Alam natin na maraming magagandang lugar sa pilipinas na magandang puntahan pero
para sa akin ang magandang puntahan ay ang baguio city dahil sa taglay nitong ganda na nakakaakit Ang baguio city ay isa sa mga tinaguriang napakagandang tourist spot sa Luzon dahil sa maraming tourista dito na pumupunta upang mamasyal,dahil na din sa napaka lamig nitong temperature kaya maraming mga tao ang pumunta dito,dahil sa napakalamig nitong temperature dito din matatagpuan ang strawberry farm na kung saan pwede puntahan ng mga tao, dito muna rin matatagpuan ang hagdan hagdan palayan na kung tawagin ay rice terraces na kung iyong pagmamasdan ay papaakyat sa ulap.hindi lang ito ang mga lugar na matatagpuan dito dahil marami pang iba kagaya ng Lion's Head na matatagpuan sa Camp 6 Kennon Road, Philippine Military Academy na Makikita sa silangang bahagi ng lungsod sa loob ng Fort del Pilar, Mansion House na Isa sa mga opisyal na tahanan ng Pangulo ng Pilipinas, Burnham Park, Botanical Garden, Baguio City Market, Baguio Sunshine Park, Mines View Park, Wright Park, Saint Louis Filigree Shop, Session Road, Kennon Road, Lourdes Groto, Baguio Catholic Cathedral, Rizal Park, Good Shepherd Convent, ,Easter Weaving Room, Camp John Hay at Teacher's Camp. Ilan ito sa matatagpuan sa baguio city. At lalo na ngayon marso ay magandang puntahan ang baguio dahil ipagdiriwang nila ang panagbenga na kung saan magkakaroon ng paligsahan sa pagandahan ng float na gawa sa mga bulaklak, at ang mga tao na nagsasayaw ng nakasuot ng magagandang damit na gawa sa mga habi ng mga taga baguio.kaya halina’t puntahan ang baguio tsak di ka magsisis dito. Ilan ito sa mga pwede puntahan ng mga turista.