You are on page 1of 6

MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO

Ikalimang Baitang

I. LAYUNIN:

Sa loob ng 60 minutong talakayan, 95% ng mga mag-aaral sa ikalimang

baitang ay inaasahang:

a. Nasusuri ang nilalaman ng pabulang nabasa kabilang na ang mahahalagang

elemento nito;

b. Napapahalagan ang aral na napulot sa pabula; at

c. Naisasagawa ang pagsasadulang nagpapakita ng pagtutulungan.

II. PAKSANG ARALIN:

Paksa: Pabula: “Ang Magkaibigang Aso at Pusa” ni Ma. Asuncion P.

Romulo

Sanggunian: Pinagyamang Pluma (Wika at Pagbasa para sa Elementarya)

Grade 5 textbook, ni Ailene G. Baisa-Julian, pp. 44-46.

Kagamitan: Libro, puzzles, mga larawan, at mga letra.

Estratehiya: Talakayan, pangkatang gawain, pagsasadula, at pagbabahagi.

Pagpapahalaga: Pagpapakita ng paggalang sa kakayahan ng iba, pagkakaroon

ng pagkakaisa at pagtutulungan sa anumang sitwasyon.


III. PAMAMARAAN:

A. Panimulang Gawain

a. Pambungad na panalangin

b. Pagbati

c. Pagsasaayos ng silid

d. Pagtala ng mga lumiban

e. Pagbabalik-aral

Tatawag ang guro ng mga mag-aaral na mag-uulat ng tinalakay noong

nakaraang tagpo.

B. Pagganyak (Pangkatang Gawain)

Hahatiin sa dalawang pangkat ang buong klase. Bibigyan sila ng tig-iisang

hanay ng mga “puzzle” kung saan bubuuin nila ito sa loob ng limang minuto

lamang. Pagkatapos nilang mabuo ang puzzle, sabay-sabay nilang gagayahin

ang tunog ng isang hayop na nasa kanilang nabuong puzzle. Sasabihin ng

guro kung ano nga ba ang koneksyon nito sa kanilang aralin.

C. Paghahawan ng Sagabal

Ang mga mag-aaral ay bibigyan ng mga letra at kanila itong aayusin upang

mabuo ang kasingkahulugan ng mga sumusunod na salita:

1. Karakter – hautan (tauhan)

2. Pook – tgaupan (tagpuan)

3. Pangyayari – aabnghy (banghay)


4. Leksiyon – laar (aral)

D. Paglalahad

Ipapabasa sa mga piling mag-aaral ang ilang bahagi ng akda at ang iba

naman ay makikinig sa kanilang upuan. Ang pamagat ng pabulang kanilang

babasahin ay “Ang Magkaibigang Aso at Pusa”.

E. Pagtatalakay

a. Pagsusuri sa nilalaman ng akda.

Pagkatapos basahin ang pabula ay susuriin ang nilalaman nito sa

pamamagitan ng inihandang mga tanong.

Mga Gabay na tanong:

1. Sino-sino ang mga tauhan sa pabula? Ilarawan ang kanilang

kakayahan.

2. Saan nangyari ang akdang binasa?

3. Ano ang sanhi ng pagtatalo ng aso at pusa sa pabula?

4. Sa iyong palagay, ano kaya ang mangyayari kung hindi

tinulungan ng aso ang pusa mula sa magnanakaw?

5. Kung ikaw ang nasa kalagayan ng aso, gagawin mo rin ba ang

kaniyang ginawa? Bakit?

6. Ano ang aral na inyong nakuha sa pabula?

b. Pagtatalakay sa pabula bilang akdang pampanitikan:


1. Ano nga ba ang pabula?

2. Anu-ano ang mga mahahalagang elemento ng pabula?

F. Paglalapat (Pangkatang Gawain)

Magkakaroon ng isang pangkatang gawain, ang gagamiting pangkat ay ang

naunang naging pangkatan. Gagawa ang mga mag-aaral ng isang maikling

pagsasadula na nagpapakita ng pagkakaisa at pagtutulungan kagaya sa

akdang kanilang binasa. Bibigyan lamang sila ng limang minuto upang

paghandaan ang gawain. Magbibigay ang guro ng pamantayan o rubrics sa

pagmamarka ng kanilang pagsasadula.

G. Paglalahat

Magpapaskil ang guro ng mga larawan sa pisara kung saan huhulaan ng

mga mag-aaral kung ano ang nais ipahiwatig ng mga ito at sasagutan din nila

ang kasunod na mga katanungan na ibabahagi nila sa klase.


Mga tanong:

1. Base sa pabulang binasa, bakit mahalaga ang pagtutulungan?

2. Naranasan mo na rin bang tumulong sa kapwa?

IV. PAGTATAYA

Panuto: Isaayos ang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa pabulang, “Ang

Magkaibigang Aso at Pusa”. Isulat lamang ang bilang na 1-8 ayon sa

tamang pagkakasunod nito.

______ 1. Nagkaroon sila ng pagtatalo kung sino ang mas magaling at

kapaki-pakinabang sa bahay.

______ 2. Hindi nakahuli ng mga daga ang aso dahil kulang siya sa bilis at

liksi.

_______ 3. Lumaking magakasama sina aso at pusa at ginugol nila ang

kanilang buong pagkabata sa paglalaro.

_______ 4. Mula noon, naging mas matalik na magkaibigan sina aso at

pusa.
_______ 5. Nang magkita sina aso at pusa, sumang-ayon sila na

magtulungan nalang sila.

_______ 6. Naging interesado ang pusa sa panghuhuli ng mga daga

habang ang aso ay naging bantay ng kanilang bahay.

_______ 7. Bigong magbantay ng bahay ang pusa kung kaya tinulungan

siya ng aso mula sa magnanakaw.

_______ 8. Ginantihan ng tulong ng pusa ang aso habang ito'y natutulog

kaya hinuli niya ang mga daga para sa kanya.

V. Kasunduan

Panuto: Gumuhit ng isang larawan ng iyong paboritong hayop o alaga. Iguhit ito

sa isang malinis na puting papel (short bond paper). Sa ibabang bahagi ng

iyong papel, tukuyin kung bakit ito ang iyong piniling hayop at ilista ang mga

kakayahan o angking abilidad nito.

Inihanda ni:
Ma. Asuncion P. Romulo
BEEd 3-1

You might also like