You are on page 1of 13

FILIPINO

PANG-URI PANLARAWAN
KASANAYAN
Nagagamit ang pang-uri sa paglalarawan ng magagandang
tanawin sa pamayanan. F5WG-IIh-4.3

LAYUNIN
a. Nakatutukoy ang mga pang-uring naglalarawan ng magagandang
tanawin sa pamayanan;
b. Nakabubuo ng pangungusap na naglalarawan ng magagandang tanawin
sa pamayanan;
c. Naisalarawan ang mga magagandang tanawin.

MENSAHE PARA SA MGA MAG-AARAL


Hello! Kumusta ka? Sana ay nasa mabuti kang kalagayan ngayon at
handang-handa na naman sa pagkatuto ng isang aralin. Paghusayan
mo ha?

PANIMULA
Napag-aralan mo na ang ilang mga araling tumatalakay tungkol sa
pang-uri. Sa pagkakataong ito, ang aralin mo ay tungkol pa rin sa pang-
uri. Ito ay ang paggamit ng pang-uri sa paglalarawan ng magagandang
tanawin sa pamayanan.

Balik-aral
Panuto: Bilugan ang mga salitang naglalarawan ng
tao.

mabait pandak
malawak mataba
maganda malayo
berde kayumanggi
makinis malayo
masipag matalino
makinang

Panimula

Paghawan ng mga Balakid


Panuto: Kulayan ng pula ang tamang bilohaba na nagbibigay kasingkahulugan
sa salitang may salungguhit.

Malawak ang lupain ng aking lolo.

malapad maliit

Ang Mt. Apo ay isang matarik na tanawin sa Mindanao.

mahaba mataas

Kitang-kita ang ibat-ibang isda sa Enchanted River dahil sa


malinaw nitong tubig.

malinis klaro

Maaliwalas ang tahanan nila Ana na nasa paanan ng bundok.

presko mainit

Pagproproseso
Panuto: Kahunan ang salitang naglalarawan sa mga tanawing makikita sa
ating bansa.

Ang Bulkang Mayon ay matarik.

Malinaw ang tubig sa Aliwag-awag Falls.

Ang Hagdan-hagdang Palayan sa


Banawe ay kakaiba ang ganda.

Malinis ang dalampasigan ng Dahican


Beach Resort.
Pangalawang Gawain
Buuin ang Magic Word sa pamamagitan ng paglalagay ng titik sa bawat
kahon. Gamitin ang alpabetong may katumbas na bilang.
A B C D E F G H I J K L M
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13

N O P Q R S T U V W X Y Z
14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26

16 21 19 1 14

16 15 9 14 20

Tanong:
Anong tanawin ang iyong nabuo?
Saan mo ito makikita?
Ano ang kahalagahan nito sa mga mamamayang nakatira sa
Brgy. Santiago, Caraga?

Gawain
Ano ang iyong masasabi sa tanawing ito?

Maaari mo bang ilarawan ang Pusan Point?

Gumawa ng pangungusap gamit ang mga salitang


panglarawan base sa larawang nakita sa itaas.

Panuto: Bilugan ang salitang panglarawan na ginagamit sa


pangungusap. Lagyan ng masayang mukha ang patlang
kung pang-uri at malungkot naman kung hindi.
___________ 1. Malinis ng aming paaralan ngayon.

___________ 2. Mahina na ang katawan ng aking lola.

___________ 3. Mabagal lumakad si Aling Salud.

___________ 4. Magandang magtrabaho ang nakuha kong


pintor.

___________ 5. Ang mga tao ay masunurin sa batas.

___________ 6. Matamang nakinig ang mga tao sa mensahe


ng pangulo.

___________ 7. Tapat na umiibig sa bayan ang kawal.

___________ 8. Tunay na nagmamahal ang ina sa kanyang


mga anak.
Isaisip Mo
Ang pang-uri ay maaring maglarawan sa katangian, hitsura o
anyo, kulay, lasa, amoy, tunog, kayarian at hugis ng pangalan at
panghalip. Ang uring ito ng pang-uri tinatawag na Pang-uring
Panlarawan.
Isapuso Mo
Panuto: Basahin mabuti ang pangungusap. Punan ng angkop na pang-uri ang
patlang para mabuo ang pangungusap.

1. Ang Caliraya Lake ay isa sa _____________ tanawin at pasyalan sa Laguna.


2. Ang Pagsanjan Falls ay dinarayo ng mga turista dahil sa taglay niyong ________.
3. __________ ang tubig na dumadaloy sa Balanac Dam sa Magdalena.
4. Kulay _______ ang langit kung pagmamasdan mo ito mula sa tuktok ng Bundok
ng makiling.
5. Dinarayo ang lalawigan ng Laguna sa taglay nitong _______.

Isulat Mo
Panuto: Sumulat ng mga pangungusap gamit ang mga pang-uri upang ilarawan ang
mga magagandang tanawin sa ating bansa.

You might also like