You are on page 1of 7

Masusing Banghay-Aralin sa

Pagtuturo ng Wika sa Filipino III


I. Layunin:
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. napaghahambing ang dalawang uri ng pang-uri;
B. nauuri ang mga pang-uri sa lunsaran;
C. nakabubuo ng talatang ginagamitan ng pang-uring pamilang at palarawan;
D. aktibong nakikibahagi sa talakayan at mga gawain.
II. Paksang-Aralin
A. Paksa: Uri ng Pang-uri
B. Sanggunian: Metalinggwistik na Pagtatalakay sa Filipino, pp. 119
C. Kagamitan: Graphic Organizer, larawan, sipi ng isang sanaysay
III. Pamaraan (Pabuod)
Gawaing-Guro

Gawaing-Mag-aaral

A. Panimulang Gawain
1. Balik-Aral
Klas, kahapon ay ating tinalakay ang
tungkol sa salitang naglalarawan.
Ngayon ay narito ang dalawang
pangungusap.
Basahin nga ang mga ito.
(Babasahin)
Ang dalaga ay maganda.
Kulot ang buhok ni Lhea.
Ngayon klas, ay tukuyin nga ang mga
salitang naglalarawan, Lhea.
Maganda maam!
Tama!
Sa pangalawang pangungusap naman,
Isabel.
Kulot po.
Mahusay!
Anong tawag sa mga salitang
naglalarawan na inyong ibinigay mula
sa mga pangungusap, Edna.
Pang-uri maam
Magaling!
Pang-uri nga ang tawag sa salitang
naglalarawan.
2. Pagganyak
Klas, anong nakikita ninyong hawak
ko?
Mga larawan po.
Tama! Ito nga ay mga larawan,
ilarawan nga itong unang hawak ko,
Grace.

May maraming puno po sa larawan,


maam.
Magaling! Nakikita nga natin sa
larawan ang maraming puno.
Ang pangalawang larawan naman klas,
Lhea.

Ang babae po ay maganda.

Marunong!
Sa Pangatlong larawan naman, Isabel.
May limang bulaklak na magaganda
maam.
Mahusay! Ang limang bulaklak nga ay
magaganda.
B. Paglalahad
Ngayon klas, narito ang isang
sanaysay na pinamagatang
Edukasyon Susi sa Pag-abot ng
mga Pangarap
Basahin nga ito nang malinaw at
malakas Cheryl.
Klas, habang binabasa ni Cheryl ang
sanaysay, inyong sundan ito gamit ang
inyong mga kopya at inyong pagtuunan
ng pansin ang mga salitang
nasalungguhitan.
(Babasahin)

Edukasyon Susi sa Pag-abot ng mga Pangarap


Ang mga tao ay likas na mapangarapin. Mula nang tayoy magkaisip, samut
saring pangarap na ang nais nating maabot. Ang mga pangarap na itoy maaaring
bumago sa ating abang buhay. Mga pangarap na kaytatayog na tila ba kay hirap abutin.
Ngunit paano ba tayo magiging matagumpay sa pag-abot ng mga matatayog na
pangarap na ito?
Edukasyon! Ito ang magsisilbing mabisang susi sa mundo ng kaalaman. Ito ang
ang lilinang at hahasa sa ating kakayahan. Ito ang susubok sa ating katatagan at
determinasyon.
Sadyang mahirap abutin ang mga pangarap. Ang landas na tatahakin natin tungo
ditoy maaaring mabata, maputik. Maraming balakid ang maaaring kaharapin hindi
lamang iisa, dadalawa, tatatlo ngunit matuto sana tayong bumangon at labanan lahat
ng mga mapanghamong suliranin o hadlang sa landas na ating tatahakin.
Sabi nga, Edukasyon ay pagbutihin, upang magandang kinabukasan ay
mabuksan para sa atin.

C. Pagtalakay
Ngayon klas, balikan natin ang
sanaysay. Pagtuunan natin ang
sanaysay. Pagtuunan ng pansin ang
mga salitang nasalungguhitan. Anuano ang mga ito, basahin, Marciana.
(Babasahin)
Magaling! Isa-isahin nating talakayin
ang mga salita.
Basahin ang buong pangungusap na
may nasalungguhitang salita.
Mula nang tayoy nagkaisip, samut-saring
pangarap na ang nais nating maabot.
Alin ang nasalungguhitang salita,
Lhea?

Samut-sari madam

Paano ginamit ang salitang samut-sari


sa pangungusap?
Inilarawan po dito ang mga pangarap na
nais maabot.
Magaling! Inilarawan nga ang mga
pangarap na nais maabot mula nang
tayoy magkaisip.
Magbigay pa nga ng pangungusap na
may nasalungguhitang salita, basahin
Pia.
Okey klas, batay sa binasa alin naman
dito ang nasalungguhitang salita,
Mona?

Ang mga pangarap na itoy maaaring


bumago sa ating abang buhay.
Aba maam

Tama! Paano naman ginamit ang aba


sa pangungusap klas, Isabel?
Inilarawan po nito ang buhay maam.
Marunong! Inilarawan nga nito ang
ating buhay.
Ano pa? Magbigay pa nga ng
pangungusap na may
nasalungguhitang salita, Edna.
Mga pangarap na kaytatag na tila ba kay
hirap abutin.
Tukuyin nga ang nasalungguhitang
salita dito, Isabel.

Kaytatayog maam

Mahusay! Paano ginamit ang salitang


kaytatayog sa pangungusap klas?
Naglalarawan poi to sa pangarap maam.
Magaling! Ang salitang kaytatayog nga
sa pangungusap ay naglalarawan sa
mga pangarap na tila mahirap abutin.
Magbigay pa nga ng pangungusap na
may nasalungguhitang salita, Mona.

Ito ang magsisilbing mabisang susi sa


mundo ng kaalaman.
Okey, alin dito ang salitang
nasalungguhitan, Cheryl?
Mabisa maam.
Ano naman ang ginamit ng salitang
mabisa sa pangungusap?
Ginamit po ang mabisa upang ilarawan
ang susi ng kaalaman, ang edukasyon.
Tumpak! Tama ang inyong sagot.
Ngayon magbigay pa nga ng
pangungusap na may
nasalungguhitang salita, Lhea.
Ang landas na tatalakayin natin tungo
ditoy maaaring mabato at maputik.
Tukuyin nga ang mga salitang
nasalungguhitan, saka tukuyin ang
mga salitang naglalarawan at ano ang
inilalarawan nito, Marciana.
Mabato at maputik maam na panuring po
sa salitang landas.
Tama! Ang mga salita ngang mabato at
maputik ay naglalarawan sa landas na
tatahakin.
Maliban sa mga naibigay na klas,
magbigay pa nga kayo, Mona.
Maraming balakid ang maaaring kaharapin
hindi lamang iisa, dadalawa, tatatlo ngunit
matuto sana tayong bumangon at labanan
lahat ng mga mapanghamong suliranin o
hadlang sa landas na ating tatahakin
Alin dito ang mga nasalungguhitang
salita, Nave?
Ang mga nasalungguhitan pong mga salita
ay ang marami, iisa, dadalawa, tatatlo at
mapanghamon
Magaling! Unahin natin ang unang
salitang nasalungguhitan sa
pangungusap, ano ito Ivy?

Marami po maam

Tama! Pansinin klas ang mga salitang


nasalungguhitan ang salitang iisa,
dadalawa, tatatlo, ano ang inilalarawan
nito?
Balakid maam
Sang ayon ba kayo klas na ang
inilalarawan ng salitang iisa, dadalawa
at tatatlo ay ang salitang balakid.
Opo maam.
Mahusay! Ang inilalarawan nga ng mga
ito ay ang salitang balakid.
Ano ang sumunod na salitang
nasalungguhitan?
Mapanghamon maam
Batay sa pangungusap, anong

inilalarawan ng salitang
napanghamon?

Mga suliranin o hadlang maam.

Magaling! Basahin nga ang panghuling pangungusap na may


nasalungguhitang salita.
Edukasyon ay pagbutihin, upang
magandang kinabukasan ay mabuksan
para sa atin.
Basahin nga ang salitang
nasalungguhitan.
Maganda po
Tama! Ano ang inilalarawan ng
maganda base sa pangungusap,
Nave?
Ang salita pong maganda ay naglalarawan
sa kinabukasan para sa atin.
Tumpak! Ang salita ngang ito ay
naglalarawan sa ating kinabukasan.
D. Paghahambing at Paghalaw
Ngayon klas, gamit ang mga salitang
nasalungguhitan sa lunsaran, inyong
gamitin ang talahanayang ito. Ang
inyong gagawin ay isulat ang salitang
tumutukoy sa bilang sa unang hanay at
mga salitang nagsasaad ng katangian,
uri, hugis naman sa pangalawang
hanay.
Naunawaan ba klas?

Opo
Inaasahang sagot:
marami
samut-sari
iisa
aba
dadalawa kaytatayog
tatatlo
mabisa
maputik

mabato
mapanghamon
maganda

Basahin nga ang inyong mga isinulat


klas, sa unang hanay at sa
pangalawang hanay Cheryl.
Ano ang katangian ng mga pang-uri sa
unang hanay at ano ang tawag sa mga
ito?
Ano naman ang katangian ng mga
salita sa ikalawang hanay?
Ano naman ang tawag sa mga panguring ito?
Paghambingin ang dalawang uri ng
pang-uri.

(Babasahin)
Nagsasaad po ng bilang o dami at itoy
pang-uring pamilang maam.
Tumutukoy sa uri, katangian ng bagay, tao
at pangyayari.
Pang-uring palarawan maam.
Ang pang-uring pamilang ay tumutukoy sa
bilang habang ang palarawan ay
naglalarawan sa uri, katangian ng bagay,

tao at pangyayari.
E. Paglalapat
Klas, narito ang isang Graphic
Organizer.
Punan ang bawat bahagi nito ng mga
impormasyong hinihingi.
P
A

kahulugan

(Inaasahang sagot)

N
GU
R
I

Ang pang-uri ay salitang naglalarawan sa hugis, anyo at

P
A

kahulugan

uri

N
GU
R
I

Pang-uring Pamilang

uri
Pang-uring Palrawan

Klas batay sa mga isinulat ninyo,


magbigay ng buod ng paksang
tinalakay natin.

Tumpak!

(Inaasahang Sagot)
Ang pang-uri ay salitang naglalarawan. Ito
ay may dalawang uri ang pang-uring
pamilang na nagsasaad ng bilang o dami
at ang pang-uring palarawan na
naglalarawan sa katangian, anyo, kulay at
hugis.

F. Paglalapat
Ngayon klas, tatawag ako ng isa
niyong kamag-aral.
Ang inyong gagawin ay ilarawan siya
gamit ang dalawang uri ng pang-uri,
Marciana?
Mahusay! Paano inilarawan ni
Marciana si Grace, Cheryl?
Marunong! At anong uri ng pang-uri
ang kanyang ginamit sa paglalarawan,
Jessicah.
Tumpak! Ilarawan pa nga si Grace, Ivy.
Tama! Mayroon ngang dalawang hikaw
si Grace. Ngayon klas, anong uri ng

Mahaba ang buhok ni Grace.

Mahaba po ang kanyang buhok maam.

Pang-uring palarawan maam.


May suot na dalawang hikaw si Grace
maam.

pang-uri ito, Pia?


Pang-uring pamilang po maam.
Mahusay! Ano pa Nave?
Mayroon apat na maiitim na nunal sa
mukha si Grace maam.
Magaling! Si Grace nga ay may apat
na maiitim na nunal sa kanyang
mukha.
Kung ganon, anong uri ng pang-uri ang
ginamit upang ilarawan si Grace,
Mona?

Pang-uring palarawan at pang-uring


pamilang maam. Sapagkat ang salitang
apat ay nagsasaad ng bilang ng nunal ni
Grace at ang salitang maiitim naman ay
tumutukoy sa kulay ng kanyang nunal
maam.

Tumapak! Naunawaan ba klas ang


ating aralin sa araw na ito?
Opo maam
IV. Pagtataya
Panuto: Bumuo ng isang talatang ginamitan ng pang-uring pamilang at pang-urin
palarawan. Tiyakin lamang na may taglilimang salitang ginamit sa bawat uri.
V. Kasunduan
1. Ano ang pang-abay?
2. Anu-ano ang mga uri ng pang-abay?
Sanggunian: Metalinggwistik na Pagtalakay sa Filipino, pp.133-135

You might also like