You are on page 1of 1

Bring your coloring materials and art materials for your poster slogan 2moro...

dtoy skwelaan nu bgat


time ti entrep ti panagaramid yo ti poster slogan

Ang Baguio city ay isang commercialized na siyudad na matatagpuan sa probinsya ng Benguet,


Cordillera Administrative Region. Ito ay tinatawag na “Summer Capital of the Philippines” dahil
sa malamig na panahon, may napakagandang tanawin, at madaling puntahan ng mga taga Luzon.
Kahit na hindi kami taga-dito, ako kasama ang aking pamilya ay madalas magmaneho at
magbakasyon dito dahil sa kaaya-aya na panahon at temperatura dito sa Baguio city. 4 na buwan
pa lang ang aking tanda, madalas na ako dalhin ng magulang ko dito kasama ang aking mga
kapatid. Dati, mas matagal ang maneho papunta sa Baguio dahil hindi pa nabubuo ang SCTEX at
TPLEX na mayroon na ngayon. Hanggang Bulacan exit pa lamang ng NLEX ang abot ng
expressway dati, at tatahakin ang McArthur highway o Manila north road, at umaabot ng 9 na
oras ang maneho upang makarating ng Baguio. Ngayon, kung nais mong pumunta at
magbakasyon sa Baguio, kayang 3.5 na oras lamang ang biyahe ngayon dahil hanggang Rosario,
La Union na ang abot ng expressway. Upang makaakyat ng Baguio, may 2 kalye ang nagbibigay
daan papunta, ang Marcos Highway, at ang Kennon Road. Mas mabilis ang biyahe kung sa
Kennon Road ang daan, ngunit mas makitid at mas ma tarik ang daan dito, kaya Marcos
Highway ang lagi naming dinadaanan para sa mas ligtas, at maluwag na daan. 

Bukod sa malamig na panahon, at kaaya-aya na tanawin na matatagpuan dito, mayroong mga


lugar na pang turista. Una, ang botanical Garden, ang Botanical Garden sa Baguio ay isa sa
pinakamagagandang patutunguhan ng turista sa lungsod: nagbibigay ito ng pahinga sa mga bisita
mula sa magulong buhay sa NCR sa pamamagitan ng kalmadong paligid. Mayroong maraming
mga puno ng pine na nakapila sa lugar, mga maliliwanag na bulaklak, kultura na naglalarawan
ng iba’t ibang mga ritwal ng mga tribo ng Cordillera, at ang mga Igorot na higit na handang
kumuha ng larawan kasama mo para sa isang maliit na bayad. Mayroon ding Burnham Park, ang
Burnham Park ay may isang lawa na gawa ng tao na kilala bilang Burnham Lagoon, at maraming
mga iba ibang klase ng bulaklak na matatagpuan, may mga rosas, marigold, daisy at hollyhock
ay sagana sa lugar ngunit isang di-pangkaraniwang paningin sa karamihan ng mga bahagi ng
bansa.

You might also like