You are on page 1of 5

Banghay Aralin sa

Filipino Baitang VI SSES


Sta. Ana Central Elementary School
R. Magsaysay Ave. Davao City
I.

Layunin
 Nailalahad ang kahulugan ng pangatnig na paninsay
 Natutukoy ang mga halimbawa ng pangatnig na paninsay sa isyung
napakinggan
 Nakakasulat ng mga pangungusap na may pangatnig na paninsay

II.

Paksang Aralin
Paksa: Pagtukoy sa mga nagsasalungatang impormasyon sa isyung
napakinggan.
Sanggunian: Ang Sulo – Aklat sa Filipino VI
Kagamitan: mga larawan,
Balita galing sa internet o dyaryo
Visual aids
Pagpapahalaga: Pagbibigay halaga sa mga taong may Disabilities

III.

Pamamaraan
A. Pangunahing Gawain
a. Pagbabalik-aral
-Ano ang balangkas?
-Ano ang tatlong uri ng balangkas?
B. Pagganyak
1. Magbigay ng kakalasan at kalamangan ng sumusunod na konsepto:
a. Pagpapasara ng minahan sa bansa
b. Malawakang digmaan kontra droga
c. Pokemon Go phenomenon
2. Isulat sa pisara ang mga isyu sa pangungusap.
C. Paglalahad
1. Una sa lahat ay bigyang kahulugan ang pangatnig. Ang pangatnig ay
tawag sa mga salitang nag-uugnay sa dalawang salita o sugnay na
pinagsusunud-sunod sa pangungusap.
2. Maraming uri ng pangatnig at kabilang doon ang pangatnig na
paninsay.
3. Tingnan ang mga unang pangungusap sa pisara, tapos ang
pangalawa. Pansinin ang salitang dinugtong. Ano ang inyong
napansin? Ang mga pangungusap ay mayroong pangatning kung saan
ang unang bahagi ay sinasalungat sa ikalawang bahagi. Ang salitang
pandugtong na iyon ay tinatawag na pangatnig na paninsay.
4. Halimbawa ng mga salitang gamit ay: ngunit, datapwat, bagama’t
subalit, habang, at kahit.
5. Para sa pagsasanay, atasan ang mga mag-aaral na lumikha ng
pangungusap gamit ang pangatnig na paninsay. Isulat ang mga ito sa
pisara.
D. Paglalahat
 Ang pangatnig na paninsay ay isang salitang inuugnay sa dalawang
pagsasalungatang impormasyon o sugnay.
 Halimbawa nito ay, ngunit, kahit, subalit, habang at datapwat.
 Ano ang kahalagahan ng mga salitang ito bilang isang mag-aaral?
IV.

Pagtataya
 Magpakita ng mga 5 larawan sa klase. Bigyan ng maingat na
obserbasyon ang mga ito.
 Gumawa ng isang paksa o slogan na may magkasalungat na ideya.
 Halimbawa:

Posibleng sagot: “Salat man sa ginhawa ngunit mayaman sa kaalaman.”


 Matapos bigyan ng obserbasyon ay maari din nilang ipaliwanag ang kanilang
slogan. Limitahan lamang ang bilang nang pagbabahagi sa klase.
V.

Takdang Aralin
Sa mga larawang ipinakita sa klase, alin sa mga iyon sa iyong sariling
pananaw ang pinakamalubhang isyu na dapat bigyang-pansin? Ano ang
iyong tungkulin bilang mag-aaral upang mkatulong sa isyu? Gumawa ng
reflection sa isa’t kalahating papel.
Banghay Aralin sa
Filipino Baitang VI SSES
Sta. Ana Central Elementary School
R. Magsaysay Ave. Davao City
I.

Layunin
 Natutukoy ang katuturan sa kwentong binasa
 Naisasalaysay ang sariling karanasan sa mga pangyayari
 Nabigbigyang-halaga ang mga pamana ng ating pamilya material man o dimateryal

II.

Paksang Aralin
Paksa: Pag-uugnay sa Sariling Karanasan ng mga Pangyayari.
Sanggunian: Ang Sulo – Aklat sa Filipino VI pahina 13-16
Kagamitan: Manila paper, kagamitan pangguhit at pangkulay, marker at
libro sa Filipino IV
Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa alinmang pamanang iniwan, maliit man o
malaki.

III.

Pamamaraan
A. Pangunahing Gawain
May bagay na ipapasa-pasa kasabay ng saliw ng musika at kapag ito’y
huminto, ang mag-aaral na may hawak ng bagay na iyon ay tatanungin
patungkol sa nakaraang leksyon.
B. Pagganyak
Itanong sa klase:
a. Anu-anong mga bagay na makikita sa inyong tahanan na…
 luma na ay nagagamit pa rin?
 luma at di nagagamit ngunit di maitapon-tapon?
b. Bakit kaya nanatili parin ang mga kagamitan sa kabila ng kalumaan
ng mga ito?
Ang mga sagot ng mga mag-aaral ang magdadala sa guro sa panibagong
aralin.
C. Paglalahad
1. Basahin ang kwento na pinamagatang “Pamanang Walang
Katumbas na Halaga”
2. Gawing sabayan ang pagbasa o hati-hatiin ang pagbasang patalata sa bawat
pangkat.
3. Itanong sa klase: Magbigay ng isang salita sa kwento na nagbigayantig sayo.
Ibahagi sa klase
4. Mga sagot nila ay maaring maghantong sa kaisipang “mana” o
“pamana”.
5. Magbahagi ng mga materyal at di-materyal na pamana.
6. Ano naman ang aral na makukuha natin sa kwento?
7. Bilang isang mag-aaral, marami tayong nababasang kwento.
Madalas sa mga kwentong binasa ay katulad ng ating karansan. Sa
katatapos na kwentong binasa, may pangyayari bang katulad o
kaugnay ng iyong karanasan?
D. Paglalahat
 Pangunahing manggaling sa mga mag-aaral ang buod ng leksyon.
 Ang katuturan na makukuha sa kwento ay maaring kabilang sa
sumusunod:
o Pangalagaan ang pamana na binigay sa atin ng ating mga
kapamilya o kanunoan.
o Ang pamana ay maaring magsilbing alaala sa taong nagbigay
o Ang kultura ay dapat pagyamanin at huwag pabayaan.
o Mas nakaaliw magbasa kapag ang kwento ay maaring maugnay
sa sariling karanasan
IV.

Pagtataya
“Ang Aking Natatanging Pamana”
 Binubuo ng apat na pangkat.
 Sa isangkapat (1/2) na Manila paper, gumuhit ng isang natatanging
bagay o kultura (material man o di material) na iyong maipapana sa
iyong mga anak o apo.
 Maging malikhain sa pagguhit ng iyong natatanging pamana
 Matapos gumuhit ay dugtungan ang pahayag: “Nais kong ibigay itong
natatanging pamana dahil…” at isulat sa ibaba ng ginuhit na bagay.
 Matapos ang 15-20 ang bawat grupo ay maghahalad at magbabahagi
ng kanila ginawa
 Ang mga criteria sa aktibidad na ito ay nababatay sa:
o Kaayusan ng mensahe – 50%
o Creativity sa pagguhit – 30%
o Presentasyon – 20%

V.

Takdang Aralin
Magsaliksik ukol tradisyong Pilipino na galing sa ibang bansa. Magbigay na
isang halimbawa. Isulat sa isang buong papel.

You might also like