You are on page 1of 4

DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA FILIPINO V

I. LAYUNIN
Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang makakakuha ng mahigit 75% para sa
mga sumusunod na layunin:
 Natutukoy ang wastong paggamit ng teknolohiya
 Naiguguhit ang mga larawan na nagpapahiwatig ng walang inaaksayang
teknolohiya.
 Naipapakita ang pagpapahalaga sa kapaligiran.

II. NILALAMAN
Paksa: Walang Aksayang Teknolohiya
Sanggunian: Batayang Aklat sa Landas sa pagbasa, pahina 18-20
Kagamitan: Larawan, Manila Paper, Colored Paper.

III. PAMAMARAAN
Gawain ng GUro Gawain ng Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
 Pagpapadasal
 Pagpapaawit
 Pambungad na pagbati
 Pagtsek ng liban
1. Balik Aral
Tingnan ang larawan ano ang inyong
nakikita
- Nagtatanim ng puno at halaman
- Nagdidilig ng halaman

2. Pagganyak
Sa inyong lugar anu-ano ang gagawin - Ang aking gagawin ay ang mga
mo para maiwasan ang pag-aaksaya ng sumusunod:
teknolohiya? - Itatapon ang basura sa tamang
lalagyan
- Pagtatanim ng mga halaman at puno
- Paghihiwalay ng papel, plastik at bote.
3. Pagganyak na Tanong -
Anu-ano ang mga dapat gawin upang -
walang maaksayang teknolohiya?
Sasagutin natin ang tanong pagkatapos -
nating basahin ang tula.
B. Panlinang na Gawain -
1. Paglalahad
Pagbabasa ng Tula
Walang Aksayang Teknolohiya -
Ito’y isang panawagan
Sa bola nang minamahal
Halinang iligtas
Ang kapaligiran
Mga dumi sa paligid
Ng itinapong bagay
Ating ihiwalay
Sa di-natutunaw

May basurang natutunaw


At may di-natutunaw
Natutunaw na basura’y
Pampataba sa halaman
At nirerecycle naman
Mga di-natutunaw
Naipagbibili pa’t
Napagkakakitaan
Polusyon sa hangin
Ay maiiwasan
Kung magtatanim
Ng mga halaman
Walumpu’t pitong bahagdan
Ng mga pollutant
Nalilinis ng halamang
nasa loob ng bahay
Mga basurang papel,
Plastik at botelya
Ipunin nang maayos
At nang magamit pa.
Maipagbibili rin
Ang dyaryo at garapa.
At matataniman
Iyang mga lata
Iyang mga papel
At sirang bombilya
Nagagawang palamuti
Sa murang halaga
Ang iba’y laruang
Mabibili sa bangketa
Na yari sa papel
Barnis, at pintura
Paggamit ng tubig
Ay bawas-bawasan
Mga sirang gripo
Ayusin, palitan
Pagdidilig sa tanghali
Sana ay iwasan
Mga bukas na fire-hydrant
Gawan agad ng paraan
Kaya bago magtapon
Isiping mabuti sana
Iyang pagtitipid
Mabuting pagpapahalaga
Uunlad ang buhay
Paligid ay lilinis pa.

2. Pagtatalakay -
 Anu ano ang dapat gawin upang - Pagtatanim ng halaman
walang maaksayang teknolohiya?
 Sino-sino ang dapat na sisihin sa mga - Ang mga mamamayan
nangyayaring pagbaha at pagkasira ng
ating likas na yaman?
 Sa binasa nating tula. Alin sa mga ito - Pagtitipid ng tubig
ang iyong ginagawa? - Pagtatanim ng halaman.
C. Pangkatang gawain -
Hahatiin ko kayo sa tatlong pangkat. -
Magkakaroon tayo ng pangkatang gawain,
ngunit bago yan ay babasahin muna natin
ang mga pamantayan sa pagkakaroon ng
pangkatang gawain
Mga pamantayan sa pangkatang Gawain
- Gumagawa ng walang ingay
- Makilahok sa ka grupo
- Magbahagi ng ideya o kaalaman sa
kagrupo

Panuto: Lagumin ang mga ideyang nasa tula


sa tulong ng semantic map. Tularan ang una.

Unang Pangkat

Panuto: Lagumin ang mga ideyang nasa tula


sa tulong ng semantic map. Tularan ang una.

Pangalawang Pangkat

Panuto: Lagumin ang mga ideyang nasa tula


Pangatlong pangkat sa tulong ng semantic map.

D. Pangwakas na Gawain -
1. Paglalahat -
Anu-ano ang inyong nasambit na - Pagtapon ng basura sa tamang
ginagawa sa inyong bahay at paaralan? lalagyan
- Ang papel, plastik at bote ay
inihihiwalay at inilalagay sa tamang
lalagyan.
- Pagtatanim ng puno at halaman
E. Paglalapat -
Panuto: Isulat ang TAMA kapag ang -
pangungusap ay walang naaaksayang
teknolohiya at MALI kapag ang
pangungusap ay ginagamitan ng pag
aaksaya.
1. Ang pagtapon ng basura sa tamang - Tama
lalagyan
2. Pagputol ng kahoy - Mali
3. Pagbukas ng gripo kahit hindi - Mali
ginagamit.
4. Paglilinis sa kapaligiran - Tama
5. Paghihiwalay ng nabubulok sa d - Tama
nabubulok
-
F. Pagpapahalaga -
Kailangan ba nating pahalagahan ang - Oo kailangan nating pahalagahan ang
ating kapaligiran upang walang ating kapaligiran sapagkat tayo
maaksayang teknolohiya? lamang ang makatutulong at ang
gumagawa ng paraan para sa ikabubuti
at ikauunlad ng ating kapaligiran at
pamayanan ng walang inaaksyang
teknolohiya
-
IV. Pagtataya -
Panuto! Unawain at sagutin ang tanong. -
Sagutan sa isang buong papel.
1. Bakit ito pinamagatang walang -
aksayang teknolohiya?
2. Ano ba ang ibig sabihin ng walang -
aksayang teknolohiya?
3. Bukod sa nakatipid, ano pang -
kabutihan ang dulot nito?
4. Ano ang iyong maitutulong upang -
maiwasan ang pag-aaksaya ng
teknolohiya?
5. Magbibigay ng isang halimbawa ng -
tamang paggamit ng teknolohiya

V. TAKDANG ARALIN
Iguhit sa inyong kuwaderno ang mga halimbawa ng larawan na nagpapahiwatig ng walang
inaaksayang teknolohiya.

Inihanda ni

AMY ROSE T. CASTRO


BEED 3B

Iniwasto ni

RENE ARISAPA
Instructor

You might also like