katanungan:

a. Ano ang nangyari sa pabula?

b. Sino ang tauhan sa pabula?

c. Ano ang mga katangian ng bawat tauhan?

d. Ano ang aral na matutunan sa pabulang binasa na “Si Pagong at si Matsing”?

Ang bawat mag aaral ay kukuha ng Isang buong papel para isulat ang sagot ng bawat
katanungan.

E. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Formative Assessment)

106
Gawain 3. Pagsulat, Isalaysay Mo!
Ang guro ay magbibigay ng gawain sa mga mag-aaral na kung saan gagawa ang bawat mag
aaral ng sariling pabula na mayroong aral na matutunan.

Ang layunin sa pagbuo ng pabula ay maaring sumasalamin sa mga sumusunod:

1. Pagtuturo ng Moral na Aral

2. Pagpapakita ng Kaugalian o pag-uugali

3. Pagbibigay Inspirasyon

4. Pagpapahalaga ng Kultura at Tradisyon

Ang mag-aaral ay malayang pumiling ng kanilang layunin sa paggawa ng Pabula ang


mahalaga ay naglalayon ito na magbigay ng aral, impormasyon, inspirasyon, o pagpapalawak
ng kaalaman at kaisipan ng mga mambabasa.

F. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay

Pag-uugnay ng Karakter sa Sariling Pagkatao:

Ang guro ay hihikayatin ang mag-aaral na pag-isipan kung aling karakter sa kwento ang
pinakamalapit sa kanilang sariling pagkatao. Paano sila nagiging katulad o kaiba sa mga
katangian ng mga karakter na sina Pagong at Matsing?

Ang mag-aaral ay magbabahagi ng kanilang katangian na mahahabing sa mga karakter


(halimbawa : nagpapakita ng pagiging matiyaga katulad ni Pagong o ang pagiging maalam
katulad ni Matsing.)

G. Paglalapat ng Aralin

Naniniwala ba kayo na ang taong matapat at totoo ay magtatagumpay sa bawat aspeto ng


kanyang buhay?

107
H. Pagtataya ng Aralin

PANUTO: Basahing mabuti ang bawat katanungan at piliin ang litra na nagsasaad ng
tamang sagot.

1. Ano ang uri ng Panitikan ang akdang “Si Pagong at Matsing”?

a. Pabula

b. Maikling kwento

c. Nobela

d. Tula

2. Sino ang nagsulat ng Pabulang ito?

a. Jose Rizal

b. Andres Bonifacio

c. Jose Corazon de Jesus

d. Aesop

3. Ano ang aral na makukuha mo mula sa pabulang “Si Pagong at Matsing”?

a. ang taong may takot sa Diyos ay nagtatagumpay

b. ang taong matalino ay laging nanalo

c. ang taong mapagpanggap ay hindi karapat-dapat sa tagumpay

d. ang pagkakaisa ay mahalaga sa pag-abot ng pangarap.

4. Ano ang ginawa ni Matsing upang malampasan si Pagong sa Paligsahan?

a. Nagpanggap siyang malakas at mabilis

b. Nagpatuloy siyang magtrabaho nang mabuti

c. Naghanda siya ng mas maraming pagkain

d. Nagtulungan sila ni Pagong upang manalo.

5. Ano ang ginawa ni Pagong nang malaman niyang sinungaling si Matsing?

a. Nagalit siya at lumayo kay Matsing

108
b. Nagpatuloy siya sa paligsahan nang walang reklamo

c. Nagplano siya ng paghihiganti kaymatsing

d. Nagtulungan silang dalawa upang maging malakas at mabilis

6. Bakit mahalaga maging tapat at totoo sa pabula?

a. Dahil ito ang tanging paraan upang manalo sa paligsahan

b. Dahil ito ang nagbigay ng tagumpay sa mga pangarap

c. Dahil ito ang nagpapakita ng tunay na pagkatao ng isang tao

d. Dahil ito ang nagbibigay ng kagandahang asal sa isang indibidwal

7. Ano ang katumbas ng salitang “mapagpanggap” sa ingles?

a. Honest

b. Brave

c. Pretendious

d. Generous

8. Ano ang pangunahing mensahe ng pabula?

a. Ang taong matapat at totoo ay nagtatagumpay

b. Ang taong matalino at maliksi ang mga kilos ay magwawagi

c. Ang pagkakais at pagtutulungan ng mahalaga sa pag-abot ng mga pangarap d.


Ang taong mapagpanggap at sinungaling ay hindi karapat-dapat sa tagumpay.

9. Ano ang ginawa ni Pagong upang patunayan ang kanyang katapatan sa paligsahan?

a. Nagpanggap siyang mabilis at malakas

b. Nagtulungan sila ni Matsing upang manalo

c. Nagpatuloy siyang magtrabaho nang maigi

d. Nagplano siya ng paghihiganti kay Matsing

10. Ano ang sinabi ni Matsing ng malaman niyang natalo siya sa paligsahan?

a. Magaling ka talaga, Pagong!

109
b. Hindi ako naniniwalang natalo ako

c. Hindi tama ang paligsahang ito!

d. Sadyang mas mabilis at malakas ka lang talaga!

Susing sagot:

1. A

2. D

3. C

4. A

5. C

6. A

7. C

8. A

9. D

10. A

I. Takdang Aralin

Pag-unawa sa mga aral na nakapaloob sa pabula. Isa sa mga mahalagang aspeto ng pag-aaral
ng pabula ay ang pag-unawa sa mga aral na ibinahagi nito.

A. Mag-analisa at pagpapaliwanag ng mga aral na matutunan mula sa mga pabula na


napag-aralan.

J. Pagtatapos
1. Balikan ang mga natutuhan sa leksiyon.
2. Magbibigay-pugay sa mga mag-aaral na nakihalok sa bawat aralin.
3. Ang guro ay magpapaalam sa mag-aral, bilang pagtatapos ng klase.

110
111

You might also like