You are on page 1of 6

Mala-Masusing Banghay-Aralin sa Filipino

Unang Baitang

inihanda ni Alliah B. Villanueva mula sa BMSEE II-19

I. LAYUNIN

Sa loob ng tatlumpung minutong talakayan tungkol sa Ang Apat na Baka at ang Leon, ang mga
mag-aaral sa unang baitang ay inaasahang:

a. nasusuri ang napakinggang kwento;

b. nakagagawa ng sariling pagtatapos tungkol sa napakinggang kwento; at

c. naiuugnay ang mensahe ng kwento sa sarili at buhay ng mag-aaral.

II. PAKSANG ARALIN

Paksa: Kwento: “Ang Apat na Baka at ang Leon”

Sanggunian: Komunikasyon 1, pahina 225–228, nina Emilia L. Banlaygas at Eleanor D.


Antonio

Kagamitan: Bidyo, puzzle, mga larawan, ppt, cards, tape, laptop at projector, manila paper,
pentel pen, at whiteboard marker.

Pamamaraan: Interactive Approach

Pagpapahalaga: Pagpapakita ng pagkakaisa at pagtutulungan sa anumang sitwasyon kanilang


binibilangan.

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain

 Pambugad na panalangin

 Pagsasaayos ng silid

 Pagtala ng liban

 Balik-aral. Tatawag ang guro ng mga mag-aaral na mag-uulat ng tinalakay noong


nakaraang pagkikita.

 Pagganyak. Pangkatang gawain. Hahatiin sa dalawang pangkat ang buong klase.


Magbibigay ang guro sa bawat pangat ng “puzzle” kung saan bubuuin nila ito sa
loob ng limang minuto. Pagkatapos mabuo ng dalawang grupo ang mga larawan,
sasabihin ng guro kung ano nga ba ang koneksyon nito sa kanilang aralin.

B. Paglalahad

Iparinig ang kuwento. Maaari ding ipabasa sa ilang piling mag-aaral ang ilang bahagi
at ang iba naman ay makikinig. Ang pamagat ng kwento ay “Ang apat na baka at ang
leon”.

C. Pagtalakay

Pagtapos ng paglalahad ng kwento ang guro at ang mga mag-aaral ay gagawa ng story
grammar kung saan nakapaloob dito ang tagpuan, tema o paksa, banghay at wakas
gamit ang mga gabay na tanong sa ibaba.

Mga gabay na tanong pagkatapos ng pagtatalakay sa kwento:

1. Saan nangyari ang kwento?

2. Ano ang tema o paksa ng kwento?


3. Bakit mahalagang magkaroon ng pagkakaisa at dapat magtulungan?

4. Sino makapagbibigay ng banghay ng kwento?

5. Ano ang naging wakas ng kwento?

Ang apat na Baka at ang


Leon

Kagubatan Tema o Banghay Wakas


paksa

NAKITA NG LEON ANG ISA-ISANG


Kagubatan MGA BAKA AT KINAIN
Pagkakaisa at NAGTANGKA KAININ ANG
pagtutulungan NG LEON
MGA ITO. DAHIL SA
PAGKAKAISA AT ANG MGA
PAGTUTULUNGAN HINDI BAKA
NAKAKALAPIT ANG LEON
SA KANILA. ISANG ARAW,
NAGTALO TALO AT
NAGKAHIWALAY SILA.

D. Paglalapat

Gawain 1

Pangkatang gawain. Hahatiin sa dalawang pangkat ang buong klase at aatasan


silang gumawa ng saraling pagtatapos sa kwentong kanilang napakinggan at ito ang
“Ang Apat na baka at ang Leon”. Bibigyan lamang ang mga mag-aaral ng sampung
minuto upang matapos ito. Isusulat ang kanilang gawa sa isang Manila Paper na
ibibigay ng guro. At pipili ng isang mag-uulat upang ibahagi ito sa buong klase.

Pagkatapos ang pag-uulat ang bawat pangkat ay magbibigay ng kanilang grado


gamit ang pamantayan sa ibaba. Ang pangkat isa ay bibigyan ng grado ang pangkat
dalawa at ang pangkat dalawa bibigyan ng grado ang pangkat isa

Mga Pamantayan 5 4 3 2 1
Naangakop ang ginawang pagtatapos sa
kwento
Malinaw ang nais na ipahatid sa
pagtatapos ng kwento.
Nakasunod sa takdang oras ng pagpasa.
Kabuuang Puntos

Gawain 2

Magkakaroon ng isang pangkataang gawain kung saan maipapakita ng mag-aaral


ang paksa o tema ng kwentong kanilang napakinggan. Ang gagamiting pangkat ay ang
naunang naging pangkatan. Gagawa ang mga mag-aaral ng “role play” na nagpapakita
ng pagkakaisa at pagtutulungan kagaya sa kwentong kanilang napakinggan. Bibigyan
lamang sila ng limang minuto upang tapusin ang gawain.

Ang guro ang siyang magbibigay ng grado sa bawat pangkat gamit ang mga
pamantayan sa ibaba.

Mga Pamantayan 5 4 3 2 1
Naipapakita ang pagkakaisa at
pagtutulungan.
Maayos na iprinisita ang gawain.
Nakasunod sa takdang oras ng pagpasa.
Kabuuang Puntos

E. Paglalahat

Pabigyan ng pansin sa mga mag-aaral ang katagang ito: Dapat magtulungan at


magkaisa ang lahat. Ang guro ay magpapakita ng mga larawang kung saan ipapahula
ng guro sa mga mag-aaral kung ano ang ipinapakita nito.
Pagkakaisa ng magkakaibigan Pagtutulungan at pagkakaisa ng pamilya

Pagkakaisa at pagtutulungan sa Pagkakaisa at pagtutulungan sa

isang komunidad paaralan

Mga tanong:

1. Bakit mahalaga ang pagtutulungan base sa kwentong napakinggan?

2. Bakit ang pagkakaisa ang dapat gawin ng mga tao?

IV. PAGTATAYA

Tapusin ang bawat pangyayari sa kuwento. Pagkatapos, ayusin ito nang sunod
sunod, isulat ang bilang 1–5 sa tamang kahon.
Pinagkaisa ng mga ________ ang _________.

Kaya nang makita sila _______ inisa-isa silang sinugod at _______ nito.

Napansin ng mga _______ na papalapit si _______.

Minsan, nagtalo-talo ang mga _______ at sila’y _______.

Dahil walang nagawa si Leon siya’y _______.

V. KASUNDUAN

Gumawa ng slogan tungkol sa pagkakaisa.

You might also like