You are on page 1of 34

magandang

araw!
Alamin mo
kung sino
ako!
MGA hayop
elemento ng
pabula
INIHANDA NI: BB. TANIA
J. TAGLE
Sa pagtatapos ng aralin ang
mga mag aaral ay inaasahang:
a. natutukoy ang mga elementong pabula;

napahahalagahan ang nabasang pabula


b. sa pamamagitan ng pagtukoy ng aral sa
nabasang teksto;
nakagagawa ng sanaysay tungkol sa
c. mahalagang aral na nakuha sa binasang
pabula.
pabula
Ang pabula ay isang maikling kwento kung
saan ang mga hayop ang gumaganap. Ito ay
karaniwang isinasalaysay sa mga bata para
aliwin gayundin ang magbigay ng pangaral.
Isang uwak ang nakaramdam ng pagkasawa sa pang-araw-araw na gawain.
Sawa na siya sa paglipad sa kalawakan.
Sawa na rin siya sa pamamasyal sa matarik na kadundukan at malawak na
kagubatan.
Isang araw, dumapo siya sa
sanga ng punong manga.
Tiningnan niya sa ibaba ang
malinaw na batis.
Kitang-kita niya ang kekembot-
kembot na paglalakad ng isang
pulutong na mga gansa.
Noon lamang napansin ng uwak
ang mapuputing balahibo ng
pinapanood.
Masasaya ang mga gansa sa
paglangoy nila sa batis.
Maririnig mo ang malalamyos
nilang tinig.
“Masasaya na sila, magaganda
pa! Pagkapuputi ng mga balahibo
nila. Maitim na maitim ako.
Pagkapangit-pangit ko. Siguro,
nakapagpapaputi
nakapagpapaganda, at
nakapagpapaligaya ang batis na
pinaglalanguyan nila.”
“Binibining gansa, maaari
bang sumabay sa iyong
paglalangoy?”
“Aba, oo. Halika. Ang batis
ay kalikasang handog ng
Panginoon. Halika,
sumabay ka sa akin!”
Kumislap ang mga mata ng uwak.
Sa wakas ay makalalangoy na rin
siya. Subalit, di tulad ng mga
gansa, ang uwak ay hindi
marunong lumangoy.
Sapagkat gustong-gustong
madaling pumuti, gumanda, at
lumigaya, pinilit niyang lumangoy
na malayo sa gansang kinaibigan
niya. Sa kasamaang palad ay
nabasa ang mga pakpak ng uwak
at natangay siya ng
rumaragasang alon
hanapin mo
ako!
Pamagat
Isang salita o parirala kung saan
isinisiwalat ang isang paksa.
tauhan
Sila ang mga gumaganap sa
kwento.
Tagpuan
Tumutukoy ito sa oras, panahon,
at lugar ng pinagdausan ng isang
kwento.
banghay
Ito ang kabuuang
pangyayari ng isang
kwento.
aral
Ito ay tumutukoy sa
mahalagang natutunan sa
isang kwento.
alin sa
elemento ng
pabula ako?
Pamagat
Ang Kuneho at ang
Pagong
tauhan
Si Kuneho at
Pagong
Tagpuan

Kabundukan
banghay
Isang hapon, nagkita si Pagong at si Kuneho sa daan. Biniro ni Kuneho si
Pagong sa kanyang maliliit na paa na naging dahilan kung bakit
napakabagal niyang maglakad. Nainsulto si Pagong sa mga biro ni Kuneho.
Sa kagustuhan ni Pagong na patunayang mali si Kuneho sa kanyang mga
paratang, hinamon niya ito sa isang paligsahan kung saan mag-uunahan
silang makaabot sa ikatlong bundok. Pumayag si Kuneho sa hamon niya
dahil malakas ang tiwala niya sakanyang sarili. Kinabukasan, nangyari na
ang paligsahan. Nagsimula ang paligsahan at nauna si Kuneho. Noong
nakarating na siya sa tuktok ng ikalawang bundok, nagpasya siyang
magpahinga muna. Noong gumising na siya, nakaabot na si Pagong sa
kanilang destinasyon at siya ay napahiya. Maraming bumati sa tagumpay
na nakamit ni Pagong.
aral
Huwag maging mayabang.
Tandaan, ang taong nagmamataas ay
lalong bumababa at ang taong
nagpapakababa ay siyang tinataas.
paglalahat
pagtataya
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang kahulugan ng salitang nasa Hanay A.
Ilagay sa patlang ng hanay A ang letrang sagot na nasa Hanay B.

Hanay A Hanay B
_________1. Pamagat A. Tumutukoy sa panahon at lugar
pinagdausan ng isang kwento.
_________2. Tauhan B.Tumutukoy sa mahalagang
natutunan isang kwento.
_________3. Tagpuan C. Isang salita o parirala kung saan
isinisiwalat ang isang paksa.
_________4. Banghay D. Ito ang kabuuang pangyayari ng
isang kwento.
_________5. Aral E. Sila ang mga gumaganap sa
kwento.
F. Ito ang gulo na nagaganap sa kwento
takdang aralin
Basahin ang pabula na pinamagatang
“Si Pagong at si Matsing” at sumulat
ng sanaysay sa inyong kwaderno
tungkol sa aral na mapupulot dito.
maraming
salamat!

You might also like